Silence of Love

60 1 0
                                    

Silence of love 

CHAPTER 1..

=======================================================================

"Hoy Cj!" Lumapit sya sakin sabay akbay sa balikat ko "Ano??!" inis na sabi ko sa kanya "init agad ng ulo ah! Meron ka??" asar nya naman sakin.  "Lul!! Baka ikaw! Tskk, tigilan mo nga ako!" inalis ko yung kamay nya sa may balikat ko. "Hahaha! Chill lang! ay oo nga pala pare, may laro daw tayo mamaya" "huh? Saan daw?" "Ewan ko. Wahaha! Text na lang kita mamaya. Geh alis na ako!" Loko yun ah! Tskk. Yung sinasabi nyang laro, sa basketball yun. Kasama kasi ako sa basketball team namin sa school. Bakit nga ba kasi ako sumali dun? Nakakatamad naman mag laro.  Mad do-dota na lang ako. Wahahaha!

~toot~ ~toot~

Biglang tumunog yung cellphone ko. "Oh Jake, bakit?" "nakalimutan kong sabihin, kinuha ko yung wallet mo kaya di ka makakapag dota. Bwahahaha!! Wag mong kakalimutan yung laro mamaya ah!" "PU-" Ay shomai naman oh! Inend nya na yung call bago ko pa matapos yung sasabihin ko. G*go yun ah! Tsk. Pano nya kaya nalaman na mag do-dota ako? Badtrip naman! Bahala siya, di pa rin ako pupunta mamaya.

Si Jake nga pala yun. Isa sa mga tropa ko. Ako na siguro ang pinaka matino samin, at pinaka gwapo daw! wahahaha!!

Habang iniisip ko yan, nag lakad lakad muna ako habang paalis ng school. Nakarating ako sa isang field. San kaya ako pwede pumunta? Urgh, gutom na ako! Lagot talaga sakin yang Jake na yan bukas! "Ah! P*TAH!" Ang sakit! May tumama sa ulo ko na bola.

May lumapit saking babae, nakayuko lang sya tapos kinuha nya yung bola na tumama sa ulo ko sabay takbo. Takbo??? Ay tae! Sya yung naka tama sakin! "HOY MISS!!" kainis! Ang bilis naman nun tumakbo! Di man lang nag sorry sakin. Pasalamat siya at babae siya. Badtrip talaga ang araw ngayon!

Wahh! Gutom na talaga ako! Tapos ang lamig pa ngayon. Nilagay ko yung kamay ko sa bulsa ko para mainitan. Hmm, may nakakapa akong grasya ah! Nyahaha! May nakapa akong pera sa bulsa ko. Ayos! Makakain nga, gutom na gutom na ako eh. Sorry dota, di ko na kasi talaga kaya yung gutom ko eh. Buti na lang may malapit na 7/11 dito.

Pag pasok ko sa 7/11 na banas ako.

"Babe, subuan mo kooo! ^_^" sabi nung lalake sa katabi nyang babae "eiiiiii, hug mo ko!"  sabi naman nung babae.

Nasusuka ako

Badtrip! Puro mag syo-syota yung nandito ako lang ata ang nag iisang single. Bumili na lang ako ng sandwich tsaka c2. Buti na lang may bakante pang upuan. Dun ako umupo sa may dulo. Grabe! Mukha akong loner dito. Pero mas ok nayun keysa naman mag mukhang malandi katulad ng mga tao dito.

Teka lang ah. Di ako bitter! Naiinis lang talaga ako pag nakakakita ako ng mga PDA. Nakakabanas kaya! Mag landian ba naman sa harapan mo. -___-

Aaminin ko, di pa ako naiinlove. Kaylangan ba talagang ma-inlove? Wala naman ding maayos na babae! Sabi nila sayang naman ang kagwapuhan ko, anu naman? Eh kaysa naman sayangin ko ang kagwapuhan ko sa kanila, ano sila chicx? Tskk.

Inubos ko na yung sandwich ko. Lumabas na ako sa 7/11, di ko na makaya yung mga tao dun. Nag lakad lakad lang ulit ako. Lumiko ako sa may iskinita, shortcut kasi yun eh papunta sa bahay namin. Uuwi na ako, wala naman akong magawa sa labas eh.

Pag kaliko ko dun sa may iskinita, may nakita akong isang grupo ng mga lalaki tapos naka palibot sila dun sa babae.

"Miss, sama ka samin!" Sabi nung mama dun sa babae. Hindi kumibo yung babae, yumuko lang sya at inalis yung kamay ng lalake sa balikat nya at lakad sya palayo. "Hep-hep! San ka pupunta? Tatakas ka??" Sabi naman nung isang lalaki dun sa babae. Sinubukan ulit nung babae na bumitaw dun sa pag kakahawak sa kanya nung mama.

Sira ba sya?? Diba dapat sumigaw siya o humingi ng tulong? Ganun kasi yung napapanood ko sa TV.

"hoy mga pare!" Di ko na napigilan yung sarili ko. Ganto talaga ang hirap pag mabait ka eh. Wahaha!

"Ano???!" Sabi nung mama sakin. Nakakatakot yung itsura, parang kakainin ako eh. "Alam mo, dapat ang mga babae hindi pinipilit. Kung ayaw nyang sumama sa inyo, pabayaan nyo siya!" Ang astig ko talaga! Nyahaha! Joke. Ginaya ko lang yung napanood ko sa TV. "Eh pake alam mo ba? Hah??!" Susuntukin nya sana ako kaya lang, dahil magaling ako pag dating sa labanan eh naiwasan ko siya. "Hmmmp, weak."

After 30 sec. Lahat sila nag takbuhan na. Galing ko talaga! Bwahahaha!

Niilapitan ko yung babae. Tahimik lang siyang naka yuko. Teka, parang nakita ko na siya ah. "Miss, nasaktan ka ba?" tahimik lang siya. Nakaka bwisit ah! "Uy! Miss!" Tumingin sya sakin. Ang ganda niya! Ang puti niya tapos ang pula ng lips niya, ang ganda ng pag ka bilog ng mata niya tapos maliit pero medyo matangos yung ilong nya, yung buhok nya may medyo kulot at lampas sa may balikat. Grabe, First time ko lang maka pag describe ng babae.  

Hindi pa rin siya nag sasalita. "Miss, sinaktan ka ba nila? May masakit ba sayo?" Bakit ba ako nag aalala sa kanya? Pero kasi, alam mo yung feeling na parang ang sarap nya protektahan.

"hmmm..hmmm!"

Anu daw?????

"Alam mo miss, dapat kanina humingi ka na agad ng tulong. Dapat sumigaw ka para may nakarinig sayo. Buti na lang dumaan ako."

Wala pa rin. Ano ba tong kausap ko?? Statwa???

"Hmm, baka naman kasi gusto mo rin na sumama sa kanila. Pakipot ka pa eh! Dapat sinabi mo sakin na gusto mo pa lang sumama. Tskk. Mga babae tala- Aray!" Biglang parang may humampas sa mukha ko. Yung babae, sinampal niya ako! "Hoy! Bakit? tama naman yung sinabi ko ah!" "hhmm!!!!!" sabi nya tapos kinuha nya yung bag nya , may kinuha siya sa loob.

Kumuha siya ng notebook tapos nag sulat siya. Ano namang trip nya ngayon??

Hinarap nya sakin yung nakasulat sa papel tapos binasa ko yung naka sulat.

@HOY! HINDI AKO KAGAYA NG INIISIP MO! PANO AKO MAKAKASIGAW EH HINDI NGA AKO MAKAPAG SALITA!@

"huh? Baket masakit ba lalamunan mo?" OA naman nito. May pasulat-sulat pang nalalaman eh. Tsk. Nag sulat ulit sya dun sa sumonod na page ng notebook nya, tapos pinakita nya ulit sakin.

@BALIWW!!! Hindi masakit lalamunan ko! >.< .. Hindi ako makapag salita kasi.. PIPE AKO!@

"Hmmp!" Sabi nya sakin pag ka tapos kong basahin yung sinulat nya. Di ako nakapag salita. Parang na pipe na din ako! "Hmmmp!!" Sabi nya tapos nag belat siya sakin sabay takbo. Nung Pag ka takbo nya bigla syang nadapa. "hahaha!!!" buti nga sa kanya! "HMMMP!!!!" Tapos umalis na ulit sya. Nakita ko sa sahig yung notebook na ginagamit nya kanina.  "Huy teka lang! yung notebook mo!" Sinubukan ko syang habulin kaya lang ang bilis tumakbo e- tekaaa. Naalala ko na kung san ko sya nakita! Sya yung babae na naka tama sakin ng bola! Tskk.. tinakbuhan nya nanaman ako. Pero, bakit parang may iba akong nararamdaman. Paki ramdam ko makikita ko ulit sya. Hmm. Malamig lang siguro ang panahon ngayon. Maka-uwi na nga. 

=============================================================================

Hello!! Haha.. sorry po kung di ganun kaganda yung story.. i ta-try ko lang muna to. titignan ko kung may mag babasa.. haha.. pag wala baka hindi ko na din sya ituloy.. haha.. please kung nagustuhan nyo eto, may comment kayo, sabihin nyo kung itutuloy ko pa.. haha... salamat!! 

Silence of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon