t h r e e w o r d s

31 2 2
                                    

"Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na bawal mag-suot ng pesteng hikaw ang mga lalake dito sa school!" Sigaw ko kina Aron, Michael, at Kyle- also known as the Three Idiots.

"At ilang beses din ba naming sasabihin sayo na hindi kami susunod sa mga utos mo!" Sigaw pabalik ni Michael. Sa kanilang tatlo, si Michael lang ang may lakas loob na sumagot sakin pabalik kapag sinisita ko sila. Pabida. pwe!

"Sumasagot ka pa talaga, ah?!" Susuntukin ko na sana siya sa mukha ngunit pinigilan ako ni Warren; ang bestfriend ko, at ang Vice-President ng school namin.

Binulungan niya ako, "President, wag mo nang suntukin yan. Baka mamaya, pag-initan ka ng mga kasama nan. Gang member pa naman yan." That's right. Ako ang President ng Student Council sa aming paaralan. Kaya't ganon na lamang ako umasta sa kanilang tatlo. I want this school to regain its reputation again, and I can do that if I can discipline the other students very well.

I rolled my eyes. "Wala akong pake. Kahit yan pa yung leader, wala akong pake. Nandito sila sa school naten, and they should follow the school's rules and regulations." I explained to him. Hindi na siya sumagot pa at tumingin nalang sa amin.

Nilingon ko yung tatlong ugok, "Sa susunod na makita ko pa kayong naka-hikaw, lagot na talaga kayo sakin!" I warned them. Tumakbo na agad sila ng walang alinlangan.

Pagka-alis nung tatlo, nagsi-bulungan na ang mga taong kanina pa nanunuod sa amin. Mga tsismoso't-tsismosa!

"Ano pang ginagawa niyo rito? Malapit na mag-ring ang bell, bumalik na kayo sa mga classroom niyo!" I hissed at them.

"Grabe. Ang aga-aga, ang init agad ng ulo mo!" Sabi sakin ni Warren.

"Paanong hindi iinit ang ulo ko? E, andaming mga magugulo dito sa school!" I said.

"Hays. Tara na nga! We'll be late for our class." Bago pa ko makapag-salita, hinila na niya ako papunta sa room namin.

Pumasok na kami sa room namin, at hinihintay na lamang ang prof. Habang nag-hihintay kami, yung iba nagse-cellphone, nag-lalaro ng kung ano-ano, at tsaka nagtsi-tsismisan. At ako? Nag-aaral. Baka kasi magpa-pop quiz etong prof. namin! Mahilig pa naman yon sa mga ganon!

Habang nag-babasa ako, biglang dumating ang prof. at nag-anunsyo na magkaka-roon kami ng pop quiz. Ang iba ay umangal. Habang ako, tuwang tuwa. Prepared kasi ako, and this quiz will make my grades higher! Mwahahahaha!
-•-

Natapos na ang mga klase ko, and before I knew it, uwian na!

Pumunta na akong SC room kasama si Warren dahil may mga pag-uusapan pa kami tungkol sa nalalapit na school festival. Pag naging maayos kasi itong festival na gagawin namin, baka maka-akit kami ng mga pwedeng mag-donate sa school! Diba? We're so smart!

Habang nag-lalakad ako, bigla akong nakarinig ng mga hikbi. Kanino kaya yon?

Tumingin ako kay Warren, "Mauna ka na, susunod na lang ako." Hindi na siya nag-tanong pa at dumiretso nalang patungong SC room.

Sinundan ko yung mga narinig kong hikbi, at nakita ko na kung kanino galing iyon. Nakita ko si Miranda na todo-kapit sa isang lalake at nagmamaka-awa siya na 'wag tapusin ang meron sila. Taray! Live drama!

Nagulat ako nang itulak palayo nung lalaki si Miranda. "I'm sorry, but I'm not interested anymore." Sagot niya at tuluyang lumayo. Aba't kilala ko na to!

Tinignan ko si Miranda na naka-upo sa sahig, "I'll be back." Tumango lang siya.

"Hoy, Kevin! Bakit mo yun ginawa sa kaniya?!" Tanong ko sakanya mang maabutan ko siya. Grabe! Ang bilis niyang mag-lakad ah!

three words • oneshotWhere stories live. Discover now