KABANATA 3

34 6 0
                                    

Weeks passed...

Ito na. It's the day for our final play. Kami yung pangatlo na magp-present. Kabadong-kabado ako. We're prepared naman pero ewan, hindi parin ako komportable.

Gusto kong kumalma. I grabbed my bag and fished my phone out of my pocket at iniluklok ko ito sa bag ko. And I checked my inbox.

1 Unread Message from Ranz.

Agad ko 'tong binuksan at binasa. Gusto ko munang kumalma.

Text Conversation:

Ranz: Wag ka nang kabahan, Quianna. Kaya niyo yan at kaya mo yan, ikaw pa! :)

Ako: Thank you, Ranz :) Oo, kaya 'to.

Ranz: I may not be there to watch your play pero alam kong ayos na ayos yan hahaha.

Ako: Thank you again! :) Osige na, makinig ka na dyan sa discussion niyo.

Gumaan bigla ang pakiramdam ko.

It is our turn to present. Lumabas ako sa classroom at kinuha ko yung props namin sa corridor. Habang buhat-buhat ko yong mga props, malapit na ako sa entrance door ng classroom namin nang bigla kong nakasalubong si Ranz.

"Goodluck sa inyo, Quianna." I don't know how to react. Hindi ko rin alam kung ano yung sasabihin ko kaya I only nodded and smiled at him at nilagpasan na niya ako. Whew. That is enough, okay na yon. More than enough. And then we presented.

We presented our play very well. Nagandahan nga yung guro namin. Bukas naman ang first day of our final examinations. Abala naman yung mga Fourth Year students sa pag practice para sa graduation nila, kasama na si Ranz dun. Nauna silang nag finals kesa sa amin. Hays.

Sumakit bigla yung ulo ko. Since wala namang teacher kasi nga may meeting daw sila, so nagpasama ako kay Anya papuntang clinic, gusto ko munang magpahinga.

We passed by Ranz's classroom at nagkabanggaan kami. He smiled although I ignored him. Ang haggard ko ngayon jusmiyo! I can't even look at him kaya inignore ko nalang siya. Masamang-masama talaga ang pakiramdam ko. Para akong nahihilo, ganon.

I filled up the log book dito sa clinic at nagpaiwan na ako kay Anya rito. Nakahiga na ako and damn napakasakit ng ulo ko at pakiramdam ko ay lalagnatin na talaga ako nito. Hindi 'to maaari, kailangan ko pang mag-aral at pumasok.

Matutulog na sana ako but suddenly my phone vibrated.

"Hindi mo na naman ako pinansin kanina pero naiintindihan ko. Mukhang matamlay ka kasi eh. Tsaka mabuti at nasa clinic ka na ngayon. Magpahinga ka dyan. Get well soon, Quianna :)" -Ranz.

Jusmiyo what's with this guy? Bakit napakaconcerned niya sa akin? Hindi pa nga kami close eh pero kung umasta parang ano. May girlfriend na sha, si Kheyla. Dapat sa kanya niya 'to ginagawa at hindi sa akin.

Simpleng "Thanks." lang yung reply ko. I have no time for this right now. Gustong-gusto kong matulog at magpahinga, not text upang makapag-aral ako ng maayos ngayong gabi para bukas.

Pinakain ako ni Mama at pinainom din niya ako ng gamot para hindi tataas ang lagnat ko, exams pa naman bukas.

Nakahanda na ang mga books and notes ko on top of my study table. Ilalagay ko na dapat ang phone ko sa drawer para iwas distractions nang bigla itong tumunog. I got a message from him, again.

"Quianna, exams niyo na pala bukas. Mag-aral ka nang mabuti dyan ha? Good night :)" -Ranz.

Hindi ako kinilig pero naiinis ako. Why is he doing this to me? Sino ba ako para sa kanya? Wala naman diba?

"Ranz, dapat kay Kheyla mo yan ginagawa, hindi sa akin. Does Kheyla knows all about the messages you sent me everyday? Im pretty sure na hindi niya 'to magugustuhan kung malalaman niya. Ranz, focus on her, not me. Mag-aaral na ako. Bye." I replied and I turned my phone off kaagad. Mga lalake talaga ngayon, may girlfriend na nga, lumalandi pa. Dinamay pa ako. Don't me. Makapag-aral na nga lang.

Maaga akong pumasok sa paaralan ngayon. Nag-rereview ako at nilapitan ako ni Anya. "Doon tayo sa labas ng classroom magrereview, Quianna. Sabay tayo please." Kahit ayoko, sumunod pa rin ako kay Anya. Hindi ko matiis 'tong kaibigan ko eh.

Seryoso kaming dalawa habang nagrereview ng biglang lumapit si Ranz sa amin.

"Anya, mag-uusap muna kami ni Quianna." bumusangot ang mukha ni Anya at "Okay, sige, sanay na naman akong pinapaalis eh." tuluyan siyang umalis. Natatawa nga ako eh, waley yung hugot niya. Tumigil ako sa pag tawa at binigyan ko ng isang seryosong tingin ang lalakeng nasa harapan ko ngayon na tila ba'y isa siyang multo. "I only want us to be friends, Quianna. Wala akong mga masasamang intensyon, walang-wala."

From then on, everyday we exhanged messages. He's super sweet and caring pala and he's a good guy. Patuloy parin yung communication namin. Natapos na rin yung finals namin at bakasyon na. I could really tell that I am falling for Ranz Cuevas.

Me After YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon