KABANATA 4

33 7 1
                                    

"QUIANNA! GUMISING KA NA! MANGANGANAK NA ANG MAMA MO! DALHIN NA NATIN SIYA SA HOSPITAL!" sigaw ni Papa. Agad akong bumangon, nag hilamos, at nag-ayos, ni hindi na nga ako nakapagligo kasi nga nagmamadali kami. Hindi ako makapaghintay na mahawakan ang aking sanggol na kapatid. I've been praying for this ever since nung bata pa ako at ito na. 

Pinaandar ni Papa ang aming sasakyan at inalalayan niya sa Mama habang ako naman ang nagdadala sa mga gamit nila ni baby. 

Tawag ng tawag si Lola sa akin pero wala talaga akong panahon para sagutin ito kasi baka masigawan pa ako ni Papa, mahirap na. Mabilis ang pagmamaneho ni Papa tila ba'y parang nasa isang racing kami. Maygahd. "Ang sakit na talaga ng tiyan ko..." ani ni Mama. Papa assured him na magiging okay din ang lahat at dapat tiisin niya muna ang sakit na nararamdaman niya ngayon. 

Nasa labor room na si Mama at gusto sana naming pumasok ni Papa kaso hindi raw pwede sabi ng mga nurse doon. Ayaw naman naming umuwi kaya napagdesisyunan namin ni Papa na sa lobby kami ng hospital mag stay. He headed off to the lobby at nagpaiwan muna ako sa kanya sa labas ng labor room. I took peek on the window at damang-dama ko ang nararamdamang hirap at sakit ni Mama just by looking at her face. Ang hirap talaga kapag babae ka, ang daming struggles. 

Bumaba na ako at pumunta muna ako sa cafeteria. Nag order ako ng food atsaka kumain. Pagkatapos non ay diretsong sumunod na ako kay Papa doon sa lobby. Nakaupo lamang ako habang si Papa naman ay halatang nininerbyos. "Bakit naman kasi hindi tayo pwedeng  pumasok at manatili doon? Gusto kong samahan ang Mama mo. Gusto kong hawakan ang kamay niya. Baka kung ano pa ang masamang mangyayari sa kanya, Quianna. Hindi ko kakayanin." Ang OA ni Papa, promise. He really loves mom, awe.  "Yun kasi ang patakaran nila, Pa at wala tayong magagawa kundi sundin yon. Mag dasal nalang tayo para kay Mama, yun lang po ang pwede nating gawin ngayon." at tumango lamang siya. 

At last! Successful yung delivery ni Mama kay baby, thank God! Nasa room na kami kasama si baby at ohmygod ang cute ng kapatid ko! I gently hold him. Welcome to the world, baby Yosef.

Si Papa yung nagbabantay kay Mama sa hospital at ako naman ay umuwi nalang. Hindi kasi ako makatulog ng maayos doon. Nandito rin naman si Raica sa bahay para samahan ako. We watched The Fault In Our Stars sa kwarto at kumakain din kami dito. Chill-chill lang.

"Quianna! How's your mom and the baby? Ang saya ko dahil sa wakas, graduate na ako sa High School! Wooh!" Oh?! Himala at naisipan pa niyang mag text sakin. Lol wow. I typed a reply. "Hi, Ranz! They're both fine naman hmm congrats nga pala ah! Pagbutihan mo sa college, wag ka nang pasaway! Hehe." After I sent the message, tumawag siya. 

"Nandiyan ba ang parents mo? Baka kasi mapapagalitan ka dahil may kausap ka sa phone." Ang hina ng boses niya. Ang cute. Omg. "Nasa hospital pa sila. Bakit ka ba napatawag? May importante ka bang sasabihin, Ranz?" sagot ko. Natahimik siya bigla. I was supposed to end the call na kaso, "Hmm, itetext ko nalang. Dapat mag reply ka ha? Matagal ko na 'tong pinaghandaan." and boom, call ended. Ano ba naman kasi yon at bakit may pa char-char pang ganito duh. Pero halos mabugbog ko na si Raica dahil kinikilig na ako. This feeling damn it's heaven. His voice, it's cute, husky, hay nako ewan ko na! 

My phone beeped at halos mapatalon na ako. "Raica! Babasahin ko ba?" she only gave me a death stare. Tangina. "Basahin mo. Wag ka ngang maingay, nanonood ako ng movie oh. Kausapin mo nalang ako pag kalmado ka na, mukhang kinikilig ka pa kasi dyan." so binasa ko ang message niya. 

"I love you so much, Quianna." WHAT?! Is this even for real? Hindi ako makapaniwala. Minahal niya ba talaga si Kheyla? Parang hindi. Kasi kung oo, he'd be still broken by now pero ano? Ano 'tong message na 'to? Bakit hindi niya 'to sinabi sa tawag kanina para naman magmumukhang sincere. Baka nahihiya o sadyang nagloloko lang talaga 'tong lalaking ito? Feeling ko kasi kalokohan lang kapag binitawan ang mga salitang yan sa text at di pa official na kayo. A part of me is doubting, while the other part of me is happy because it's the first time na nararamdamn ko ito. It's my first time to fall in love. Sana hindi ako magiging katulad ng mga ibang babae dyan na iniwan lang sa ere tapos sinaktan. Sana. 

To shut the thoughts that are running in my mind right now, I paused the movie at nakipag-usap ako kay Raica tungkol dito. "Hoy babae ka, wag kang umasa sa lalakeng yan. He's still from a break up, baka paaasahin ka lang nyan or worse, gagawin ka lang niyang panakip butas or rebound. Kahit sinabi niya na mahal ka niya, he can still break your heart anytime, Quianna." I don't know anymore. Naguguluhan na ako. 

Me After YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon