Noong una, hindi ako naniniwala sa mga pinsan at pamangkin ko na minumulto ang bahay namin. Since birth dito na ko nakatira sa bahay na to, hindi ko akalaing meron ngang mga espiritung naninirahan dito. Nakalimutan ko na kung kelan nangyari to, as in yung exact date nakalimutan ko na. Nasa sa inyo na to kung maniniwala kayo.
Alas 2:30 ata yun ng umaga nang naalimpungatan ako, ewan ko pero pakiramdam ko may nakatingin sa akin. Hindi muna ako bumangon dahil pakiramdam ko na nandyan pa kung ano man o sino mang nagmamasid sa akin. Naglakas ako ng loob at bumangon para buksan ang ilaw. Hindi kasi ako sanay matulog ng may ilaw. Napansin ko na puro static na lang ang naririnig ko sa radyo kahit anong lipat ko ng istasyon wala talaga. Sumilip ako sa bintana sa kabilang kwarto para tingnan yung kalsada. Sobrang tahimik na kikilabutan ka talaga. Tipong pati tibok ng puso ko rinig ko na. Pagtalikod ko sa bintana bigla na lang humangin ng malakas, malamig na tipong para kang tinutukan ng electric fan sa may batok mo. Dali dali kong sinarado yung bintana at pumunta sa kwarto ko. May naamoy akong parang kapapatay pa lang na kandila. Ang sabi nila, pag ganun daw may espiritu na nasa paligid mo. Kinilabutan ako nung time na yun dahil palakas ng palakas yung amoy nung kandila. Pinatay ko yung ilaw at dali dali akong humiga at nagtalukbong ng kumot. Dito na nangyari ang hindo ko malilimutan. Pagtalukbong na pagtalukbong ko ng kumot, may tumapik sa hita ko ng 2 beses sabay tawag sa pangalan ko. "Melvin" sabay tapik ng 2 beses, "Melvin" tapik ulit ng 2 beses. Dahan dahan yung tapik sa akin ng kung ano man syang nilalang. Boses babae pa naman kaya sa sobrang takot ko, nagdasal na lang ako. "I believe in GOD..." ng matapos ko yung dasal, gumaan bigla ang pakiramdam ko. Bubuksan ko na sana yung ilaw pero pag alis ko ng kumot may nakita akong babaeng nakaupo sa tabi ko. Nakaputi, mahaba ang buhoy, aninag mo yung bibig at ilong nya pero hindi yung mata. Buti na lang ganun dahil siguro hinimatay ako kung nakita kong nakatitig sa akin yun pero alam kong sa akin sya nakatingin. Hinawakan nya yung kamay ko sabay sambit ng mga salitang hindi ko pa naririnig sa tanan ng buhay ko. Pumikit na lang ako sa sobrang takot. Hindi ko alam kung latin pero hindi ko talaga maintindihan. Ang lamig ng mga kamay nya, para kang humawak ng yelo. Habang nagsasalita sya ay unti unti niyang inaangat yung kamay ko. Nagdasal ako ng mga sandaling iyon, "Lord, Kayo na po ang bahala sa akin, wag nyo po akong pababayaan". Maya maya ay bumagsak na lang yung mga kamay ko. Pagdilat ko, wala na yung babae. Nung una, akala ko binangungot lang ako kaya itinulog q na lang ulit. Pag pikit na pagpikit ko biglang may humila ng paa ko, di na ko nagdalawang isip at dali dali akong bumangon at binuksan ang ilaw dun lang din ako may narinig na music sa radyo. Tumakbo ako pababa sa kwarto nila mama. Habang kumakatok sa kwarto nila naramdaman kong may kung anong nilalang sa likod ko kaya nilaksan ko pa yung pagkatok sabay tawag kay mama. Nagalit si mama kasi ang ingay ingay ko raw at magigising ang mga kapitbahay. Hindi na ako nakapagsalita at humiga agad ako sa kama katabi ni papa. Pumagitna ako sa kanila. Nagalit si mama dahil iniwan ko raw yung radyo at ilaw ng nakabukas. Pinipilit nya akong patayin yun ilaw at radyo pero ang sabi ko ayoko dahil may babae sa taas. Hindi naman naniwala si mama dahil panaginip ko lang daw yun. Bumangon siya at umakyat sa taas. Maya maya ay may nakita akong nakatayo sa may pinto. Sa takot ko siniksik ko si papa at nagtalukbong ng kumot. Nagdasal ako hanggang sa bumalik si mama sa kwarto. Noong una, akala ko si mama na yung katabi ko pero pag alis ko ng kumot nakita ko ulit yung babae na nakatabi sa akin at nakaharap pa. Wala akong nagawa kung hindi tawagin ko si papa pero ang sinasabi lang nya matulog na raw ako at panaginip ko lang daw yun. Pagpasok na pagpasok ni mama nawala yung babae sa harap ko. Halos umaga na rin ata ako bago nakatulog. Sana hindi ko na sya makita. Simula noon natutulog na ako ng may ilaw. Pinalagay ko na rin kila mama yung imahe ng Santo Nino sa kwarto ko. So far so good dahil hindi na sya nagpapakita sa akin at ayokong makita syang muli.