💮 Chapter 1 💮

515 65 88
                                    

[WARNING: REVISED]

💮 Their Collaborators 💮

Let's see. . .

A big part of me wanted to run away. Alam mo 'yon. Tao ako eh. Babae. Hellish of all, I have liberty! Freedom! Kalayaan, in tagalog!

But!

Oh, well, kalayaan din (practically) kasi ang nasa harapan ko, so, I don't think that the big part of me wanting to run away weighs more, and I wanted to start myself with this question:

Ano ba ang kayang gawin ng isang tao kapag ang gusto na niya ang nakataya sa pagitan ng obligasyon at pangangailangan? Kung ako siguro, kung para lang naman iyon sa ikabubuti ko, baka ginawa ko na ang lahat ng maaaring gawin para sa gusto na iyon.

Ang mga salitang bumulong sa akin ang ngayo'y tumatatak sa isip ko habang ako'y humahakbang palapit sa lugar at sa taong tuluyan nang magpapabago sa takbo ng pinasimple kong buhay. Napaghinuha kong muli ang nangyari sa akin higit isang buwan ang makalipas, bago mangyari ang lahat ng nakikita ko ngayon.

Mahinahong nakaupo rito sa tabi ng bintana ng pampasaherong taksi kasama ang nagmamanehong drayber, pinanood ko ang pagrolyo ng abalang siyudad. Hindi masyadong maganda ang panahon, ah, naisip ko. Chineck ko ang relo ko; 08:45 am. May one hour and fifteen minutes pa bago ang meeting. Traffic ng kaunti, pero sana hindi ako mahuli ng dating.

"Manong, para po," wika ko sa drayber nang makarating kami sa paroroonan. Inabot ko ang bayad sa kanya. Nang bumaba ako ay mangha kong pinagmasdan ang mataas na gusali na nasa aking harapan. Sarap sulatan ng grafitti, pero pwede ding doodle para colorful.

Pumasok ako at pinuntahan ang babaeng naka-uniporme sa reception area upang magtanong. Agad naman niyang sinabi kung saan banda ang dapat kong puntahan nang maipakilala ko ang aking sarili.

Sumakay ako sa elevator na halos nasa dulo na ng gusali. Actually, private elevator ito kaya walang hintayang nangyari at hindi hassle.

Ting, with the sound of that, the elevator opened silently, and I went out, leaving my palpitation there.

I sighed.

Nakipagtitigan muna ako sa napakagandang pinto, saka bumuntong hininga muli bago kumatok at pumasok. There I saw the office that I think took up much space for a normal one. It got a formal classic design. Inilibot ko muna ang paningin ko bago ko tampulan ng atensyon ang taong nasa pang-opisinang mesa sa gitna. Magalang akong bumati at ngumiti sa kanya.

"Fascinated? Well, it's a cliche for me," unang sinabi niya.

Napakunot ang noo ko't pumasok agad sa isip ko ang tanong na, "Ba't hindi niya bonggahan? Duh." Napangiwi na lang ako.

Sinenyasan niya akong umupo sa isa sa couches na nasa gilid. Pumunta siya sa kabilang bahagi at de kwatrong umupo. Ngayon ay magkaharap na kami sa bawat isa.

Sandali rin ang lumipas. Walang may nagsasalita. Akala ko nga makikipagtitigan lang siya sakin, nakakailang na kasi eh, pero buti na lang at nauna na siya sa kung ano ang sasabihin niya.

Public IntimaciesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon