[WARNING: MEDYO REVISED. Magdiwang dahil may POV dito si Steve!]
💮 Supposed to Give a Good Welcome 💮
The sound of the doorbell of the house knocked my consciousness up. I growled. I'm still on my beauty sleep, and what popped into my head was, "Ayoko pang gumising. . ."
The doorbell continued to rang.
Huwag, Lulu. Huwag muna. I-moment mo pa ang bago mong kama, bulong ng tinatamad ko ring utak. But then, mukha yatang walang balak na tumigil ang nagdo-doorbell sa kakapindot no'n dahil bumilis pa lalo ang tempo ng tunog kaya naman ay buong pagtitimpi akong nagmulat ng mata. Oo na!
Gumalaw ako sa kinahihigaan ko. At dahil ayoko pang bumangon, bumagsak ako mula sa kama nang hindi inaasahan. Pero wala lang sakin ang sakit na naramdaman ko. Pakiramdam ko, nandoon pa sa bago kong kama 'yong kaluluwa ko.
Tinahak ko ang hindi naman mahabang hallway. Medyo pagewang-gewang pa nga ang lakad ko. Ikaw ba naman kung bigla kang gisingin sa masarap mong tulog?
Mabagal akong bumaba sa hagdanan. Rinig ko pa ang tuloy-tuloy na tunog ng doorbell. Heck. Sirain ko kaya iyan? Nakakairita eh.
Napagtanto kong madilim na paglabas ko. Hindi ko pa pala nai-on ang mga ilaw sa paligid ng bahay. Pagdating ko kasi kaninang hapon dito, bago kong mailagay ang gamit ko sa bagong kwarto ko, eh, nagpahinga na ako. Teka, anong oras na ba?
Mabagal kong binuksan ang gate ng bahay. Kita ko ang iritableng mukha ni Steve pabalik sa loob ng kotse niya. Bahala siya. Pagkabukas ko ng gate ay agad akong tumalikod upang pumasok sa bago kong bahay--- ay hindi, namin pala. Hindi pa rin ako makapaniwala na sa bahay na ito na ako titira.
Up and down ang bahay na ito. Malaki siya, pero eksakto lang ang sukat ni'to; iyong tipong hindi ka maliligaw. Maganda rin ito. Meditative house ang type. Gate, then carport, then porch sa pinakaentrance ng bahay. Tapos, pagpasok mo, tatambad ang foyer. And then, living room/space. Ang ganda nga no'n eh, kasi wala nang nakaharang na kisame or whatsoever. Kita na mula sa baba ang pinaka bubong no'ng bahay. At kapag tumingin ka sa taas, may chandelier. Ha ha, naa-amaze lang ako.
Pag dumiretso ka mula sa sala, may madadaanan ka namang glassed divider na sa likod no'n ay ang dining space. Napuntahan ko iyon kanina. Guess what? Walang furnitures bukod sa hapag-kainang mesang pang-apat katao. Kapag narating mo ang dining, syempre, katabi na no'n ang kusina. Pinuntahan ko din 'yon kanina. Wala ding masyadong mga kitchen utensils.
Oh! Speaking of kitchen, wala palang pagkain!
Tumigil ako sa paglalakad. Biglang tumunog ang tyan ko. Tiningan ko ang wristwatch ko, alas nuebe ng gabi na pala.
Naramdaman ko ang pagdaan ni Steve. Tinitigan ko ang pigura niya na dire-diretsong pumasok sa isang kwarto. Wait! 'Yon ang kwartong tinulugan ko ah!
Dali-dali akong nagtungo sa kinaroroonan niya para komprontahin siya na sa akin ang kwarto.
Bubuksan ko na sana ang pintuan ng kwarto ngunit sa kasamaang palad, naunahan ako ni Steve, dala ang mga damit ko na nasa malaking bag pa.
BINABASA MO ANG
Public Intimacies
General FictionLucilia Zander lives a normal life--- She stays on a boarding house, she commutes to work, she strives for herself, she does anything to survive every day of her life. But everything changed when one day her parents asked her out. . . She then got m...