💮 Chapter 2 💮

52 1 0
                                    

💮 The Collaboration 💮

Di ko alam kung bakit, pero pagkatapos ng pagsigaw niyang iyon ay napagtanto kong nasa labas na pala ako ng opisina niya. Goodness, just imagine a quick, loud, twice than earlier dribbling ball inside my chest .

Nakailang malalim na paghinga pa ako bago magsimulang maglakad. Ramdam ko pa ang mahinang panginginig ng mga kasu-kasuan ko. Great. My supposedly-soon-to-be-husband is a monster. He actually intimidated me. Anyway, did I convince him? He said, fine. Uhh. Maybe. Hm.

I made my way out of the building, and I just realized that the sky is pouring water on earth. Ayos, wala akong payong.

"You need umbrella? Here. Bye!"

Bumaling ako ng tingin sa nagsalita, pero ang nakita ko lang eh ang pigura ng isang taong tumatakbo sa gitna ng ulan patungong parking lot. Nakaramdam ako ng payong na nakasandal sa gilid ko.

Walang alinglangang kinuha ko iyon atsaka nagsimulang maglakad.

Sayang, di ako nakapagpasalamat.

Teka, pa'no ko to maibabalik?

=======

Akala ko okay na ang lahat bukod do'n sa misteryosong nagbigay sa'kin ng payong, pero isang araw pa lang ang nakakaraan mula noong pagkikita naming iyon, ito na kaagad ang maaabutan ko. At sa trabaho ko pa.

"I'm sorry, Ms. Zander. You're fired."

"ANO PO?!" bulalas ko. "Ah, eh, sir, b-bakit po?" pigil-hiningang tanong ko. Mukhang ilang segundo lang kasi eh baka lumabas na iyong luha ko.

Iyan kasi ang bungad sa'kin ng Managing Editor ng kumpanyang pinagtatrabahuan ko pagkapasok ko sa opisina niya. Akala ko pa naman ipo-promote na ako.

"If I were to say," he trailed off, like he was thinking the danger of telling me the reason; and I was not wrong about it. "I was told not to spill it, so, it's for no particular reason. Pasensya na, Ms. Zander."

I could sense a hint of guilt from him, and a hint of who was behind this mess, but I acted out like I'm ignorant. "Eh? Hindi naman ho iyon pupwede, sir. Halos ako palagi ang nagiging Employee of the Month, hindi ba? Masipag naman ako magtrabaho, tapos paaalisin niyo ako dito para lang sa wala?! Sir, wala pa po akong reserba na trabaho," pekeng pagmamakaawa ko, pero naiisip ko na rin kung ano'ng mangyayari sa akin pagkatapos ni'to, at hindi ko mapigilan ang sarili ko kundi ang malungkot. Like, ano na lang ipangkakain ko nito? Saan ako kukuha ng pera? Wala na akong may ipambabayad sa boarding house ko. Ayoko pa naman din sa lahat ang humihingi sa magulang ko.

"Pasensya na talaga, Ms. Zander." Narinig ko ang pagbungtong hininga niya. I sighed, too. May kinuha siya sa drawer na isang envelope saka iyon inilahad sa akin. Pagtingin ko, napaiyak na ako dahil sweldo ko 'yong laman no'n. Oh my, tanggal na talaga ako sa trabaho.

Paglabas ko mula sa opisina ay agad akong nagtungo sa cubicle ko.

I sighed again. Mamimiss ko ang trabaho ko rito.

"What's with the loooong face?" medyo pabirong tanong ni Candy, ang natatanging kaibigan ko dito sa opisina. Magkatabi kasi kami ng cubicle.

Di ako makasagot. Baka pag magsalita ako, baka bigla na lang mag-outburst lalo 'yong mga luha ko. Walang gana kong nililigpit ang mga gamit ko.

Alam kong nagulat siya sa ginagawa ko. At alam ko ding pumapalakpak ang mga tenga ng mga ayaw sakin. How can I help it? Promoted ako kaagad kahit tatlong taon pa lang akong nagtatrabaho dito. Sighed. Mamimiss ko din ang 50-50 route nila--- trabaho kapag nandyan si boss, facebook kapag wala na siya. Hindi na siguro nakatiis si Candy, at tinulungan na niya ako. Andami kasi ng mga gamit at papeles ko.

Public IntimaciesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon