Michelle's P.O.V.
Kriiiing!!! Kriiiing!!!
Bilis na sasagutin na yan...
Kriiing!! Kriiing!!!
Sky: Oh? Bakit?
....haist , what a sweet voice haha..
Ako: Good Morning Sky!! ^__^
Sky: Ang aga aga pa eh! Bkit ba??
Ako: haha anu ka ba sinisiguro ko lang na gising ka na para hindi ka malate mamaya!!, 4pm ha sa mall!!
Sky: Oo na.. teka lang anong oras na ba??
Ako: ahmm.. 8am.. hehe..
Sky: arrgg!!! mich naman .. aga pa eh.. sige bye na...
Ako: Teka---
toot--toot--
.. hala nainis ata , hahaha.. ang aga ko mambulabog eh.. haha.. eh sa gusto kong marinig ang boses nya eh haha.. charot...
Ay oo ng pala , I'm Princess Michelle Cruz.. description.. uhmmm.. i'm just a normal teenager..
hindi naman sa pagmamayabang, but i'm an honor student since grade school.. at dahil dyan sanay ako na ang lahat ng atensyon ng mga tao nasa akin..
pero bakit ganun lahat ng efforts ko parang balewala lang, kasi sa dinami-rami ng mga taong nagbibigay ng atensyon sakin
wala dun yung kaisa isang taong gusto kong makaappreciate ng lahat ng mga ginagawa ko.. kailan kaya darating yung panahong mapapansin niya ako..
na hindi na isip bata ang tingin niya sakin, na nagbago na ako and i'm enough to be her girl ..
pero parang malabong mangyari yun kasi alam ko na hanggang ngayon iba pa rin yung gusto niya at hindi ako yun..
kasi hanggang sa bestfriend stage lang ako para sa kanya .. alam ko medyo cliche na ang ganito pero ganun talaga eh.. kaya tanggapin na lang natin..
siguro naman alam niyo na kung sino sya diba???
*sigh*
"HOY!!"
"AY PALAKA!!, eeeh nakakagulat ka naman eh!!!"
"Hahaha ang lalim kasi ng iniisip mo eh.. oo nga pala bakit ka nandito?? ke aga aga nambubulabog ka na agad"
"so nambubulabog talaga ako sige ganyanan na ha!!" haha nandito nga pala ako sa bahay ng aking girl bestfriend, nakakatamad sa bahay eh..
"Joke lang eto naman haha.. So bakit ka nga nandito??"
"Umuwi na si Nathan"
"Whaaaat?? tunay ?? talaga?? Kelan pa??"
"Girl easy!! andami agad nasabi eh!!"
"kelan pa nga??"
"Kahapon lang"
"Ah, nagkita na kayo??"
"Oo kagabi"
"Nyee, Girl hindi ka rin naman obvious noh ,, agad agad nagpunta ka doon??"
"Sa hindi ko mapigilan eh!!"
"Akala ko ba ayaw mo na?"
"Hindi ko nga kaya eh.."
"Shelley naman!! tigilan mo na kasi ikaw rin ang mahihirapan dyan sa ginagawa mo eh!! tsaka alam mo namang hanggang friendzone lang kayo noh.."
"Thanks for the concern.. pero ang hirap talaga eh.. lalo na nung nalaman kong umuwi na sya bigla akong natuwa.. ang saya saya ko bigla.."