Let's start first with my principle as a reader which I have carried out while writing.
1. Hindi kesyo happy ending, ay maganda na ang story. Hindi kesyo tragic, pangit na.
Mamamatay ata ako kapag hindi ako nakapagbasa ng kahit na ano. Be it be a newspaper, a history book, a novel. a dictionary, an internet article, a conspiracy theory or the mating of a salmon on the amazon. Yan ang rason kung bakit nagkandaleche leche ang 20/20 vision ko. 2nd year highschool pa lang ako sira na ang mata ko dahil tumatakas ako para lang matapos ang hiniram kong Nancy Drew book sa library. And tumatakas means, patay na ang ilaw pero ako nakatalukbong ng kumot sa kama at nagpaflashlight para lang makapagbasa.
At hindi lahat ng nabasa ko ay happy ending. So, I therefore conclude that the ending of a story doesn't speaks for the whole book. Katulad din yan ng cover o ng title. The ending is just a bonus, what is important for me is the content of the story.
Tuesdays with Morrie, is one of my favorite book. Hindi siya happy ending and I've read it 10 years ago pa ata but still it is still embedded on my mind. I bought the book maybe 8 years ago, but I still have it with me.
Yung first ever Romance pocketbook na nabasa ko is P.S. I love You (Mills and Boon ata yun or Sweet Valley? DI ko matandaan) way back, 2nd year highschool. (Isipin niyo 14 years old ako nun. Ngayon 150 years old na ako. Ilang taon na yun?). Anyway, hindi siya happy ending. Pero naalala ko pa na ang P.S. doesn't mean Palm Spring but Paul Strobe dahil yun ang name ng guy. Doon nagsimula ang pagkaadik ko sa romance pocketbook.
My point with this long entry number 1 is, wala lang.
Joke!
Ito na. It is good to have a happy ending. Everyone wants a giddy feeling everytime you finished a book with a happy ending. Sino ang ayaw kiligin at ayaw ngumiti di ba?
But a story with a substance is more important. Ika nga, substance over form. Kung may substance ang story at happy ending, it's a wow. But a tragic story with a substance makes it unforgettable.
2. First impression lasts. At least for me.
Madali akong mabored lalo na kapag nagbabasa ako. Sobra. Bumili ako ng The Purpose Driven Life. Yung Journal at ang libro at pinilit ko ang sarili ko na tapusin yun pero hidni ko talaga natapos. It's either I don't have a purpose or I lack the drive. In short, I find the book boring. Well, hindi naman talaga for entertainment ang libro na yun. Pero kasi, naka 3/4 na ata ako sa libro dahil sa kapipilit sa sarili ko di ko pa din nakikita ang purpose na sinasabi sa libro. pakiramdam ko nga baliw na ako.
Isa pa, may nabasa akong story dito sa wattpad. Sangkatutak ang reads. Sabi ko wow! Eh di binasa ko. Sabi ko ang boring ng first chapter. Pero binasa ko pa din kasi ang dami nga nagbabasa at makikiepal ako. Hanggang sa umabot ako ng 3 chapters. And then tumigil na ako. Sabi ko, niloloko ko lang ang sarili ko.
Ano nga ba ang point ko? Ang point ko ay, make a first impression. I tried always to make a good impression on the first few chapters of my stories because that first few chapters will make the story more interesting and more appealing to read. Basta okay na sa panlasa ko ang first few chapters. Ipopost ko na yan.
3. Hindi kesyo mahaba, maganda na.
Baka may magalit sa akin sa isusulat ko na example. Pero example lang naman to. I studied in a Catholic School during highschool. Namemorize ko pa ang pagkakasunod sunod ng mga books sa old Testament at may kanta pa ang mga pagkakasunod sunod ng books sa New Testament. At dahil mahilig akong magbasa, binasa ko ang buong Genesis, Exodus, Leviticus, Numbers.. hanggang dyan na lang ang maalala ko kasi tumigil na ako, kasi ang sunod ay mga names na ng mga tao like Blah is the son of blah, the son of... yun. At hindi ko na tinuloy pa. Ang haba nun and let us say wala akong pakialam sa tatay nino. Kaya nagskip ako at dumiretso sa new Testament binasa ko lang ang four Gospel at ang Revelation. Although alam ko na after that Numbers ay may magaganda pang books, may exciting pang nangyari, pero hindi ko na binasa talaga ng buo. part na lang.
Ang point ko, kung hindi importante ang tao o ang event wag mo na isulat. Hindi ko sinasabi na hindi importante ang tao sa bible at sinasabi ko na nga ba na kokontrahin ko ang sarili ko dahil sa example ko. Pero dahil sa uneventful at redundant na pagsusulat nawala ang gana ng nagbabasa at nawala ang momemtum. Ang hirap ma gain ng momentum. Kailangan mo ng isang libong Vitamin C na kailangang laklakin ng sabay.
4. Be skeptic
Importanteng trait yan ng isang auditor. Personal skepticism.
Pag sinabing maganda ang gawa ko, o may nirecommend na maganda sa akin d ako agad naniniwala. Be skeptic. Let yourself be the judge. Kung maganda ba para sayo. Kasi di kesyo sinabing maganda ng iba ay masasayahan ka na.
Katulad ng Nancy Drew series. Super fan ako nun. Pero inaamin ko na hindi lahat ng book sa Nancy Drew series ay maganda.
Kung nagsusulat ka naman, pag sinabing maganda, wag ka din maniwala agad. Di ko sinabing mga sinungaling sila kasi baka may makaaway ka. What I'm saying is, ano ba ang impresyon mo sa naisulat mo? Nag enjoy ka ba? Napatawa ka ba? Napaiyak ka ba? Kung oo, eh di maganda kasi nagandahan ka. Your opinion always matter in any situation. Pero wag magpapadala sa sulsol ng iba.
5. Write for yourself first
Ito madami ang nagPPM sa akin nito. Paano daw ba dadami ang reads ng story nila? Ano ang gagawin nilang story para may magbasa?
Seriously, bakit ka ba nagsusulat? Para sumikat? Para mapublish ang book? para yumaman? Kung yes ang sagot mo sa mga yan, then hindi ka plastic. Lahat naman gusto ng ganun. Pero kasi...hindi naman lahat ng writer ay nagsisimula ng sikat? Para sa akin, it all starts with passion. Passion to write and the passion to express.
My very first novel that I published in Creative Corner, Infinity and Beyond, I write it not expecting that someone will read it. Gusto ko lang magsulat. Gusto ko lang malaman kong kaya kong matapos ang isang story at naiinggit lang ako sa mga writers sa CC kasi ang gagaling nila. So tinatry ko lang kung kaya ko din. Hanggang na hook ako sa story. Hanggang sa gusto ko ng malaman kong ano ba ang susunod na mangyayari (kasi dati wala akong plot. And it is exciting kasi kahit ako di ko alam ang susunod). Kaya wala akong pakialam kung may magbasa man o wala. Wala akong pakialam kung panget sa tingin ng iba o hindi. Basta gusto kong mabuo ang story ni JP at Cassie. Period. nag eenjoy ako eh.
Nung nasa wattpad na ako, binasa ko ulit ang IB. Napapamura ako sa sarili ko kasi ang corny, ang arte at ang OA ng story para sa akin. Siguro nagbago na talaga ang taste ko ngayon.
ANg point ko, kung nagbabasa ka para mag enjoy, magsulat ka din para magenjoy at hindi para sa ikaliligaya ng iba because you just cannot please everyone.
Hanggang dito na muna ang principles ekek. Uubusin ko muna ang manggang hilaw. Yey!
Next article...
What are my characters made of... (corny ng title)