WB Shortcut for Wanted: Babymaker. Napaprivate kasi kung buo.
Wanted: Babymaker (June 11, 2010-February 11, 2011)
The story that started it all. Aaminin kong dumami talaga ang readers ko dahil sa story na to. Hindi ko alam kung ano ang meron kay Oca.
Paano ba nabuo ang Wanted:Babymaker?
Paranoid nga ata akong tao o simpleng baliw lang talaga kasi nasa early twenties pa lang ako takot na akong tumandang mag isa. May boyfriend naman ako that time pero naisip ko kung paano kung magbreak kami? At dahil ako ay isang goal oriented na tao, I set a goal for myself. By the age of 26 at hindi pa ako kasal at wala pa akong anak I'll find myself a babymaker. At kapag naaalala ko ang goal ko na yun natatawa na lang ako. Kaya naisip ko, paano kung may babaeng ganun din ang naisip? Paano kung gagawin talaga ng babaeng yun ang naiisip niya? And so came Joanne and her Wanted: Babymaker ad.
And then Oca. Ang hadlang sa goal ni Joanne. Siya ang pinakawalang kwentang character na naisulat ko. Wahehehe. And I don't know what makes him tick. Bakit gusto siya ng mga nagbabasa. Ang story na to ang nagsimula sa pagkahilig ko sa Romance Comedy genre kasi nag eenjoy ako. And in a way this story changed me. Kasi napakaboring kong tao. I don't know how to start a conversation before. Mas gusto kong makinig. At dahil sa pagsusulat ng Rom/Com, napapansin ko that I've become less uptight.
"Let's get it on." Yun term na yun ni Oca is derived from my husband. palagi niyang sinasabi sa akin yun. Lalona nung mag bf pa lang kami. Kapag sinusundo niya ako at paalis na kami, sinasabi niya palagi, let's get it on? Sa una ang bastos pakinggan pero kalaunan nasanay na rin ako na ang ibig sabihin nun ay 'tara,. let's go, kain na tayo.' hahaha.
Yung trip nila sa Mt. Pinatubo is due to my love of mountaineering. Gustong gusto ko ang adventure dati lalo na nung single pa ako. I wanted to go to places, I wanted to climb mountains kahit mag isa lang ako. Kaso hindi ko na nagawa yun nung nag asawa na ako.
Wanted:Babymaker does not have a plot. Katulad ng mga nauna kong stories, I write whatever comes in my mind. So hindi ko alam ang patutunguhan ng story. Hindi ko alam ang sunod na ibabato na lines ni Oca. Hindi ko alam ang magiging moods ng mga characters. Wanted:babymaker is fun to write, parang naiimagine ko ang mga scenes lalo na ang kakapalan ng mukha ni Oca. Ang pagkairita ng mukha ni Joanne. Pero may part sa story na nahirapan ako lalo na sa part na naghiwalay sila. Na mention ko ang reson sa previous post ko.
The names/characters
Namention ko na before sa last message ko sa WB na ang name ni Oca ay nakuha ko sa isang character sa Ran Online. His name is Caleng pero real name niya Carlos at palayaw niya ang Oca.
Joanne naman gawa gawa ko lang. But Joannes hard headedness and stubbornness came from me. Kung gaano katigas ang ulo ni Joanne mas matigas pa ang ulo ko.
The setting
The setting is urban. So Metro Manila setting na siya. I haven't been to any place in that story but I did make some research on the places.