Infinity and Beyond (written Jan. 18, 2008-December 22, 2009)
Bakit nga ba yan ang title nyan? ANg totoo hindi ko alam. Ni hindi ko nga alam na yan pala ang sinabi ni Buzz Lightyear kasi hindi naman ako nanonood ng Toy Story.
Paano nga ba nabuo ang Infinity and Beyond?
Dahil sa inggit. Yes inggit. Inggitera kasi ako. Nagbabasa ako nun sa Creative Corner at nabasa ko ang mga story ni J_Harry (Jessica Concha), Jonaxx, pilosopotasya, peachxvision (dugdug). Actually nakalimutan ko na ang title ng mga story nila pero kay J_harry at kay Jona halos lahat ng story nila sa blog binasa ko. So ayun nga, hangang hanga ako sa galing nilang gumawa ng story. Gusto ko din makagawa kaya nabuo ang Infinity and Beyond. Pag una mo pala sa pagsulat mahihirapan ka talaga kasi nahirapan ako sa title at sa first few chapters. Pero sulat lang ako ng sulat kahit isa o dalawa lang ang nagcocomment. Hanggang sa naadik ako mismo sa story na yun. Gusto ko na ituloy tuloy. Gusto ko na malaman ang kasunod. Walang plot kas ang infinity and Beyond, kumbaga, kung ano lang ang pumasok sa isip ko, yun na lang ang isusulat ko. Kaya ayun, nakagawa ako ng cliche na college story.
Ah, isa pa pla, uso dati sa Creative Corner ang mga story na madaming kanta. Kaya ang Infinity and Beyond madaming kanta yun.
Uso din ang mga heartthrob like guys kaya ganun si JP at ang nerdy type girl na si Cassie. So very cliche talaga ang story ng IB.
The Characters
Yung name na Cassandra Ysabelle is my MIRC name before. Nung hindi pa uso ang YM, Skype at ang iba pa. So yun ang ginamit ko.
Yung kay JP naman, nag isip lang ako ng name na nagsastart sa J at P. At ang Tan na apelyido niya, middle name yun ng isa sa mga barkada ko nung college.
The setting
Yung setting ng story ay ang school ko nung college. The corridor, the student center, the gazebo. Tuwing sinusulat ko yun yun ang naiisip kong lugar. Yung resort naman nila JP ay isang resort din sa province namin.
What is unexpected in the story
Yung declaration ni JP na kinasal sila ni Cassie. Hindi ko ineexpect na ilalagay ko yun dun. Wala siya sa plano ko kung paano ko tatapusin ang story.
What's behind the Infinity and Beyond
Then halfway through the story I stopped because i got pregnant. And I came back after a year. Siempre nawala na yung mga kakarampot kong readers but I am determined to finish the story, with or without readers. Pero may nagbasa pa din pala. Si onlyhisangel and ladyjang. Sila lang ang nagcocomment sa story pero nag uupdate pa din ako minsan 3 chapters in a day. Tapos nagcomment si pusahbear, si raice at bumalik yung isang nagbabasa na si coolcat. Tapos dumami na ng dumami ang nagcocomment.
Acknowledgement:
Mababait talaga ang mga taga Creative Corner dati kasi kahit hindi kagandahan ang story nagcocomment pa din sila and somehow those one to two readers inspires me. Thanks to .sabon, purpleshmurple, xiete, coolcat26, onlyhisangel, pusahbear . Sila yung mga unang readers ko. Nasaan na kaya sila?
And of course, Si raice na simula nun palagi ng nagbabasa ng mga gawa ko. AT hindi ko ineexpect na maging friend ko pa siya IRL