Nasaan ka? Kailangan kita!

56 6 3
                                    

21:59

Nasaan ka? Kailangan kita!


"Hindi ko na kaya ang pambababae mo, Adrian. Mas mabuti ng maghiwalay na lang tayo!"

Gabi-gabi na lang laman ng lansangan si Adrian pagkatapos nilang maghiwalay ng kanyang nobya. Kapag may napagdiskitahan, binubugbog nito.

"Kung magpapakatino ka lang, baka sakaling bumalik ako sa'yo."

"TIGILAN MO NA AKO! AYAW MO NA SA AKIN HINDI BA?! AYAW MO NA SA AKIN! BAKIT GINUGULO MO PA RIN ANG ISIPAN KO!"

Binalibag ni Adrian ang bote ng alak na kanyang hawak-hawak.

"Tama na, Yuxan! Sobra na akong nasasaktan sa mga nangyayari. Sobrang miss na miss na kita. Sana naman magpakita ka na," ani Adrian habang nakatingila sa langit.

"Adrian, umuwi ka na! Parating na ang mga barangay!" Sigaw ng isang lalaking tumatakbo papunta sa kinatatayuan ni Adrian.

"Wala akong pakialam," mahinang sambit nito.

Mayamaya pa ay dumating na ang mga barangay at nilapitan ng mga ito ang binata.

"Ilang taon ka na?"

"Wala kang pakialam!"

"Hindi mo ba alam na curfew hours na?"

"Wala kang pakialam!"

"Mukhang lasing tayo ah?"

"Sinabi ng wala kang pakialam!" Sinunggaban ni Adrian iyong nagtanong at pinagsusuntok niya ito. "Wala kayong pakialam kung maglasing ako! Wala kayong pakialam kung magpuyat ako sa kalsada! Ginagawa ko ito dahil sa isang babaeng nasaktan ko ng sobra!"

Inawat ng ibang barangay tanod si Adrian sa pagwawala.

"Tama na iyan, boy. Sumakay ka na sa sasakyan."

Isinakay ng mga tanod si Adrian.

"Ayos ka lang ba, Kap?"

"Ayos lang ako."

Mamumutawi sa mukha ng Kapitan ang pagkabahala. "Walang exemption sa curfew, kahit anak ko pa," anito.

Nang maisakay na si Adrian sa sasakyan, napansin nito ang dalawang tao na magkahawak ng kamay at tila masaya pa kahit nahuli na ng curfew.

"Walang forever! Maghihiwalay din kayo!" usal nito habang matalim na tinitignan ang lalaki.

"Paano mo pala nakuha 'yong I.D ko?" tanong no'ng babae sa kasama nito.

"No'ng pagkuha ko ng polo ko sa iyo, nahablot ko ang I.D na suot mo. Hindi ko napansin na nasukbit ko pala, kaya ayon," sabay tingin ng lalaki sa kamay nilang dalawa. "E, ikaw? Paano mo nakuha ang I.D ko?" patuloy nito.

"Nang makita kong umaagos ang tubig sa gripo sa comfort room, pumasok ako at nakita ko 'yong polo mo na parang pinapaliguan. Tapos 'yong I.D nasa sahig. Isasauli ko sana sa'yo paglabas ko. Kaso na-beastmode ka agad," paliwanag ng babae.

"I see. Kahit hindi ganoon kaganda ang pagtatagpo natin sa umpisa, naging masaya naman ang muli nating pagkikita," nakangiting wika ng lalaki.

"Tumigil na kayong dalawa! Nakakasura kayo!" ani Adrian.

Naalibadbaran na sa mga naririnig itong si Adrian. Samantalang ang dalawa, hindi na lang pinapansin ang lasing na binata.

"Kawawa naman ang anak ko. Sobrang hirap siguro ng pinagdadaanan niya ngayon. Parang wala akong kwentang ama sa kanya. Lagi na lang akong nasa barangay hall," usal ng Kapitan habang pinagmamasdan sa salamin ang anak na si Adrian.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 29, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

21:59Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon