14324

135 11 15
                                    


21:59 (I wish it would happen again)

JADINE 14324

"One four three two four, Nadine. I wish it would happen again."

Hindi ganoon kaganda ang unang pagtatagpo nila RJ at Nadine. At habang nakaupo sa waiting shed si RJ, muli niyang naalala ang hindi makalilimutang pangyayari sa Jolibee.

"Hey watch out!" singhal ni RJ nang tumapon sa kanya ang softdrinks na nasa tray na bitbit ni Nadine.

"Sorry. Hindi ko sinasadya," paghingi ng tawad ni Nadine. "Sorry talaga," sabay lapag nito ng tray sa lamesa at kinuha ang panyo na nasa kanyang bulsa.

"Wa-what are you doing! Don't do that!" pagpipigil ni RJ kay Nadine.

"Pupunasan ko lang ang polo mo. Huwag kang maarte," nakairap na sagot ni Nadine. Naiirita na rin ang dalaga sa kaka-ingles ni RJ.

"Enough!" Hinubad ni RJ ang polong suot. Kasabay ng paglapit ng guwardiya sa kanilang dalawa.

"Sir, excuse me po. Bawal po rito ang maghubad," wika ng sekyu.

"Hindi ako maghuhubad. Magpapalit lang ako ng damit," tugon ni RJ at isinalpak ang polo na nabasa sa loob ng bag at kinuha nito ang sando na ipapalit. "Kung hindi sana ako binasa ng babaeng ito, hindi ako mapapahiya ng ganito!"

"Sir, sa comfort room na lang po kayo magpalit ng damit. Nakakahiya po sa ibang costumer na pinagtitinginan po kayo."

Nakikiusap ang sekyu kay RJ na sa CR na lang magpalit. Subalit nagmatigas ang binata at sa mismong harap ng counter nito gustong magpalit.

"Pasensya na po," paghingi ng paumanhin ni RJ sa sekyu.

"Ayos lang, Sir."

Sinamahan ng sekyu si RJ papunta sa comfort room. Pero bago ito makalayo, tinuro nito si Nadine at dinuro ng dalawang daliri na nagsasabing, "Mata lang ang walang latay."

"Grabe naman 'yong lalaki. Hindi ko naman sinasadya na matapon sa kanya 'yong softdrinks," wika ni Nadine sabay pulot sa baso na nasa sahig.

"Ay, Ma'am! Kami na po ang bahala d'yan. Papalitan na lang po namin ang natapon n'yo." Nakangiting sambit ng manager ng Jolibee.

"Hindi na. Oorder na lang po ako ng bago. Tapos paki-take out na lang po," ani Nadine.

"Sige po, Ma'am."

Habang hinihintay ni Nadine ang kanyang inorder. Umuusok naman sa galit si RJ na nasa CR.

Inilabas ni RJ ang polo na nabasa, "Kakabili ko lang ng polong 'to! Tapos tatapunan lang ng softdrink?! Hindi ko palalampasin ang ginawa ng babaeng 'yon!"

Dali-daling isinuot ni RJ ang sando na ipapalit, at hindi niya napansin na naiwan niya ang polo na binili. At sa kanyang paglabas, muli na naman silang nagkita ni Nadine.

Nanlaki ang mata ni Nadine, gayon din si RJ.

"WHAT THE HELL! Talaga bang nananadya ka? Ano na susuotin ko ngayon! Nabasa mo na 'yong polo ko. Pati ang sando at pantalon ko, binasa mo rin!"

Sa sobrang gigil ni RJ muntik na nitong masaktan si Nadine.

"Sorry. Hindi ko alam na palabas ka na ng CR. Ibibigay ko sana sa—" napatingin sa sahig si Nadine. "—iyo 'yong softdrinks at cheesy bacon mushroom yum na ito."

21:59Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon