Hi guys! Salamat sa lahat ng sumuporta sa story na ito! I'm really happy :) You might be wondering kung bakit biglang si Diel ang nakatuluyan niya instead of Phoenix. Remember, Diel and Sabria can't go back to Magus World again at si Phoenix naman at naroon sa Magus World dahil hindi man iyon ang mundong kanyang kinagisnan, iyon naman ang mundong kinabibilangan niya talaga. So sa mga shippers ni Phoenix at Sab, pasensya na po ^_^v.
Another reason kung bakit si Diel at Sabria ang nagkatuluyan is because I decided to write a BOOK 3!!!! Yey! Haha. So yeah, here's the teaser.
Ang nakakatakot na malakas na paglangitngit ng pintuan ang kanyang narinig ng buksan niya ang malaking pintuan ng sinasabi nilang haunted mansion na iyon. Pagtapak palang ng paa niya sa loob ay kakaibang kilabot at kaba na ang bumalot sa kanya.
"Hello?" pagtawag niya sa kung sino man o kung ano man ang nasa loob ng mansyon na iyon pero katulad ng inaasahan ay wala naman sumagot dahil wala namang kahit sinong tao ang nagtatangkang pasukin ang mansyon na iyon.
Mabilis ang ginawa niyang pagkilos upang matapos na ang dare na pinapagawa ng mga baliw niyang kaibigan. Katulad nang sinabi ng mga kaibigan ay pumasok umakyat siya sa may hagdan at pumasok sa unang kwartong nakita. Kailangan niyang manatili doon sa loon mg 30 minuto.
Inilibot niya ang paningin upang makita ang kabuoan ng kwarto. Siguro, kung wala ang mga agiw at alikabok sa paligid ay napakaganda ng kwartong iyon. Kung sabagay, kahit naman sa labas palang ng mansyon ay kita na ang kagandahan nito kung hindi lamang ito napabayaan.
Napakunot ang noo niya ng may makita siyang kung anong umiilaw na bagay na nasa ilalim ng isang couch na natatakpan ng puting kumot. Agad siyang yumuko at inabot iyon. Nang makuha niya iyon ay namangha na lamang siya. Isang napakagandang kwintas na ngayon lamang niya nakita pero ang nakakapagtaka ay kung bakit ito umiilaw.
Agad siyang napalingon nang makarinig siya ng kung anong ingay mula sa likuran. Laking gulat niya ng makita ang sarili na nakatingin sa isang basag na salamin. Ngunit hindi iyon ang ikinagulat niya, kundi ang kung paano unti unting nabubuo ang basag na salamin na nasa harapan niya.
"AHHHHHHHHHH!!!!!" nakakabinging sigaw niya bago siya nagtatakbo palabas ng mansyon na iyon...
Sana abangan niya rin ang BOOK 3 :)
BINABASA MO ANG
Awakening of Darkness
FantasíaBook 1: The Lumen Princess Book 2: Awakening of Darkness Book 3: Enchanted Naging mapayapa ang Magus World sa loob ng ilang taon. Ngayon ay masaya ng namumuhay sina Shanel at Kyle sa mundo ng mga tao kasama ang anak nila na si Sabria. Ngunit lingid...