Pasensya na sa matagal na update. Busy lang talaga sa school and other matters :(
Chapter 9
"Masyado ng napapatagal ang paghahanap natin sa kanya. We need to hurry up." Sambit ni Clyde. Tinignan naman niya ang asawa na nakatanaw lang sa malawak na hardin ng Glacies Kingdom at mukhang malalim ang iniisip. Simula ng umalis si Diel sa Magus World ay lagi lamang itong tahimik.
"Problem?" hindi niya natiis at nilapitan na lamang ang asawa. Maging sina Nikki ay nasa kanila atensyon.
"I'm worried to Diel. Parang gusto kong magisisi na ipinadala ko siya doon."
"Malaki na ang anak natin Jana."
"Pero mapanganib ang misyon na iniatas sa kanya."
Hindi kasi maiwasan ni Jana ang mainis. Simula pagkabata ay inensayo na siya upang maisama siya sa mga maghahanap noon kay Shanel. At nang mahanap na nila ito ay ang pagprotekta naman dito ang kanilang sumunod na misyon. Hindi niya akalain na maging ang anak niya ay magiging katulad niya. Kung poprotektahan ni Diel si Sab, sino naman ang poprotekta dito?
"I know what you're thinking Jana but you don't have to worry. Kaya nga nandito dahil ang mga anak naman natin ang poprotektahan natin." Sabi ni Jiro sa kaniya. Napabuntong hininga nalang siya.
"But for now, we need to hurry. Qetsiyah, wala ka ba talagang ideya kung sino ang Dark Prince?" Sabi ni King Shone. Napangisi na lamang si Qetsiyah. Ibang klase talaga ang kakayahan ni King Shone.
"Meron. I just wanted to know kung hanggang saan ang kaya ninyo. Hindi ko akalain na agad pala kayong susuko. Oh well." Sinamaan siya ng tingin ng mga ito pero nginisian lang niya.
"You should know that the dark prince is very close to your princess." Naparoll eyes nalang si Nikki.
"Malamang! Kaschoolmate nga niya diba?" sinamaan siya ng tingin ni Qetsiyah habang tinakpan naman ni Jiro ang bibig ni Nikki.
"Manahimik ka nalang. Sasabihin na e!"
"As I was saying, the dark prince is very close to the princess. Mukhang like mother like daughter nga e." napakunot ng noo si Shone sa sinabi ni Qetsiyah.
"Don't tell me, isa nanaman sa mga kaibigan niya?" ngumisi lamang si Qetsiyah sa tanong ng hari.
"Here's the thing, kakaiba ang kakayahan ng dark prince. Marahil ay dahil kalahating dark wizard at lumen wizard ito. He has the ability na tanging siya lamang ang nakakagawa sa buong Magus World. The first time I saw him, I was shock too."
"Transformation." Biglang sabi ni Elysse kaya napatingin silang lahat sa kanya.
"You read my mind?" nakakunot na tanong ni Qetsiyah dahil walang kahit na sino ang may kakayahan na basahin ang nasa isip niya.
"No. Just a wild guess. Sa lahat ng wizard dito sa Magus World, wala pa akong nakikitang may kakayahan noon. I once wished to have that powers but I know that's impossible but I think I was wrong."

BINABASA MO ANG
Awakening of Darkness
FantasiBook 1: The Lumen Princess Book 2: Awakening of Darkness Book 3: Enchanted Naging mapayapa ang Magus World sa loob ng ilang taon. Ngayon ay masaya ng namumuhay sina Shanel at Kyle sa mundo ng mga tao kasama ang anak nila na si Sabria. Ngunit lingid...