At dahil may wifi ang kadorm ko, makakapag-update nako :) sorry sa matagal na update guys.
Chapter 4
"Dalawang linggo kang nawala. Saan ka bananggaling?" Tanong ng kaibigan niyang si Rheya. Napaisip naman siya,dalawang linggo pala ang inilagi nila sa magus world. Sigurado siyang maramingmga bagay na agad ang nangyari sa mundong ito.
"May bago bang happenings?" Nagkibitbalikat lang sa kanya ang kaibigan.
"Bukod sa may isa tayong bagongkaklase?"
"Bagong kaklase?"
"Yup. Nakalimutan ko na kung saan siya galinge. Pero nagtrasfer daw siya dito dahil lumipat na sila ng mama niya sa malapitsa school natin."
"Okay. Bakit daw sila lumipat?" Tumigilsa paglalakad si Rheya kaya naman napatigil di siya.
"Alam mo ang weird nga eh. May hinahanap dawkasing tao ang mama niya na mahalaga." Biglang bumilis ang tibok ng pusoniya. Hindi niya alam kung bakit pero nang makapasok sila sa room nila, ayganoon na lamang ang pamumutla niya ng mahagip ng mata niya ang sa palagayniyang sinasabing bago nilang kaklase.
"Ayan si Jelly pala. Jelly si Sabria. Kaklasedin natin siya. Nawala lang siya ng dalawang linggo" hanggang ngayon aynakatulala pa rin siya sa mukha ng sinasabing Jelly ni Rheya.
Hindi siya pweding magkamali. Ang mukhang iyon angnakita niya sa isang letrato ng kanyang ina kasama ang bestfriend niya. SiJillian. Pero, kamukha lang ba talaga niya ito? Maaari bang magkaroon sila ngiisang mukha? O si Jillian talaga ang kaharap niya? Pero imposible yon dahililang taon na ang lumipas peri bakit hindi man lang ito tumanda? Para bangkasing edad lamang niya ito.
"Sab? Sab? Sabria!" Noon lang siyanabalik sa tamang pag-iisip niya.
"Oh sorry. May naalala lang ako. May kamukhaka kasi. Nice meeting you Jelly." Ngumiti pa ito sa kanya. Naupos na siyasa upuan niya ng magsimula ng magpasukan sa loob ng room nila ang mga kaklaseniya. Tanda na paparating na ang prof nila.
"Good morning everyone" bati nito sakanila. Akmang babati sila ng makita nila ang isa pa sa kaklase nila napapasok. Lahat ay natahimik ng masilayan ang lalaking iyon.
"You've got to be kidding me." Hindimakapaniwalang sabi ni Sab habang nakatingin sa lalaking papasok at naupo na satabi niya.
"Phoenix! You're right in time. So let's getstarted?"
Sa buong klase nila ay na kay Poenix ang atensyonni Sabria. Nawala lang siya ng dalawang linggo ay ang laki na ng pinagbago nglalaking kayabi niya at gusto niyang maging kaibigan. Ang dating mahaba nitongbuhok ay pinaikli na niya kaya naman kitang kita na ngayon ang gwapo nitongmukha. Yun lang ang nagbago pero parang ang laki na ng ipininagbago noo sakanya kahit na nakikita pa rin niya ang isang tahimik at masungit na Phoenix.
"Kung pwede lang, kanina pa ako natunaw." Nagulatsiya ng bigla siya nitong kausapin. Ito ang unang beses na si Phoenix angnaunang nagsalita sa kanilang dalawa. Madalas kasi ay siya ang unang magsalitaat magtanong sa kanya na kung minsa ay hindi pa siya pinapansin nito.
"Naninibago lang ako sa'yo. Bakit ka nagpagupit?"tanong niya dito. Ngayon ay tumingin na si Phoenix sa mga mata niya at mataman itongtinitigan. Akala niya ay sasagot na ito pero ngumiti lang ito sa kanya atnag-iwas na ng tingin.
"Ginupit kasi yung buhok niya."
"Huh?"
"Noong mga mean girls. E kasi nga di ka pumapasokng dalawang linggo diba? Kaya ayun, sinasabi ng mga bruha na baka daw deads kana or buntis ka." Nanlaki ang mata ni Sab sa sinabi ni Rheya. Ang mean girls nasinasabi nito ay ang dalawang babae na inis na inis sa kanya dahil hindi nilaito mahigitan sa lahat ng bagay.

BINABASA MO ANG
Awakening of Darkness
FantasíaBook 1: The Lumen Princess Book 2: Awakening of Darkness Book 3: Enchanted Naging mapayapa ang Magus World sa loob ng ilang taon. Ngayon ay masaya ng namumuhay sina Shanel at Kyle sa mundo ng mga tao kasama ang anak nila na si Sabria. Ngunit lingid...