hater born

27 2 0
                                    

Chapter 3

Siguro sinugod na ni Daddy yung bruhang iyun sa hospital...

samantalang ako...

i went home crying...

nalimutan ko na nga rin na masakit ang tiyan ko sa mga nangyari kanina e...

Pag bukas ko ng pinto nakita ko si Mommy na nakaupo sa sofa na nagbabasa ng magazine habang naka bukas ang tv sa harap nya.

"oh Sweetie.. bakit ang aga mo ata umuwi? alas singko pa ang labas mo ah? teka, bakit parang umiyak ka? may umaway ba sa iyo?" gulat ni Mommy na tanung sa akin ng bumungad ako ng pinto  na  mugto ang mata .

"Hindi kona kasi kaya ang sakit ng tyan ko Mommy kaya ako umuwi." hindi ako makatingin kay Mommy habang sinasabi yan.pinipilit kong iwasan ang mga mata nya. baka kasi mahalata nyang nag sisinungaling lang ako.

"ganun ba, oh magpahinga ka na muna. dadalhan nalang kita ng gamot at pagkain sa kwarto mo." sabi pa sa akin ni Mommy.

"ok mommy." kumaripas ako ng takbo papuntang kwarto, at itinuloy dun ang pag iyak.

hindi ko kayang sabihin kay mommy ang natuklasan ko about kay daddy.

----------------------------------------------------------------------------------------------------

After that incident ay hindi umuwi si Daddy. D i na rin gaanong nag kukrus ang landas namin.

Nagtataka man ako kung bakit walang nagreklamo or baranggay tanod na sumugod sa bahay dahil nanaksak ako ng bananaque sticks.

Siguro dahil menor de edad palang din ako, kaya if ever magreklamo sya di din naman ako mapaparusahan sa ginawa ko. at saka if ever nga na magsumbong sya, mababaliktad din ang sitwasyon dahil kasalanan din naman sya dahil kumabit sya sa may asawa at maeeskandalo lang din sya.

Simula din nun ay naging mailap na ako sa mga lalaki, nawalan ng tiwala sa mga lalaki. Man-hater? siguro......

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 30, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"Ako si Karma, Ikaw ang karma ko"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon