[Ranz' POV]
Badtrip!
Kakauwi lang namin sa bahay. Andito ako sa kwarto ni Niana. And as usual, ako na naman ang magpapatulog sa kanya.
Close na close kami kasi kami lang naman ang magkakapatid. At palagi din kasing wala sila Mama at Papa kasi busy sa trabaho.
Niana: Kuya.......
Ako: Ano na naman Niana'ng makulit??
Niana: Hmmmm..
Kulit eh.
Niana: boyfriend na ba ni Ate Ynna yung kasama nya kanina?
Ako: HINDI AH!
Oooops. Medyo defensive yata yun.
Niana: Sabi ko na eh....
Ha? Ano pinagsasabi neto?
Niana: May gusto ka kay Ate Ynna. Matagal na.. Kaya mo sinuntok yung si Stephen kasi sobrang nagseselos ka sa kanya kanina.... tsk tsk. Kawawa ka naman kuya!
Tignan nyo na? Na sobrahan talaga sa pagkatalino kaya kung ano ano nang pinagsasabi!
Niana: Sabi na eh. Tsk. Alam mo kuya, hindi mo naman mapapasagot si Ate Ynna nyan eh! Tsk tsk. Kaya susunod, umayos ka para hindi ma turn off sayo si Ate... Pano nalang yung pangarap ko!!
Tignan mo 'tong batang to. Kung maka asta parang ako pa yong bata sa min.
Ako: Ikaw Niana ha. Tigil tigilan mo na panonood mo ng mga teleserye... Andami mo nang nalalaman... Tsaka ano ba kasi ang pangarap na pinagsasabi mo dyan?
Niana: Na maging sister-in-law ko si Ate Ynna!!
Haha. Sister-in-law talaga?
Ako: di pa nga kami eh.
Niana: Yun na nga kuya! Kaya tutulungan kita! Sasabihin ko kay ate Ynna na mahal na mahal na mahal mo sya. At siya lang laman ng galery mo. At sya lang palaging mukhang bibig mo. At siya lang ang babaeng nagpapatibok ng puso mo. At-----
Ako: Edi ikaw nalang manligaw! Haha..
Nag pout naman sya kaya kinurot ko pisngi nya.
Ako: Alam mo Niana, hindi ko naman kaylangan ng tulong ng iba. Kasi alam ko, mahal din nya ako........ Haaay naku.... Matulog ka na nga!
*@Ynna's house*
[Ynna's POV]
"Good night Ynna! See you tomorrow! ^_^"
-sabi ni Stephen nung nakababa na ako sa sasakyan nya.
"Likewise ^_^ ingat ka"
- sabi ko.Then umalis na sya.
Haaay. What a day!
Naalala ko si Ranz.
Medyo na dissapoint ako sa ginawa nya kanina.
Hindi tuloy ako nakapag paalam kay Niana.
Close na close kasi kami ni Ynna. Kasi napakakulit nya kaya nakakasabay din ako sa kanya.
Palagi kasi akong pumupunta sa kanila twing weekend or sila naman ang pumupunta dito sa bahay. Business parters din kasi ang parents namin.
Pagpasok ko sa bahay....
"Oh, my twin is here.... Napaaga ka ata nauwi? Tapos na ba pakikipaglandian mo dun sa kasama mo at naghatid sayo?"
Bungad sakin ni Ynna.
BINABASA MO ANG
Twin's Conflict
Teen FictionSi Ynna Alonzo, just living in a normal life. Not until she met Sophie Grande, her twin sister. Pano sila naging twins? Ano kayang mangyayari? Magkakasundo kaya sila? Possible kayang magkagusto sa kambal nya si Ranz na matagal ng nagmamahal sa kany...