Chapter 24 - Revealed

1 1 0
                                    

CHAPTER 24

[Ynna’s POV]

Okay class find a pair and make a model of the solar system to be passed on Monday. Okay, goodbye pupils”

“Goodbye and thank you Ma’am” – tapos busing-busy na sa classroom kakahanap ng pairs. Tsk. Pair sana kami ni Sophie ngayon kung magkaklase kami eh! Nasa second section kasi sya ngayong grade two na kami kasi andun si Ranz. Hays. Mas pinili ba naman yung crush niya kesa sa kambal niya!

Paglingon ko sa right side ko, nakita ko yung isa naming classmate sa hindi ko pa close. Siya yung second honor sa class namin na kasunod ko. At katulad ko, wala parin syang pair. Sa pagkakaalam ko tahimik lang siya. Wala rin siyang sinasalihan na extracurricular activities.

“Hi Thea! Pair tayo?” sabay ngiti ko sa kanya nung nakalapit nako sa kanya.

“Kaya ko namang mag-isa. Tss” walang emosyon na sabi nya sabay suot nung headset niya.

“Kaso sabi ni Ma’am we’ll do it with a pair!”-papupumilit ko.

“Tss.” Yun lang ang sagot niya.

“Sige na please ^_^ tsaka sa Monday na ang deadline neto! Ikaw rin, may long exam pa naman tayo ngayong Monday tapos may assignment pa tayo sa Math kaya kailangan pa nating mag study”- tapos nagbigay ako ng puppy eyes.
Kunyari sasang-ayon sya kasi close kami haha.
Nag scan lang sya ng book nya at hindi nya man lang ako sinagot.
Haays. Napaka introvert naman ng babaeng to!

Kinabukasan maaga akong nagprepare ng gamit ko para sa solar system model na gagawin namin.

“Manong, dito lang po ako. Mag tetext lang po ako if magpapasundo na ako. Salamat manong ^_^” tapos bumaba na ako sa kotse at derideritsong pumasok sa bahay nila.

“Oy Sophia!” –bungad sakin ni Tita Helen.

“First time mo atang dumalaw dito ah!” sabi nya tapos pina-upo nya ako sa sofa.

Yeah. Kagabi ko lang nalaman na anak pala ni Tita Helen si Thea. Ninang ko kasi si Tita kaya kadalasan syang pumunta sa bahay. At hindi pa ako nakakapunta dito sa bahay nila kasi malayo talaga sa amin.

“Hehe oo nga tita eh. Gising na po ba si Thea?”-tanong ko tapos tinignan ko yung pababa sa hagdan nila. At pagkatingin nya sakin ay gulat na gulat sya.

Twin's ConflictTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon