AUTHOR'S NOTE: Compensation for my super-long hiatus sa Wattpad. Pampakilig na one-shot story na surely makakarelate kayo. First one-shot story ko nga pala ito so please do support. Vote and Comment kung nagustuhan niyo, thanks in advance!
Pet Names © Written by: Seydeefied
- - -
Hmm... Paano ko ba sisimulan ikwento ? Ah! Alam ko na magumpisa tayo sa unang araw ng pagkikita namin.
Unang araw yun, sa bago kong school. Hindi lang basta-bastang school, dahil unang araw din iyon ng college life ko. Expected ko na medyo liberated at halo-halo ang mga tao na makakasama ko sa klase, at tama nga ako sa klase na aabot sa forty ang bilang, di maiiwasang may mga naiiba sa nakasanayan kong makita. Of course, that was high school, bakit ba pinipilit ko pang ihalintulad ang ngayon sa noon.
Hindi na bago sa kalendaryo, late ako syempre mapa-first day o anyday ng klase pa yan. Hinanap ko kaagad yung nakasama ko nung orientation, maswerte ako dahil dito siya nalagay sa klase ko, Syempre dahil first day ng klase akala ko ay hindi na uso si 'Hello, My name is..' chuchu and all that, pero meron na din pampalipas oras ng professor siguro.
Hindi naman sa pagmamayabang o pagmamaganda ko pero pinagkakatuwaan namin ng kaibigan ko yung ibang mga nag-iintroduction, meron kasing ibang mga bisugo, mga super nerd looking pero syempre may mga eye-catching din na tao, haha lakas ng loob namin kasi nasa pinaka-likod kami nakaupo.
Pero... May isang tao talagang naka-tawag ng pansin ko, hindi sa introduction, pero nung nag-iingay at nagdadaldalan na lang kami. nakatingin lang ako sa kanya.
"Huy! Nakikinig ka ba sakin?" Natawag nung kaibigan ko ang atensyon ko bigla. Hindi ko namalayang masyado na pala akong nakatutok sa kanya.
"Hah?! Ah? Ano ulit yung sinasabi mo? Tungkol sa I.T. di'ba?" Hinulaan ko na lang yung isasagot ko I.T. lang kasi ang narinig ko talaga sa kanya.
"Sira, hindi ka nga nakikinig talaga. Sinabi ko sa I.T. Center garden tayo tumambay mamaya kasi malakas daw wi-fi signal doon." Ah. Right, narinig ko nga na malakas daw wi-fi doon. Magagamit ko na rin yung bagong smartphone ko. Kakarating lang nito eh, late graduation gift galing kay papa.
"Ahh. O sige." Sabay balik tingin sa kanila.
"Teka, saan ka ba nakatingin, at bigla ka na lang tumatawa diyan?" Lumingon din siya sa tinitignan ko.
"Oh? Anong meron sa kanila?"
"Nakakatawa kasi yung mga joke nung isang yun." Tinuro ko siya, pero hindi yung halata kasi baka makita niya ako, at ako naman ang pagtripan niya.
"Hmm... Ano nga palang pangalan niyan??" Sinusubukan niyang alalahanin kung anong pangalan nung lalaking yun.
"Ah! Si Glen ba? Tama ba? Glen nga ba pangalan nun?" Sinubukan niyang magtanong sa mga katabi namin pero mukhang di rin nakinig sa intros itong mga 'to.
One hour and thirty minutes lang ang klase namin ngayong araw, kalahati ng dapat schedule namin na three hours. Nakaupo kami sa isa sa mga bench sa I.T. Center garden, totoo nga na mabilis ang wi-fi dito, kahit pa andaming naka laptop at mobile na gumagamit dito.
Abala ako sa pagchecheck sa Facebook at Twitter accounts ko, puro mga quotes page lang ang nakikita ko, ang aga pa kasi, at tsaka malamang nasa school din yung mga kaibigan ko. Ganun lang kami for the rest of the hour hanggang sa mag-ten AM na.
"Uuwi na'ko friend ha, wala na kasi akong klase. Ikaw di'ba meron ka pa mamayang 1?"
"Ha? Uuwi ka na agad? Wala akong kasama." Hinawakan ko ang shoulder bag niya para hindi siya makaalis.
BINABASA MO ANG
Pet Names (ONE-SHOT)
RomanceDito tayo nagsimula... Saan naman kaya ito patungo? - Pet Names © By: Seydeefied 2014