2

7.7K 161 9
                                    

"Five hundred po," sagot ko sa cashier para bigyan niya na ko ng token.

Wala na kong magawa sa buhay ko. Pinalayas ako ni Mama sa bahay dahil sobrang kintab na raw ng mga gamit namin. Gusto ko na nga ring linisin ang bubong pero binawalan niya na ko.

Kapag busy kasi ko, hindi ko siya naiisip. 'Yon lang yata ang paraan para makalimot ako kahit sandali lang. Kaya lahat ng pwedeng gawin ay ginagawa ko na. Kaso itong si Mama naman pinalayas ako. Binigyan niya ko ng pera at gumala na lang daw ako.

Well, ayos din naman. Buong araw na lang akong maglalaro ngayon dito. Kukuha ko ng maraming ticket at stuffed toy.

Sinuyod ko muna ng tingin ang paligid bago simulan ang paglalaro. Syempre kailangan masubukan ko lahat ng arcade games dito.

"Bakit ayaw?" Bigla akong na-stress.

Kanina pa ko kumukuha pero ang luwag ng claw. Kahit isang stuffed toy lang o kaya ice cream ay ayos na ko. "Pero pinagkakait pa nito." Gigil na gigil ko 'yong niyugyog sabay sipa.

Natigilan ako ng may mahulog na stuffed toy sa gilid. Kabado kong tumingin sa kaliwa't kanan bago ko tumalungko para kuhanin ang stuffed toy.

"Ang galing mo." Napasaldak ako sa gulat. Tinignan ko siya na ngayon ay tumatawa. "Idol na kita," dagdag niya na dahilan ng pagyayabang ko lalo.

"Syempre ako pa." Tumayo ako at naghulog ulit ng token para kumuha ng stuffed toy. Bakit ko ba 'yon ginawa? Dapat hindi na lang ako naghulog ulit ng token~~

Sumulyap ako sa kanya na seryosong nanunuod. Kinakabahan tuloy ako habang pilit na sinasakto ang claw sa teddy bear sa gilid. Pinagpapawisan na ko nang malagkit.

"Bakit hindi mo na lang sipain ulit?"

Napangiwi ako sa binulong niya. Bumaling ako sa kanya at tinaasan niya naman ako ng kilay habang nakangiti. Tatarayan ko sana siya pero ang cute ng ngiti niya.

Hindi na lang ako nagsalita at binaling ko ulit ang atensyon sa claw machine. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa ng hindi ako nakakuha.

"May nakuha naman ako." Inis kong bulong sabay pakita ng stuffed toy kaso wala na pala siya.

Nakatalikod na siya ngayon at lumalakad palapit ng Ice cream claw. Nakasuot siya ng blue v-neck shirt, black pants at converse pero ang gwapo niyang tingnan. Para siyang model sa itsura at tangkad niya.

"Gusto mo?" Alok niya habang nakamagandang ngiti sa akin.

Nahihiya akong lumapit at tinanggap 'yon. Umalis siya agad ng tingin at kumuha pa ng isa. Parang ang dali lang no'n kapag siya ang naglalaro. Kumuha lang siya ng ice cream naming dalawa at huminto na.

"Parang ref mo lang 'yan, ah." Hangang-hanga kong bulong. Mahina naman siyang tumawa at sumulyap lang sa akin bago tumalikod.

Gusto ko siyang sundan pero masyadong mabilis na ang tibok nitong puso ko. Sinubukan kong humakbang pero huli na. Nakalabas na siya sa laruan at nakipag-apir na sa mga kasama niya.

"Mukhang effective ang paglabas mo. Himala at nakangiti ka ngayon." Bungad sa akin ni Mama.

Ngumiti lang ako nang sobra bago umakyat papunta sa kwarto ko. Hindi ko alam kung bakit ako kinikilig ngayon. Hindi pa rin natatanggal ang kakaibang pakiramdam sa dibdib ko. Nakakagaan ng feeling. Nakakatuwa.

"Hindi ko na naman nakuha ang pangalan niya!" Bulalas ko sabay gulong sa kama habang nanghihinayang.

Napatitig tuloy ako sa kesame habang inaalala ang mukha niya.

"Kapag ako nagkagusto sa'yo. Naku! Dapat saluhin mo ko!" Pagalit ko sa kanya sa isip ko.

Pero napawi rin ang ngiti ko nang maalala si Nick. Bigla tuloy akong nawalan ng gana at mas piniling matulog na lang. Kasi sa dulo naman, sasaktan niya rin ako. Sigurado 'yon. Gano'n naman ang mga lalaki.

My Lucky OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon