3

6.8K 162 4
                                    

"Lagi ka na lang bang mag-iisa? Hindi pa naman katapusan ng mundo. Lalaki lang 'yon." Inis kong payo sa sarili ko habang naglalakad papuntang canteen.

"Hoy, bruha! Cryz!" Napalingon agad ako kay Mars. Masaya niyang winawagayway ang magkabilang braso at minomostrahan akong lumapit.

'Ibang klase talaga siya.' Napapikit ako nang madiin bago humakbang papunta sa pwesto nila. Umiwas naman agad si Nick ng tingin at kunyaring inabala ang sarili sa pakikipagkwentuhan kay Sax.

"Hoy, bruha. Saan ka na naman galing? Kumain ka na?" tanong ni Mars.

"Hindi pa." Ilang kong sagot habang nauupo sa katabi niyang pwesto.

"Nakakaloka si Mars. Ako ang naiilang para sa kanila." Nagsimula na silang magbulungan.

"Hoy! Manahimik nga kayo. Ano naman kung nandito rin si Cryz? Frenny din naman natin siya, ah." Mataray niyang pagtatanggol sa akin.

Nahuli ko ang pagngiti sa akin ni Andrea kaya napilitan akong ngumiti pabalik. Pagkatapos no'n ay sabay din kaming umiwas ng tingin sa isa't isa.

Tahimik na ang pwesto nila ngayon dahil sa akin. Sabay-sabay kaming napabalikwas nang magsigawan ang mga babae sa paligid. Nagulat ako dahil imbis na magalit sila ay nakisali pa sila sa hiyawan ng mga babae.

Tumingkad-tingkad ako para makakita pero sobrang daming tao. May artista ba? O kaya proposal?

"Ano bang meron?" Pangungulit ko kay Mars, na ngayon ay nakatayo na sa upuan. Kitang-kita niya ang lahat at matinis na rin ang pagsigaw niya. Habang ako naman ay litong-lito sa kanilang lahat.

Namali ako ng lingon at bumungad sa mukha ko si Andrea na mukhang gustong sagutin ang tanong ko. Umiwas ako ng tingin at tumingala ulit kay Mars.

"OMG! Ang gwapo talaga ni Hiro!" Pinalo-palo niya ko sa balikat sa sobrang pagkakilig. Taas kilay lang akong nagtataka. Hiro? Parang ngayon ko lang narinig ang pangalan na 'yon. Mukhang huli na ko sa balita sa sobrang pagi-stay ko sa library.

"Napakagwapo niya, 'di ba?" Kinikilig ding sabat ni Andrea.

Napatahimik ako dahil sa kinikilos niya. Akala ko ba sila na ni Nick? Pero nakakaganyan siya sa harapan ng boyfriend niya. Bakit ba ko affected? Eh, ano naman kung masaktan niya si Nick? Mabuti nga 'yon para makarma siya sa ginawa niya sa akin.

"Sinabi niyo pa! Balita ko nga wala siyang girlfriend!" May sumabat sa kanila na babae. Kinikilig din 'yon na parang kinukuryente.

"Kung hindi lang sana siya masungit, 'no?"

"Masungit?" tanong ko.

"Masungit kasi siya kaya mas nakakakilig. Wala siyang pinapansin na kahit isang babae. Kung magiging girlfriend niya ko kahit isang araw lang. Best, pwede na kong mamatay." Natigilan siya nang paluin niya ko. Mukhang wala siya sa ulirat habang sinasabi sa akin lahat ng 'yon.

"Malay mo, maganda ka naman," sagot ko na lang sabay peke ng ngiti.

"Kapag nakita mo siya. Baka maging kaagaw ka na rin namin." Biro ni Mars sa akin.

Ngumiti lang ako at sinabing, "may crush na kong iba." Ang yabang ko pa nang sabihin 'yon. Na akala mo talagang move on na ko kay Nick.

"Okay lang, hindi naman din siya magkakagusto sa'yo," sabat ni Fatima kaya napatahimik ako. "Si Andrea buti pa. Mukhang may pag-asa." Nagtawanan silang lahat habang kinakambatan naman ako ni Mars na 'wag nang pansinin.

"Oo nga, 'no. Asa-asa pa tayong lahat dito." Busa ng iba.

Todo naman ang paganda ni Andrea at ngiti lang ng ngiti sa mga sinasabi nila. Feel na feel niya talaga ang mga ganyang atensyon. Hindi ko tuloy maiwasang tingnan si Nick. Kanina pa siya tahimik at mukhang nagseselos.

My Lucky OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon