4

6K 157 5
                                    

"Tumigil ka na! Hindi na kita mahal!"

"Pero mahal kita!"

"Sorry, pero mas mahal ko siya." Umiwas na siya ng tingin at tinalikuran ang babaeng umiiyak sa harapan niya.

"Hala, huwag mong iyakan 'yan." Tinapik ako ni Mars. Kanina pa ko nakadukdok sa mesa habang nanunuod ng drama. Nakakabwisit 'tong lalaki ang sarap niyang ipa-murder.

Lahat na lang ng totoong nagmamahal. Nasasaktan nang sobra.

"Naku may naaalala ka siguro." Biro niya at bigla na lang kinuha ang cellphone ko. "Ay, anak ng kabayo. Kagwapo naman nito."

Napatawa ko habang nakatitig siya sa wallpaper ko. "Kagwapo ng crush ko, 'di ba?" Picture 'yon ni Hiro na kinuha ko habang nauuna siya sa paglakad sa akin.

"Pakita nga. Mas gwapo 'yan kung pinaharap mo." Inagaw ni Fatima ang cellphone ko kay Mars.

"Hayaan mo kapag naging kami. Papaharapin ko siya." Mataray ko ring sagot.

"Taray, moved on na si Ateng." Siniko ko ni Mars habang todo ang ngisi. Sakto namang pagpasok ni Nick sa pintuan. Nagtatawanan sila ni Andrea at mukhang may pabulaklak na naman.

"Hindi pa sila. Mukhang nanliligaw lang ulit 'yang ex mo," bulong ni Mars. "Nagseselos ka pa ba?"

Napalayo ako sa tanong niya habang umiiwas ng tingin. "Bakit ako magseselos?"  May karapatan pa ba ko? Siya ngang ex na ni Nick dati hindi kumibo. Ako pa kaya na naging panakip butas lang.

Nagnilay-nilay na lang ako dito sa library pagkatapos ng klase. Mukhang pumapayat na nga ako at tumataba naman ang wallet ko dahil sa hindi pagsama sa kanilang kumain.

"Pero nagugutom ako," bulong ko habang nakayakap sa lamesa. "Anak ng!" Gulat kong sigaw at halos mapalundag pa ko dahil sa malakas niyang paglapag ng libro. "Ano bang trip mo?" Nakangiti lang siya at mukhang nagpipigil ng tawa.

"Ginigising lang kita. Bawal matulog dito." Panira niyang sagot.

"Anong pake mo? 'Yong librarian nga hindi ako pinapansin tapos ikaw, naku kagigil." Kinuyom ko pa ang dalawang kamao ko sa harap niya habang pinanggigilan siya ng tingin.

Tawa-tawa pa siya. Ginagawa yata akong clown nito.

"Kain tayo. Libre ko." Mayabang niyang aya.

Syempre tumayo ako agad kasi libre raw ng crush ko. Siguro hindi pa siya naghihinala sa akin o baka naman crush niya rin ako? Luh, umaasa na naman si Monicryz Santiago. Iiyak na naman kapag nasaktan.

"Ang bagal mo namang magsinop." Para siyang nagmamadali. Tingin siya ng tingin sa wrist watch niya habang pinapanuod ako. "Ako na nga." Inagaw niya ang mga libro ko at ballpen na nakakalat.

"Bakit ba madaling-madali ka?"

"Thirty minutes na lang klase ko na." Sinukbit niya ang bag ko kaya napasunod na lang ako sa kanya na mabilis na lumalakad.

"Edi sa susunod na lang."

"Nagugutom na ko." Patuloy lang siya sa pagbaba ng hagdan.

"Mabagal akong kumain," bulong ko sa hangin habang nakanguso. Ang bilis-bilis niya namang bumaba. "Bakit kasi hindi—!" Nanlaki ang mga mata ko nang matapilok ako sa hagdanan.

Pagmulat ko ng mga mata ko. Gusto kong lumubog sa lupa. Napalunok ako habang pinapakiramdaman ang labi niya kung saan nakadampi ang labi ko. Mukhang natigilan din siya. Ang tagal namin na nagpapakiramdaman pero hindi ako makaalis dahil sa sobrang tibok ng puso ko.

Ang tanga ko talaga.

Umalis na siya at titingin-tingin lang. Umayos na rin ako ng tayo habang nag-iinit ang mukha sa nangyari. Hindi na ko mapakali at ako na ang naunang bumaba ng hagdanan.

My Lucky OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon