Chapter 3: Mr. Greene

43 1 1
                                    

Chapter 3: Mr.Greene


Sobrang lungkot ng langit. Dahil sa sobrang lungkot nito ay nagdulot na siya ng napaka lakas na ulan mabuti na lang ay mayroong lugar na hinahayaang pasilungin kami sa napaka tahimik ng kaharian na ito, at wala kang maririnig na tinig maliban na lang sa taong nagsasalita sa harapan at naka microphone. Ang mga tao'y nasakanya ang attention at nakikinig sa mga payong ibinibigay niya. Can you guys guess if where am I now?



"The lord is be with you,"



"And be with you too."



Nasa loob ako ng simbahan at katabi ko ang mama ko. Lagi si mama nagsisimba every Sunday at dahil gusto ko na ring maka langhap ng sariwang hangin sa paligid kaya'y napagdesisyunan ko na lang ding sumama sa kanya. Almost a month na din kasi akong hindi lumalabas ng bahay since nangyari ang mga makapangilabot day na iyon sa akin. At totoong hindi biro ang mga iyon.



Hindi ako lumalabas sa bahay kasi dalang-dala na ako, at kailangan ko ding mag move-on .Hindi kopa kayang harapin ang mga ganitong kalaking pagsubok.
(A/N: Hindi porket move-on ,Heart Broken na agad ha?)



Habang nagsasalita ang pari ay hindi ko maiwasan ang humikab ng humikab at libutin ng tingin ang mga nasa loob ng simbahan ,kung hindi naman sa loob eh pati na rin sa labas ng simbahan,Pinagmamasdan ang mga bagay-bagay at binibigyan ng mga interpretasyon. 




Nung nilagay ko ang aking mga tingin sa open area ng simbahan ay mayroon akong nakikitang tatlong magkakaibigan sa malayo,isang babae at dalawang lalaki. Naglalakad ang mga ito at malamang ay didiretso sila patungo dito. Tinitignan ko silang tatlo ng maiigi at napansin kong hindi masyadong malapit ang babae sa kanila, Malayo ang distansiya niya sa dalawang lalaki pero parang magkakakilala naman talaga sila. Ugh, Iba tuloy ang iniintindi ko sa halip na yung payo ng pari ang pakikinggan ko.




Habang nasa tatlong magkakasama na naglalakad ang mga tingin ko ay, Bigla na lang itinaas ng babae ang kanan niyang kamay at tila parang bang mayroong siyang kinakawayan mula sa malayo samantalang ang dalawang lalaki ay nakatingin na din doon sa kinakawayan ng babae. Lumingon ako sa likod ko,sa kanan at sa kaliwa pero wala din naman akong makitang nandun ang kinakawayan nila.




Nung palapit na sila ng palapit ng distansya mula sa akin ay muli ko na ding nakilala kung sino-sino ang mga iyon. Napagisip-isip ko na din na wala na pala silang ibang kinakawayan maliban sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 14, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Excessive EyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon