Chapter 1: The Nightmare

34 2 1
                                    

Chapter 1: The Nightmare


Hating gabi na ngunit narito parin kami ni Mama nakaupo, Sa Hindi kalayuan ng tapat ng bahay namin. Mga benteng hakbang lang din naman ang layo nito mula samin hanggang sa pinto at Nanunuod sa mga taong nangongompanya . Ngayon kasi ang buwan na tatakbo ang mga Councilors at ilang week na lang rin ay magbobotohan na naman.



Madami parin tao ngayon kahit na hating gabi na pero hindi nagtagal nang natapos na ang pangongompanya dito biglang nagsi tahimik ang kapaligiran . Nawala ang mga naghihiyawang tao na kani-kanina lang ay nandiyan pa at pati na rin yung mga host na nagiingay din kanina ay nawala na rin . Nagiba ang Ihip ng hangin ngunit kami ni Mama ay narito parin, Nakatambay sa tapat ng bahay namin habang siya'y nagte-text pa yata sa Cellphone niya samantalang ako naman ay nagmamasid sa paligid .




Itinuon ko ang aking pansin sa isang munting bahay namin , Isang bahay na napaka simple ngunit napaka memorable. Walang tao sa loob ng bahay namin dahil nasa trabaho pa si Papa at si kuya naman ay umalis, Iniwan namin na nakapatay ang ilaw ng bahay  ngayon para rin nman maka tipid sa kuryente at isa pa, Wala din namang tao .



    Laking gulat ko nung unti-unting bumubukas ang pinto namin ngayon, Kitang-kita ng dalawa kong mga mata ang dahang-dahang pagbukas nito . N—Nag Kakamali ata ako? Meron pa yatang Tao sa bahay? Meron yata kaming bisita ngayon ? Pero wala naman akong matandaan na mayroon kaming bisita ngayon at higit sa lahat nakapatay ang ilaw . Sinong bisita ang magtitiis magisa sa ibang bahay ng walang ilaw?! 





     Habang bumubukas ito, Isang galit na babae ang sumulpot sa mismong pinto namin. Naka suot siya ng mahabang black dress pati ang buhok niya ay sobrang haba din ,Hindi ko naman makita ng malinaw ang mga mukha niya gawa ngang natatakpan ito ng pagka haba-haba niyang mga buhok at dagdag pa ang dilim dahil sa walang lamp post dito sa kinaroroonan namin ngayon .





      Mabilis siyang naglakad at akmang may kinukuha na bagay mula sa simento . Nung napaliyad siya para lang kunin ang bagay na iyon na hindi ko naman talaga alam kung may kinukuha ba siya o wala,, ay Dahan-dahang umaangat ang ulo niya ngunit nakaharap ito sa dikresiyon ko . Siguro napansin niya na tinititigan ko siya,Nagiba ang pakiramdam ko ,parang bang may masamang gagawin sa akin ang babaeng ito? Parang ipinahihiwatig niya sa akin na kukunin na niya ako .




       Tumingin ako sa gawing kaliwa ko at nakita ko sa tabi ko si mama na tila ay nagte-text parin talga . Kinalabit ko siya para mapunta ang atensiyon niya sa akin .






"Ma ! Tignan mo oh, may babae" bulong ko sakanya at magkasabay kami na tinignan ang misteryosong babae na iyon na naka titig din sa amin . At this rate nagkatitigan na kami sa isa't-isa .






Wala si mama sinabing kahit na ano mang words man lang pero bumilis ang tibok ng puso ko at halos patayin na ako sa nerbyos nung Kumilos ang misteryosong babae , Naglalakad ito ng mabilis patungo sa akin at wala akong magawa kundi mapa sigaw dahil sa takot .





"MA! TARA TAKBO NA TAYO!" Sigaw ko skanya para makatakas na kami at hindi kami mahabol ng galit na galit na misteryosong babae na iyon .





P—pero







Hindi ako nagawang pakinggang ni mama . Kinalabit ko siya ng kinalabit at halos hilain kona siya papalayo pero hindi parin siya umaalis sa kinaroroonan niya .






Excessive EyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon