Pabiling ano... (One shot)

3.1K 55 39
                                    

Pabiling ano... (One shot)

Gusto mo bang malaman kung ano ang "ano" sa storyang to..? Eto na ohh basahin mo na..

Naranasan mö na bang maubusan ng stock ng ano.. sa bahay niyo.?

Anong ginawa mo para makabili ng ganito?

Itutuloy mo bang bumili sa tindahan ng crush mo kahit na alam mong kahihiyan ang mapupunta sayo?

O..

Maghihintay ka na lang ng ilang araw para magkarön ng supply neto..

Kating kati ka na bang malaman kung ano ang "ano" ?

O teka lang ahh heto na ohh..

Jaycel's POV

"Mama!! Asan na yung mga pantyliner natin!!!" sigaw ko kay mama pano kasi hindi ko makita ehh kailangan ko na kase..

"Aay .. be naubos na eehh hayaan mo sa sabado bibili ako. Bumili ka na lang muna dyan sa mga tindahan sa labas.. sigurado naman sigurong mayröon sila niyan.."

"Hala ma naman iih!! Nakakahiya!!"

"Tsk! Anong gusto mo ako bibili para sayo?" parang galit na niyang sabi

"Hindi po..." takot ko lang diyan..

"Ay be ako ren bili mo" sabi ni aTe Jane.. Ikaw na lang kaya!! Psh wala ren! Nakow bawal humindi sa babaeng yan lalo na pag may girl thing. Pero baket ako hindi naman nagsusunget pag meron?? psh kadramahan lang yan oy!

"Diyan ka na lang bumili kila Aling Lucy... o atleast babae naman yan.. "

"sige na nga.." at ayun sinunod ko yung sinabi ni mama..

"Aling Lucy pabili nga pong pantyliner" pabulong kong sabi

"Ay nako Jaycel naubusan ka na e!"

"Ganun!? Ayy sige po.. baka mayroon dun kila Aling Beybi"

"Ah sige subukan mo nalang dun"

At ayon lakad lakad... tadaa andito na ako.. anubayan kahihiyan na ang ginagawa ko... pero buti si Aling Beybi ang tindera dito..

"Aling Beybi pabili nga pong pantyliner.." tulad kanina halos pabulong kong sabi..

Waah!! sana meron!! Last chance ko na to para makaiwas sa kahihiyan!! Alam kong mayroon pang isang tindahan dito samin pero..... Waaahh! Lagi kasing nakatambay dun si Gerard pag nagtitinda ang nanay niya! Mas malala kung siya ang tindero dun!!! Kaya sana talaga meron!!!!! Ajujuju!! Please!!? Pretty pretty please!?

"Ay nako Jaycel... sa sabado pa ako mamamalengke.."

"Hindi ko naman po tinatanong kung kailan kayo mamamalengke iih" Anlayo naman ng sagot neto..

"Jaycel ija ang sinasabi ko ay sa sabado pa ako mamamalenke dahil naubusan na kameng pantyliner"

"Huwaaatt!!? Aling beybi naman ehhh tignan mo nga po ulet!! baka mayroon" ajujuju!! Ayoko bumili kila Aling Azon!! Baka marinig ni crush Gerard yun!! Nakakahiya!! ajujuju!!

"Jaycel, wala talaga ehh.. Magtanong ka dun kila Azon baka mayroon..."

"Haaaaaay... sige na nga. Salamat na lang po" Haaay! Kahihiyan here I go....... Ajujuju :'( Gerard! lumayas ka muna sa inyo...

 At ito na nga asa tapat na ako ng tindahan nila Aling Azon. Sinilip ko muna yung tindahan.. Ayy! Swerte! Si Aling Azön ang tindera. Hinintay ko munang matapos yung bumibili. And tadaa.. etu na ko....

"Aling Azon pabili nga po ng pantyliner" mahina kong sabi...

Pagtingin ko sa nagtitinda... O_O!!!

Bakit si Gerard na yung nagtitinda!! Ohh Noes!! Narinig niya kaya!?

"Nasa kusina si mama inaasikaso yung niluluto. Kaya ako ang tindero dito.. at hindi Aling Azon ang pangalan ko kundi Gerard at Ano yung binibili mo Jaycel?" Hala tignan mo to.. halata sa mukha niyang narinig niya yung sinabi ko.. Nang aasar kase yung ngiti ehh

"Ahhh ano... ahh... narinig mo na ehh!! wag mo nang paulitin!"

"huh!? hindi ko kaya narinig! Ano ba kasi yon?" painosente pa to!

"Painosente ka pa! Narinig mo na ehh! atsaka wag mo nang paulitin! na-nakakahiya..."

"Anong nakakahiya?? Ano ba kaseng binibili mo? Sige na hindi ka makakabili hanggat di mo sinasabi yang kailangan mo.." loko talaga to ahh! kung di lang kita crush may sapak ka na saken kaso sayang kagwapuhan. wag na..

"Asar ka!! Aling Azon!! tapos na po ba kayo sa pagluluto pweding kayo na lang magtinda dito!!?" sigaw ko para marinig ako ni Aling Azon. Aba! Kahihiyan to! Baka maturn off pa saken si Gerard!

"Ano ka ba busy yung tao.. Kase naman sabihin mo na kase yung bibilhin mo..."

"Ahh kasii.. yung ano... alam mo na naman yun eh.."

"Ano nga?" with evil grin.

"Pantyliner dalawa.." pabulong kong sabi..

"Ha? ang hina di ko narinig.." loko to oh ambingi!!

"Loko ka ahh! dalawang beses ko nang sinasabi di mo parin naririnig!! Ano ba!? Nananadya ka ba!?" ayan sinigawan ko na siya antanga kasi!

"Haha! Alam mo kasi Jaycel sabihin mo nalang di naman ako matuturn off.. Gusto pa rin kita kahit anong mangyare. At saka Jaycel yung ano pfft! bago ko ibigay pantyliner mo. Tatanong ko sana kung ano.. ahh ano.. ..pwedi ba manligaw sayo? Huwag kang mag alala hindi naman ako nandidiri sa yo eh"  O_O!! Halaa!! Manliligaw siya!! *tears of joy* Waah!! Bakit sa ganito pang happenings!! ajujuju! pero di siya nandidiri saken!! Waah!! AyLabYu talaga Gerard!!

"Teka... Jaycel! Bakit umiiyak ka!?"

"Ikaw kase... *sniff* ang kulit kulit mo. Tapos ngayon sinasabi mong liligawan mo ako !!!*sniff*"

"A-ayaw mo? Busted agad ako?"

"Oo. Ayöko"

"Tala--.. Ano!? Ayaw mo!??"

"Ayaw ko dahil..di mo na kailangan manligaw. Sinasagot na kita Gerard!"

"Talaga!? Yes!! Jaycel salamat !! Promise di ka magsisisi!  Ah Jaycel bakit ka pala umiiyak!?"

"Eh kasi *sniff* ampanget ng pagtatapat mo saken hindi romantic at *sniff* bakit ngayon pa kung kailan bumibili ako sayo nung anu.."

"AHAHAAHA! Grabe Jaycel! Akala ko naman kung anu na! Edi next time sa magandang lugar kita dadalhin at tatanungin ulit kita. Huwag ka nang umiyak!! basta wala nang bawian ahh!! AKin ka na!!"

"Öö walang bawian... pero Gerard pwedi bang makuha ko muna yung alam mo na..."

"Ano?" Ayan nanaman mga mapang asar nitong ngiti!

"Yung ano nga... yung ano.. Ano ba Gerard ibigay mo na sakin yan kung hindi babawiin ko yung sinabi ko." Pero di ko naman talaga babawiin yun kailangan ko lang talaga na.

"Hahaha! Chill ka lang Wifey! Oh eto na pantyliner mo libre na yan with Tender love and care galing sa Hubby mo..." 

"Adik ka talaga Gerard!!" At ayon kinuha ko na! at nagtatakbo pauwi... kinikilig na ko ehh!! 

"I Love You Jaycel ! Akin ka na ahh!" adik talaga sinigaw pa!! 

Grabe ansaya ko ngayon!

Alam niyo kung baket?

Kasee may tender love and care ang ginagamit kong pantyliner ngayon...

CHAROT!! Ahaha! Kasi nemen kemi na ni Hubby Gerard!! WoohÖö!!!!

~~

Snow's Note:

Hello... Medyo awkward sa boys ang story.. hahaha!

PBB teens..

Actually.. true to life yan kaso walang ligaw at tayo na chuchu  :( 

Haha xDD

Alam niyo na ba kung AnoAngAno?

Please Support...

~JL_Winters~Jeshaa

Pabiling ano... (One shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon