Chapter 1: Ms. Beltran :)
Hayyyyy, ang saya naman! Marami akong bagong gamit!
First day na naman kasi ulit sa school ei!
Kaya ang saya ko.
BTW, 3rd year high school pa lang ako.
...
Pumasok na ako sa school nang may ngiti sa aking mga labi... pwe! Kadiri naman yung sinabi ko!
Basta nagsmile lang ako sa lahat ng nandun.
Syempre! I'm glad kasi makikita ko na naman ang pinakamamahal kong si Andrew, Drew for short.
Matagal ko na syang crush, yup! That's only crush!
Wala akong pag-asa dun nuh!
BTW, ako ay sikat dito sa school.
Mayaman na maganda pa!
Tita Bianca ang may-ari ng school, kapatid sya ni Mama.
* booooogsh *
" Aray naman! Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo? Alam mo bang anytime pwede kitang paalisin dito sa school kahit anong oras? " - Naghehysterical na ako. Nakaupo lang ako. Pano ba naman ang laki ng taong toh! 6 footer yata to ei!
Hello? 5 footer lang ako nuh!
" Ikaw! Hindi mo man lang ako tutulungan dito? " - Sigaw ko sa kanya.
Nakatalikod kasi sya ei!
Transferee yata dito kaya di ako kilala.
Well, sampolan ko nga.
Tumayo ako.
" Ikaw! Gusto mo bang mapalayas dito? " - Sabi ko.
Humarap na sya.
" Kaya mo naman palang tumayo mag-isa ei, bakit pa kita tutulungan? " - Sabi nya. Ang kapal mo uy!
" Kahit na! Napaka mo naman! Sino ka ba? " - Tanong ko.
" Sya lang naman ang sikat na model ng bench dito sa school at marami syang tagahanga. So, will you leave my boyfriend alone? " - May parang kabute na sumulpot sa likod ko.
Humarap ako sa babae. Taenya! Muka naman syang hipon! Grabutal!
" Boyfriend mo sya? Bagay kayo day! Isang hipon at isang shokoy! Tarush! Sige mauna na ako kita na lang sa detention. " - Sabi ko.
Ako lang naman kasi ang nag-iisang babaeng anak nila Mama at Papa. At of course sunod sa luho ko si Tita. Wala kasi syang anak! At mahal na mahal ko sya! Mas mahal ko pa si Tita kaysa kay Mama!
" Miss, mag-sorry ka na sa girlfriend ko. " - Nakatalikod na ako nun ha! Tinawag pa ako!
Magso-sorry pa?
Duh?! Bahala sila jan!
Naglakad na ako papuntang bulletin board.
" Class III-A " - Ok.
Pumunta na ako sa room ko.
Hayyyyy! Buti na lang wala pa yung stalker ko.
STALKER! Speaking of nandito na sya.
" Ayisch! Miss na kita! May ibibigay nga pala ako sayo oh! " - Sabi ni Carl. Stalker ko sya since 1st year high school. Grabe noh? 1st year pa lang marunong nang mag-stalk.
" Ano na naman yan Carl! Palagi ka na lang may binibigay sa akin! Ano ba talagang gusto mo? " - Sabi ko.
" Sagutin mo na kasi ako! " - Sabi ni Carl.