Chapter 4: The Return of The Comeback
[ Justine's POV ]
I'm officially single now!
Haha!
Nasabi ko na sa lahat!
Nagpost na ako sa fb.
Bukas na rin ako papasok.
Syempre! Papasok ako para paghigantihan yung babaeng nagpasuspend sa akin!
Pero syempre maghahanda rin ako.
I'll be sure na magiging famous ako kesa sa kanya.
...
" Justine! Look! Ang ganda ng shades oh! Bagay sayo! Para naman mas gumwapo ka dun sa boyfriend ni demonya. " - Yeah, she put nickname on that stupid girl.
Demonya, kasi daw muka na daw syang demonya at masama pa ang ugali.
" Sige. Bilhin natin " - Lahat ng tinuro ni Julie ay binili ko.
Syempre! Tag-yaman ako ngayon!
Kaya I can buy what I want to buy!
Natapos na kaming mamili ng mga gamit ko.
Then, nasa isang fastfood chain kami. Jolibee ba yun!
Ahh basta!
" Look, di ba yun yung demonya? " - Sabi ni Julienna
" Oo nga noh? Pero may kasama sya! " - Sabi ko.
" Sya yata yung Drew! " - Well, gwapo naman pero mas gwapo ako.
" Oh sya pala yun! Yung classmate natin? "
" Yup! "
" Sila na ba? "
" Yup! "
" Ano? Naiisip mo ba ang naiisip ko? "
" Hehe ^__^v " - Ang naiisip ko lang naman ay lapitan yung dalawa at guluhin sila.
Di ba unique ng idea ko!
Mas unique pa sa pangalan ni Julienna.
" Tara! " - Tumayo kaming dalawa.
Lumapit kami sa kanila.
" Uhh, hello! " - Sabi ko
" Hello. " - Seryosong sabi ni Drew.
" Pwede ba kaming makiupo dito? Wala na kasing ibang upuan ei! Look! May mga tira pang pagkain dun! " - Sabi ni Julienna sabay turo sa lamesa namin.
" Palinis nyo tsss! Walang utak! " - Bulong ni Ayisch
" May sinasabi ka? " - Naiiritang tanong ni Julienna
" Ahh, wala. Sabi ko di na ba uso ang janitor/waiter ngayon at di nyo nagawang ipalinis yang lamesa na yan! Nang-iistorbo pa kayo! Mga leche! " - Wow! Amazona rin pala tong isang to!
" Sorry naman! Ikaw ang sama ng ugali mo! Akala mo maganda ka! Ang panget mo naman! DEMONYA! " - Sigaw ni Julienna
Tumayo si Drew
" Wala kang karapatang sabihan ng demonya ang girlfriend ko kasi hindi mo sya kilala. Mabait na tao yan si Baby Yisch at higit sa lahat! Nagbabago na sya. " - Nanggagalaiti na sabi ni Drew. Grabe pala tong magsyotang to! Brutal.
Well, bagay naman sila ei!
" Oh narinig nyo si Baby Drew! Lumayas na kayo! Shooooo! Ayun na oh! Nililinis na yung mesa! Kung ako sa inyo pumunta na kayo dun bago may mauna sa inyo. " - Sabi nung babae.