Nakakatakot.
Nakakatakot ma-adik sa isang tao.
Nakakatakot na baka masanay akong kausap siya.
Nakakatakot na baka mag simula akong mag hintay.
Nakakatakot na baka siya yung maging laman ng utak ko.
Nakakatakot na baka isang araw siya na laman ng puso ko.
Nakakatakot na baka makaramdam ako ng mga paru-paro sa loob ng tiyan ko.
Nakakatakot na baka siya na maging laman ng mga panaginip ko.
Nakakatakot na baka siya yung maging rason ng pag iyak at pag tawa ko.
Nakakatakot na baka puro pangalan niya ang nakasulat sa kwaderno ko.
Nakakatakot na baka mapuyat ako kakausap sakanya.
Nakakatakot na baka maka-relate ako sa mga love struck quotes.
Nakakatakot na baka siya na yung madalas na i-drawing ko.
Nakakatakot na baka makabisado ko yung ngiti at tawa niya.
Nakakatakot na baka siya na yung maging inspirasyon ko.
Nakakatakot na baka ako na yung sumalo ng mga luha niya.
Nakakatakot na baka siya na yung maging rason kung bakit ako bumabangon tuwing umaga.
Nakakatakot na baka matunaw ako sa mga oras na ngingiti siya.
Nakakatakot na baka mag kagusto siya sa iba at wala naman akong karapatan na pigilan siya.
Nakakatakot na baka hanggang kaibigan lang ako.
Nakakatakot na baka pag mahal ko na siya, may tinitignan na siyang iba.
Nakakatakot na baka mawala ako sa mga mata niya.
Nakakatakot na baka mag ka-totoo ang lahat ng ito. 🙈 🙉 🙊 🙏 🙅 🙆
BINABASA MO ANG
Quotes, Facts & Hugot
RandomGirls fact/Boys Fact Hugots "Tagalog" ☆☆☆ Read and Read! Vote and Vote! Comment and Comment! ☆☆☆ ©fb