40

39 2 1
                                    


Yung crush mo nung high-school mataba na ngayon.
Yung valedictorian niyo hindi na magkanda-ugaga sa 5 anak niya
Yung weirdo at tahimik sa klase rockstar na ngayon.
Yung nerd niyong classmate CEO na sa isang tech company.
Yung binubully at lagi niyong pinagtatawanan gym instructor na.
Yung Sgt. at arms niyo na si Bugoy, Bubble na ang pangalan ngayon.
Yung joker sa klase naging asawa na yung muse niyo.
Yung pala-absent niyong kaklase naging seaman at nalibot na ang buong mundo.
Yung salutatorian niyo may pwesto na sa palengke.
Yung babaero niyong kaklase nakalibing na ngayon. Nagkasakit kasi. Lumaki ang b_y_g.
Yung takot sa math, engineer na ngayon.
Yung laging nasa dulo dahil letter Z ang simula ng apelyido niya, wanted na ngayon.
Yung laging nasa unahan dahil letter A ang simula ng apelyido niya nasa Canada na ngayon.

Si Ma'am nakapag-asawa na ng foreigner at tumigil na sa pagtuturo. 😂👏

Ikaw ano na bang nangyari sa'yo? Ilang taon na rin pala ang lumipas. Marami nang nagbago. Yung mga taong akala mong walang mararating sa buhay sila pa yung mauunlad ngayon. Ibang klase din talaga makipaglaro ang tadhana. Napakarandom. Minsan nakakagago, minsan nakakatawa at higit sa lahat parang mood ng babae. Madalas hindi mo maintindihan. 😂😂

Quotes, Facts & HugotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon