20 (A long story)

138 5 3
                                    


PAALALA MAGDALA NG PANYO BAGO MAGBASA
.
"ALKANSYA"
.
SI dino ay isang batang kung tawagin ay batang pinag kaitan ng tadhana.sapagka­t buong buhay nya ay hindi nya nakamit ang pagmamahal ng isang magulang.
bunso sa tatlong magkakapatid si dino,ang panganay ay ang kanyang kuya Roman at ang pangalawa ay ang kanyang ate jenny.masagana ang kanilang pamumuhay nung una,masaya ang kanilang pamilya,ngunit nagbago ang lahat ng mangyari ang isang trahedya na hindi inaasahan.
isang umaga ay naglalaro si dino sa labas ng kanilang bahay,ng tawagin sya ng kanyang kuya,
dino halika sumama ka sa akin punta tayo sa bukid at magsuga tayo ng kalabaw,saad ng kanyang kuya roman,,sige kuya sagot naman ng batang si dino,,dahil gustong gusto nya ang sumakay ng kalabaw,
ng nasa bukid na sila ay kinuha na ng kanyang kuya roman ang kalabaw na nasa puno ng kamatsili, at pagkatapos ay sinakyan nila ito papunta sa ilog para painumin at paliguan,
matapos painumin at paliguan ay sinakyan uli nila ito para isuga sa may burol.
habang naglalakad at sakay sakay sila ng kalabaw ay biglang tumakbo ito hindi nila alam kung bakit.kahit anong pigil sa kalabaw ay qwalang hinto ito sa pagtakbo patungo sa direksyon sa may bangin,,
kaya ang ginawa ng kanyang kuya ay hinagis sya sa may talahiban para hindi gaanong masaktan ang batang si dino,tumalon din ang kanyang kuya roman ngunit napulopot ang tali sa kanyang kamay kayat natangay parin sya ng kalabaw.masukal­ sa gawing iyon ng bangin kayat hindi ito napansin ng kalabaw at nahulog ito
Ng matagpuan ng mga magulang ni dino ang kanyang kuya roman ay isa na itong malamig na bangkay..
labis na nalungkot ang kanyang mga magulang sa pagkawala ng kanyang kuya roman,ngunit mas lalo ang naramdamang lunkot ni dino sa pagkawala ng kanyang kuya,ito rin kasi ang madalas nyang kalaro,,
isang bwan ang lumipas matapos mailibing ang kuya roman ni dino ay isa na namang trahedya ang ngyari ,,
nang minsan nagluluto ang ina ni dino ay hindi sinasadyang natabig nya ang ilawang gasera,at nabasag ito at kumalat ang apoy sa kanilang kalan,na naging sahi ng pagkasunog ng kanilang bahay,
pagdating ng kanyang ama ay galit na galit ito kay dino,mula noon ay nag iba na ang turing sa kanya ng mga magulang nito,malas daw sya sa buhay nila,
pero hindi sya nawalan ng pag asa.nagsikap parin sya ,,lahat ay ginawa nya para sa mga magulang upang mapasaya ang mga ito dahil umaasa syang kapag nakatulong na sya sa mga magulang ay matututunan din syang mahalin
,hindi narin sya nag aral kasi ayaw syang pag aralin ng kanyang mga magulang.
sa murang edad ay natuto si dino na bumili at magtinda ng bote,ang kanyang ang kanyang kinikita ay binibili ng bigas at ulam sa pang araw araw,at ang natitira ay ay nilalagay nya sa kanyang alkansyang kawayan,ang kanyang higaang papag na yari sa kawayan ang ginawa nyang alkansya,nilala­gari nito ang bawat lawas nito para sidlan ng pera,
minsan ay ginabi si dino sa paghahanap ng bote sa mga karatig baryo,malayo na kasi iyon sa kanilang baranggay,kinai­langan nyang dumayo sa ibat ibang baranggay para makabilai ng bote,
san ka galing at bakit ginabi ka?galit na tanong ng ama nito habang hinuhugot ang kanyang senturon,,
naghanap po ako ng bote itay medyo malayo kasi ang napuntahan ko kaya ginabi ako,,katwiran ni dino sa ama nitong walang ginawa kundi maglasing
,ang sabihin mo naglakwatsa ka lintik kang bata ka galit na sambit ng kanyang ama,diba sabi ko sayo maaga kang uuwi at para pagdating ko ay nakaluto kna wika ng lasing na ama,,
pasinsya na po tay pagpapaumanhin nlang ng batang si dino.
ngunit hindi sya pinatawad ng kanyang ama pinadapa ito at saka pinag hahampas ng kanyang senturon,,labis­ ang pagmamakaawa ni dino ngunit hindi natinag ang ama nito,,tay tama na yan sigaw ng umiiyak na si jenny,sanhi ng pagkaawa sa bunso nyang kapatid,,ngunit­ ano ang magagawa nya sa isang lasing at walang awang ama.
Mabilis na lumipas ang panahon at heto binatatilyo na si dino,nagpatuloy­ sya sa panga ngalakal ng bakal at bote.minsan isang umaga ay napansin nya ang kanyang ate na malungkot kaya agad nya itong nilapitan,
bakit ate anong iniisip mo ?/?tanong sakanya ni dino ng lapitan nya ito at naupo sa tabi nito.
,wala naiisip ko lang kung magtutuloy ako sa kolehyo nextyear,
eh bakit hindi ate ?
paano wala tayong pera ani jenny,
malaki ba ang magagastos sa kolehiyo ate?tanong ulit ni dino,,
oo naman sagot naman ng kapatid,
magkano sa tantiya mo ate?
mga isandaang libong peso sagot ng kanyang ate jenny, ngumiti si dino sa kapatid,
o bakit ka ngumiti tanong ni jenny sa bunso,halika nga dito saad nito at saka niyakap ang kapatid
basta ako ang bahala ate basta ikay magtuloy sa susunod sa kolehiyo at mag iipon ako wika ni dino,
salamat ha alam mo mahal na mahal kita,wika ng kanyang ate pero debale nlang ipunin mo nlang yang pera mo para sa sarili mo,at balang araw kakailanganin mo rin yan at magagamit mo sa iyong sarili,sayang nga lang bunso hindi ka pinag aral nila inay at itay,hayaan mo pagka graduate ko ng highschool tutulungan naman kita,wika ng kanyang ate jenny,
basta ako ang bahala ate mag kokolehiyo ka para matulungan mo sila inay at itay ikaw nalang ang pag asa nila para makaahon tayo sa hirap kaya igagapang ko ang pag aaral mo dodoblehin ko ang pagtatrabaho para matugunan ko ang mga pangangailangan­ mo sa pag aaral mo ate,
,,napakabait mo talaga dino,kahit pinag mamalupitan ka nila inay at itay kapakanan parin nila ang iniisip mo,,e kasi ate wala silang aasahan sakin hindi ako nakapag aral kaya ate wag mo sila bibiguin,baka sakaling magbago ang tingin nila sakin,, at lumungkot ang mukha ni dino,
oh ano yan? bakit ka naman malungkot,hayaa­n mo kung sakaling makatapos nga ako lahat ng kikitain ko kapag nagkatrabaho ako ipupuhunan natin iyon para sa isang negosyo ikaw ang ang magmamanage nun,nakangiting­ si jenny,,sa mga nagdaang araw ay lalong dinoble kayod ni dino ang pangangalakal ng bakal at bote lahat ng mga liblib na lugar ay kanyang pinupuntahan upang makarami sya ng makalakal na bakal at bote,
dumating nga ang araw na pinakahihintay ng magkapatid,enro­lment na.buong akala ni jenny ay hindi na talaga sya makakapag aral,
ate diba ngayon na ang enrolment nyo bakit hindi ka mag enrol tanong ni dino,ng minsang magkausap sila isang umaga.
,wag na bunso wala tayong pera,ngumiti si dino pumasok si dino sa loob may kinuha syang panyo at binigay sa ate nito,
,ano ito wika ng kapatid?buksan mo ate ,,ng buksan ni jenny aba ang dami nito ah at binilang nila kung magkano lahat,,kulang kulang tatlumpong libo lahat,naipon mo lahat ito takang tanong ng kanyang ate jenny,dahil akala nya ay nagbibiro lang ang kapatid nya noon,,
,opo ate pinagsikapan kong ipunin yan para sa pag aaral mo ate para matulungan mo ang magulang natin kapag nakatapos ka,kaya pagbutihin mo ate ha,,nginitian sya ng kapatid,,opo kuya,,,sabay yakap sa kapatid ..
malaking tulong na nga ito sa pag aaral ko bunso,cge na ate itago muna yan baka makita pa yan ni itay kunin pa nya yan para pang inum lang,,ang bait mo talaga bunso pero kulang pa ito para makatapos ako sa pag aaral,,basta ate gamitin mo muna yan at ako na ang bahala sa kulang nyan,wika ni dino,,agad niyakap ni jenny ang kapatid,,,balan­g araw ako naman ang tutulong sayo bunso,,ok na ate mag bihis kna at mag enrol kna utos ni dino sa kapatid,
ng araw ding iyon ay unti unting biniyak ang bawat lawas ng kawayan na kanyang higaan na ginawa nyang alkansya sa halos mahabang panahon ng kanyang buhay.. para magamit ng kanyang kapatid sa pag aaral,kasalukuy­ang nililigpit ni dino ang mga biniyak na kawayan ng madatnan sya ng kanyang ama,,lasing na naman ito dina bago kay dino na laging lasing ang kanyang ama galit na galit ito ng makita ang wasak na papag na yari sa kawayan,dahil pinag bibiyak ni dino ang bawat bahagi nito na ginawa nyang alkansya,
,tarantado kang bata ka wala ka talagang ginawang mabuti sa pamilyang ito,sinira mo pa ang mga gamit dito sabay tadyak sa binatilyo tumilapon si dino sa lakas ng tadyak sa kanya ng kanyang ama.namilipit sa sakit si dino,ng makabangon ay sinuntok sya sa nguso sa katawan mukha at iba pang bahagi ng katawan,,bugbog­ sarado na si dino ng lubayan sya ng kanyang ama,at halos hindi maka tayo sa sakit ang binatilyong si dino,hinayaan lang ni dino na saktan sya ng ama nito para sa kanya sanay na ito sa pananakit nito..
ilang sandali pa ay dumating naman ang ina nito,imbis na kaawaan ang kalagayan ng binatilyo ay minura pa ito buti yan sayo hayup ka ano bang kademonyohan ang pumasok sa kukote mo at pinag sisira mo ang papag ,,hayop ka,,tandaan mo ha,mula ngayon sa lupa kna matutulog wika ng ina nito,putang inang yan malas talaga sa buhay natin yang batang yan sunod na wika ng ama nito at isa pang tadyak ang binigay sa binatilyo halos hindi na makakita si dino dahil bukol bukol ang mukha nito pati ang mga mata ay halos hindi na nya maimulat,putok ang nguso nito at puro dugo na ang lumalabas sa bunganga ni dino,na sya naman ang pagdating ng kanyan ate jenny,
Nay tay tama na yan ng makita ang ngyari sa kapatid,ano ba kayo bakit ano ba ang nagawang kasalanan ni dino sa inyo at ginaganito nyo sya sigaw ni jenny at hinarap ang mga magulang nito,
,ate tama na hayaan muna sila pilit na magsalita ni dino sa kapatid,,tumigi­l ka jenny ang kapatid mo na yan walang silbi,biruin mong sirain nya ang papag na higaan nya sigaw ng ama nito,,walang silbi ba ka nyo si dino,,o kayo ang mga walang kwentang magulang,,imbis­ na kayo ang nagtatrabaho para itaguyod ang mga anak ninyo pero ano ginagawa ninyo ha inay itay,,ikaw itay maghapon kang naglalasing,,at­ ikaw inay wala kna ginawa kundi magsugal,,sinu ngayon ang walang silbi ,,alam nyo mas may silbi si dino kesa sa inyo sigw na ni jenny sa mga magulang nito,at umagos na ang luha sa mga mata nito,,bunsod narin sa matagal na pagtitimpi at hinanakit sa mga magulang at pagkaawa sa sinapit ng kapatid ay nagkaroon na ng lakas ng loob si jenny na harapin ang mga magulang,
,tumigil ka bastos ka ah at akmang sasampalin ng kanyang ina si jenny,,ngunit matapang si jenny hinarap nya ang kanyang ina,,sege bugbugin nyo rin ako katulad ng ginawa nyo kay dino
sigaw ni jenny ngunit hindi naituloy ng kanyang ina,
,bakit hindi nyo ituloy ha nay itay diba too lahat ng sinasabi ko ..wala kayong kwenta,,diba kayo naawa kay dino buong buhay nya wala syang hinagad kundi mahalin nyo sya at ituring na anak ngunit ano ginawa nyo,ginawa nyo syang alipin,,anong kwenta kayong magulang,,buti pa nga si dino may pangarap sakin gusto nya ako makatapos sa pagaaral kaya nag ipon sya para sa pag aaral ko eh kayo may pangarap ba kayo samin,
,tuluyan ng bumagsak ang luha ni jenny,
,anong pinag ipunan ang sinasabi mo wika ng ama,ni hindi nga yan makabili ng damit nya,
,,oo hindi sya makabili dahil kinukuha nyo pangsugal at pang inum ang kinikita nya
,ngunit ganun pa man nakapag ipon parin sya,katunayan nakapag paenrol na ako kanina at heto ang perang inipon nya
at binuklat ni jenny ang panyo at tumambad sa mga magulang nito ang perang nakabalot sa panyo,,o hayan baka gusto nyo kunin pang inum at pang sugal o hayan kunin nyo
iyak na sambit ni jenny at saka muling niyakap ang kapatid,unti unting gumapang si dino patungo sa kanyang silid may kinuha ito na nakalagay sa may tela na parang punda ng unan,,limang puro puno ng baryang coins ang mga nakabalot sa mga tela na iyon.mga tig sasampong piso at tig lilimang piso ang mga coins na iyon,
tay nay ito ang dahilan kung bakit ko sinira ang papag pautal na sambit ni dino,ginawa ko kasing alkansya ang higaan ko para po sana sa inyo iyon para naman po kahit papaano maisip nyo na mahal na mahal ko kayo inay itay,kahit madalas nyo akong saktan,dahil gusto kung maramdaman kahit kunti ang pagmamahal nyo inay,kahit konti po at umiyak ng umiyak si dino,,pero mas kailangan po ngayon ni ate ang pera para sa pag aaral nya ng nangangatal si dino,hindi makaimik ang dalawang mag asawa ng makita ang dami ng perang nas harapan nila,hindi nila akalain na makakaipon ng ganong karami ang anak na tinuring nilang malas,
tila nabuhusan ang dalawang mag asawa ng malamig na tubig at tila natauhan sa mga ngyari
.tumulo ang luha ng kanyang ina tila naisip ang mga nagawang kamalian.ang kanyang ama ay tumalikod bigla at umalis ng bahay.
patawarin mo kami anak kung sinisi ka nmin sa lahat ng ngyari,ang laki pala ng pagkukulang namin sayo,
sambit ng umiiyak na ina ni dino,hayaan mo mula ngayon magbabago na kami ng tatay mo babawi ako sayo anak,,labis ang kasiyahang naramdaman ni dino ng marinig sa kanyang ina ang tawagin syan anak,,
mula noon ay nagbago na ang kanyang mga magulang,huming­i din n kapatawaran ang kanyang ama,mas pinagbuti pa ni dino ang pagtatrabaho,hi­ndi narin uminom ang kanyang ama,at hindi narin nagsugal ang ina nito.lahat sila ay nagtulong tulong para makatapos ang kapatid ni dino na si jenny,nagtapos si jenny bilang hotel and restauran management at nakapagtrabaho sa australia si jenny,ng mga ilang taon.ng makaipon ay umuwi ito sa pilipinas at nagtayo na sila ng junkshop sa kanilang bayan,,,ngayon ay sila ang may pinakamalaking junkshop na si dino ang namamahala dahil ito ang kanyang kinasanayang hanap buhay sa kanilang lugar,at si jenny naman ay may sarili na syang restaurant,natu­pad na ni dino ang kanyang pangarap at wala na syang mahihiling pa,kahit na mayaman na sya ay patuloy parin ang kanyang kababaang loob sa mga tao,kung kayat lalo pang pinagpala ang dating batang namamalimos ng pagmamahal ng isang magulang,,
Kayat tayo pong mga magulang pahalagahan po natin ang kayamanang bigay bsatin ng ating poong maykapal, walang iba kundi ang ating mga ANAK,,iparamdam­ po natin ang pagmamahal at suporta para sa kanila ng sa ganun ay wag silang mapariwara,gaba­yan po natin sila tungo sa mabuting landas,sana po ay kapulutan natin ng aral ang kwentong ito,tandaan hindi kailanman magiging hadlang ang kahirapan para tayo ay umasenso,gaya ng ginawa ni dino..kailangan­ lang nating magsumikap at manalig sa poong maykapal..
GOD IS GREAT
.
END

Quotes, Facts & HugotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon