Sa isang computer shop, makikita ang isang babaeng nanggagalaiti sa napaka-sweet na picture ng sikat na loveteam, ang MaeDy.
BANTAY: PC no.3, time na. Extend ka pa ba?
BABAE: Nakakainis talaga. Kailangan masiraan ko siya. Hindi sila pwedeng magkatuluyan. She deserves someone better. Naks english. Haha nosebleed ako dun ah. Sana tama grammar ko. Hihihi.
Namatay ang computer.
BABAE: What the hell?! (Yehehes nagamit ko rin!)
BANTAY: Sabi ko, time na. Di ka naman nagpa-extend.
BABAE: Balik nalang ako bukas pag may sobra sa pera ko. Huhu.
Kinabukasan, bumalik ang babae na papangalanan na natin ngayon dahil di naman sya asong kalye. Ang nickname niya ay Kiki. Alam ko iniisip mo. Wag ka nga.
KIKI: Kailangan kong bumuo ng grupo ng mga nagmamahal kay Mae at dapat galit sila kay Andy! Di sila pwedeng magkatuluyan!
PEPAY: Bat ka nagsasalita mag-isa jan?
KIKI: Kasi baliw ako! Teka, anong pangalan mo?
PEPAY: Pepay. Ayan oh, nakasulat sa script. Basa-basa rin pag may time.
KIKI: Okay. Galit ka ba kay Andy?
PEPAY: Shempre. Diba bumubuo ka ng grupo? Kaya ako pinasok sa eksena para maging kakampi mo. Singaw lang ako sa hangin.
KIKI: Ah okay. Hanap pa tayo ng iba.
At pagkatapos ng maraming linggo ay nakabuo si Kiki ng grupo niya. Sila ang sobrang loyal kay Mae pero galit sila kay Andy. Hindi ko na i-eexplain kung bakit dahil kahit ako, di ko alam.
Nasa loob sila ng maliit at madilim na hideout. Pumasok si Kiki na may dalang baul.
KIKI: Para tuluyan na kayong makapasok sa grupo ko, kailangan ay 1. Galit kayo kay Andy. Basta galit kayo sakanya. 2. Kailangan bantayan niyo lahat ng galaw niya at gawan niyo ng butas at 3. Kailangan mangolekta kayo ng mga pruweba ng pagiging fake niya.
PEPAY: Sayang wala sa Birth Certificate niya kung saan naghoneymoon ang mga magulang niya.
KIKI: Ano namang pake ko sa honeymoon nila?
PEPAY: Para malaman natin kung made in China ba sya. Ahihihihihihihi.
JUPEKS: Waw. San mo nakuha yun, Pabs?
KIKI & PEPAY: Teka, sino ka?
JUPEKS: Edi yung bagong character ni Pabs.
KIKI: Sino si Pabs?
(voice over) ANG INYONG KONSENSYA
KIKI: Wow, I'm sacred.
PEPAY: *scared
Nilapag ni Kiki sa sahig ang baul na dala niya.
KIKI: Buti naman pinalapag na ng writer tong baul. Bigat ha.
Laman nito ang mga picture ni Andy. Kinuha ni Pepay ang isang punit na page ng isang magazine na may kuha ni Andy.
PEPAY: Grabe, ang bakla talaga.
JUPEKS: Ano namang bakla jan? Nakatayo lang naman sya.
PEPAY: Kakampi ka ba namin?
Binulungan ni Kiki si Pepay.
KIKI: Beks, bantayan mo yang si Jupeks, ha. Gusto ko buong-buo ang galit kay Andy. Gusto ko pag sinabing bakla, bakla! Pag sinabing may ibang babae, may ibang babae!
PEPAY: Eh kala ko ba bakla tapos may ibang babae? Ano ba talaga?
KIKI: Wag ka nang magtanong. Wala tayong sense. Basta galit tayo, okay?!
....
KIKI: Gusto ko, ikalat niyo tong nga picture na to. Etong mga naka liyad si Andy. Yan! Yan! Yan! Ikalat niyo yan at sabihing bakla siya! HUAHUAHUAHUA
JUPEKS: Kelangan ihagis yung mga picture?
PEPAY: Para convincing yung drama!
JUPEKS: RT this. Spread. CTTO.
KIKI: Di tayo gagamit ng CTTO dahil hindi natin alam yun!
At ikinalat na nila ang walang kamatayang balitang bakla si Andy.