Sasha
Kami nalang ang naglalakad ngayon nina Regine, Diana, at Carol. Malapit lang ang bahay nina Nichole sa school kaya naman siya ang unang nakauwi. Medyo malapit lang din naman 'yong bahay no'ng mag-sisters dito kaya nakauwi na rin sila. Si Judy naman, nakasalubong namin 'yong kotse nila, pinapasundo na siya kaya ayon, sumakay na at iniwan kami. Dapat kasi hinatid na rin niya kami sa amin eh. Daya no'n.
"Dito na ako." Paalam ni Regine nang marating na namin ang kanto nila. Mababawasan na naman kami. Bakit ba kasi ang layo ng sa amin? Pero hayaan na, sunod na 'yong kanto namin n'yan. Mga apat na kanto nalang. Si Carol ang pinakamalayong bahay sa amin maliban kay Judy. Kawawa siyang maglakad mag-isa mamaya.
"Sige." Sagot ni Carol.
"Ingat." Sabi ko naman.
Kumaway naman sa kaniya si Diana. Nagpatuloy kami sa paglalakad.
"So... kelan tayo maga-outing?" Tanong ni Carol.
"Ewan." Walang anu-anong sagot ko.
"Pag-usapan nalang natin 'yan kapag kumpleto na tayo." Sagot naman ni Diana. Napatango nalang si Carol.
"Sasha!" Napahinto kami sa paglalakad at napalingon nang may tumawag sa pangalan ko. Nakangiting kumakaway papunta sa amin ang isa sa mga kaklase namin.
"Maggie." Pagbanggit ko sa pangalan niya. Ngumiti ako at gano'n din naman siya.
"Sabay na ako sa inyo." Nakangiting sabi niya nang makalapit sa amin.
"Okay." Sagot ko. Tumango naman ang dalawa.
"Ang bilis ng panahon 'no? Gagraduate na nga tayo." Aniya habang naglalakad. "Ano balak niyo pagkagraduate?"
"Hmm..." nag-isip muna ako ng pwedeng sabihin, ano bang balak namin pagkatapos ng graduation? "Maga-outing kami." Masaya kong tugon. Napansin ko naman na biglang napalingon sa akin sina Diana at Carol. Tinignan ko sila na may halong pagtataka.
"Oh? May outing kayo? Saan? Kailan?" Sunod-sunod na tanong niya.
"Wala pang exact date at lugar." Agad sagot ni Carol.
"Ah... ilan kayo?"
" 'Yong grupo namin." Sagot uli ni Carol. Tumango-tango naman si Maggie.
Matapos no'n ay napatahimik kami saglit. Napansin kong nandito na pala kami, ilang hakbang nalang ay kailangan ko nang lumiko. "Uhm guys, dito na pala ako." Paalam ko nang marating na namin ang kanto namin.
"Sige. Bye Sasha." Paalam ni Diana habang kumakaway.
"Sige." Sabi naman ni Carol.
"Dito na rin ako dadaan." Nagulat ako nang nagpaalam na rin si Maggie sa kanila. Mukhang nagulat din ang dalawa.
Agad niyang ikinalawit ang kanang kamay niya sa kaliwang kamay ko, at hinila na ako papasok sa kanto.
Kumaway nalang ako ulit sa dalawa kong kaibigan na hanggang ngayon ay nakatingin sa amin. Kapit na kapit sa braso ko si Maggie, ayaw niya atang mawalay sa akin.
"Hindi ba sa pangalawang kanto ka pa?" Tinignan ko si Maggie at nagtanong habang naglalakad. Ang alam ko kasi, dalawang kanto pa ang layo ng bahay nila sa amin. Kaklase ko kasi siya noong elementary. Baka naman lumipat na sila?
"Ah, oo." Sagot niya. "Mas okay kasing may kasabay."
"Kasabay mo naman sina Diana at Carol ah."
"Hindi ko sila close eh."
"Ah..." Napatango nalang ako. Sabagay, close ko kasi lahat ng classmates namin, hindi man close na close, at least kinakausap ko naman lahat. Sila kasi hindi friendly na katulad ko.
Ilang sandali ay tinanong-tanong niya ako tungkol sa outing namin. Kung saan at kailan. Hindi pa naman sure kung kailan pero baka isang linggo matapos ng graduation. Gusto raw niyang sumama.
"Tatanungin ko muna sila." Sagot ko, sakto namang nasa harapan na kami ng bahay ko.
"Sige." Aniya at saka kumaway. "Sana pwede." Matapos sabihin no'n ay nagpatuloy na siya sa paglalakad, pinagmasdan ko siya habang unti-unting lumalayo. Pagkaliko niya sa kanto ay pumasok na ako sa amin.
Agad na sumalubong sa akin si Sunshine, ang bunso namin. "Ate." Niyakap niya ako. Sumunod naman si Sharon, ang pangalawang bunso.
"Uy, hindi ako makalakad." Sabi ko habang pilit na humahakbang kahit na nakaharang sila't yakap ako. Tawa lang sila ng tawa. "Hindi ko kayo bibigyan ng candy sige kayo." Panananakot ko.
Agad naman silang bumitaw. "Si Shine-shine kasi." Tinuro ni Sharon si bunso.
"Eh ikaw kaya."
"Pag nag-away kayo lalong hindi kayo mabibigyan." Nanahimik naman sila at pumasok nalang sa loob saka umupo sa sala.
Naroon si Samson, naglalaro ng kan'yang cellphone as usual, wait... may ka-text ata siya? Pangiti-ngiti eh.
"Sino 'yan?" Tanong ko sabay kuha ng cellphone niya.
"Uy! Akin na 'yan." Pilit niya itong kinukuha pero hindi ako nagpatalo. "Ate naman!"
"Jasmine?" Tanong ko at tinignan siya.
"Classmate ko." Tipid niyang sagot. "Akin na nga." Mabilis niyang inabot ang phone pero masmabilis ako. Agad ko itong binaba at itinago sa likod ko.
"Classmate lang? Sure ka?" Tinitigan ko siya sa mata. Hindi siya makatingin ng diretso sa akin.
"Bakit ba kasi. Akin na!"
"Eh bakit may 'I miss you'?" Biglang namula ang kan'yang pisngi. Natatawa ako sa itsura niya. Hindi ko namalayan na naabot na pala niya ang phone. Agad niya itong binulsa at saka pumunta sa k'warto niya. Narinig ko pang ni-lock niya ang pinto.
"May girlfriend na ata si kuya, ate." Napalingon ako kay Sharon. Aba, may nalalaman na siya tungkol sa mga gano'n?
"Oo nga ate." Sang-ayon naman ni Sunshine. Aba, magkasundo na sila.
Pero ha? Girlfriend? Inunahan pa ako? Aba, sabagay gwapo kasi kapatid ko, pero hindi pa pwede! Ako nga kahit maraming nagagandahan sa akin, hindi ko nalang sila pinapansin. Ang bata pa niya luma-love life na. Thirteen palang siya ah. Dinaig pa akong isang sixteen years old pero single pa rin, and take note NBSB ako. Humanda siya mamayang pagkalabas niya ng k'warto.
Apat kaming magkakapatid, at ako ang panganay. Hindi man halata dahil sa baby face ko pero 'yon ang totoo. Pumasok ako sa k'warto namin nina Sunshine at Sharon. Dalawa lang ang k'warto namin sa bahay. Isa sa amin nila Sunshine at Sharon, at 'yong isa naman para kina Tatay at Samson. Wala na si Nanay, nasa langit na siya. Pero alam kong hanggang ngayon ay binabantayan niya pa rin kami.
Tinapon ko ang bag ko sa kama, sunod naman ang sarili ko. Gusto ko nang matulog. Sana makatulog na ako. Nagpagulong-gulong ako hanggang sa matamaan ang paa ko sa pader. Sakit. Humiga ako at tumingin sa taas. Kita ko ang yero sa bubong namin, hindi pa kasi nakakisame itong bahay namin. Pero kahit ganito lang ito, hindi ko pa rin ito ipagpapalit sa iba. Lalo na at nandito ang pamilya ko. Sabi nga nila, "There's no place like home." Napangiti ako habang iniisip ko sila, ang pamilya ko.
At hindi ko na namalayan, natupad na pala ang hiling kong makatulog.
***
Vote. Comment.
Thank you.«« Janeleven »»

BINABASA MO ANG
GOOD BYE (Revising)
Mystery / ThrillerA story about a group of friends but... are they really friends? Will they be the reason that their life might end without even saying "Good bye"?