Practice

79 10 7
                                    

Malamig ang gabi, malapit nang umulan. Maririnig mo na rin ang malalakas na kulog kasama ng mga kidlat. At sa pagkidlat, namukhaan ni Kristy ang taong nasa harapan niya. May hawak iyong isang bilog na may mga tali sa ibabaw. Sa muling pagkidlat, nanlaki ang mga mata niya nang makita ang hawak nitong bilog. Isang ulo, ulo ng isang babae, ulo ng kanilang kaibigan.

“I-ikaw?” Manginig-nginig na tanong ni Kristy. “John… bakit?”

Ngumiti si John. Itinaas niya ang ulo hanggang sa magkatapat ang mga mukha nila. Tinignan niya ito at muling humarap kay Kristy. “Ang ganda niya, hindi ba?” Nakakatakot ang kaniyang mga ngiti. “Pero sa tingin ko masmaganda ka, Kristy.”

Nangilabot ang dalaga. Gustuhin man niyang tumakbo ay hindi na niya magawa. Tila napako na ang mga paa niya sa kan’yang kinatatayuan. At sa kan’yang pagkurap, nakita niyang mabilis na sumugod sa kan’ya si John, may hawak itong kutsilyo.

Kasabay no’n ang isang maiksing sigaw.

“Ano ka ba!?” Inis na tanong ni Kreistel kay Maggie nang gulatin ito mula sa kan’yang likod.

Natatawang sumagot ang kaibigan. “General practice na oh, kung anu-ano pa ginagawa mo.” Tinignan niya ang cellphone ni Kreistel. “Ang hilig mo talaga sa mga ganyan.”

“Inggit ka lang kasi.”

Pumamaywang si Maggie. “Magpractice na daw tayo.” Saka niya hinila ang kamay ng kaibigan papunta sa p’westo nila.

Karren

Biyernes na ng hapon. Narito kami ngayon sa covered court ng aming school. Nagpa-practice kami para sa graduation. Lahat ay busy, busy nga ba? Haha. Ilang araw na rin kaming nagpa-practice. At ngayon na talaga ang seryoso, last na namin ‘to, general practice sabi nga nila. Ang bilis talaga ng panahon.

Nakaupo kami sa mga bleachers sa gilid ng court at hinihintay ang iba pa naming classmates at batchmates. Pa-importante pa kasi ang mga ‘yon. Gusto nila sila lagi ang hinihintay. Hays…

Tahimik ang paligid, walang ibang ingay kundi ang mga huni ng ibon. Nakakaantok. Wala na rin kasing masyadong pumapasok ngayon. Ang iba kasi in-advance na ang bakasyon nila. Haha.

“Graduation na nga sa lunes, ang bilis talaga ng panahon no.” sabi ni Diana. Nakaupo s’ya habang nakapatong ang kan’yang mga siko sa tuhod at nakapatong naman ang kan’yang baba sa mga palad.

“Oo nga. Parang kahapon lang nang mag-enroll tayo ah.” Sang-ayon naman ni ate Lauren na katabi n’yang nakaupo. S’ya ang kaisa-isa kong kapatid, at kaklase ko s’ya. Pero masmatanda s’ya sa’kin ng isang taon. Hindi kasi s’ya agad nag-high school. Ewan ko ba sa kan’ya. Hinintay pa talaga ako para mag-aral. Hahaha.

“After 4 years, ga-graduate na rin tayo.” Sabi naman ni Nichole na abot tainga ang ngiti. Tila kumikislap ang kan’yang bilugang mga mata.

“Mamimiss ko kayong lahat.  Mga kaibigan kong loko-loko, mga teachers natin na napakalupit, mga classmates kong napakagulo, at itong school na ’to. Mami-miss kong lahat.” sabi ni Sasha na para bang naiiyak na. Tears of joy ba ‘yan? Nasa tapat pa ng kan’yang puso ang kan’yang kamay.

“Ang OA mo naman, ‘di ka pa naman mamamatay ah.” Sabi ko. Kung maka-miss kasi akala mo mawawala na s’ya.

“Kaya nga. P’wede ka namang pumunta dito whenever you want.” saad ni Judy na naka-ekis pa ang mga kamay.

“At kailangan pa ba talagang i-describe kami na loko-loko?” tanong ni Regine. Mukhang galit ata s’ya ah. Haha. Always serious kasi ‘yan.

“Ehehe.. bakit ba? Graduation na nga ‘di ba? Haha.” Pilit na pagtawa ni Sasha.

GOOD BYE (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon