See You

46 8 6
                                    

Lauren

Araw na ng graduation.

Ang mga estudyante ay excited na sa kanilang pagtatapos. May mga ilan na nalulungkot dahil ito na marahil ang huling araw nilang magkakasama ng mga kaibigan. S'yempre, ako din naman. Halo-halo ang emosyong nararamdaman ko ngayon. Nag picture-an pa ang mga iba bago ito magsimula.

Malinis ang loob ng campus. Maayos ang lahat. Ang ganda. May mga bulaklak sa stage at sa gilid ng hagdan nito, at may kurtina pa itong kulay puti at maroon. Natanaw ko sina Mom at Dad na nakaupo sa bleachers malapit sa stage. Nginitian ko sila ngunit hindi ata ako napansin.

Nandito kasi kami ni Karren at hinihintay ang iba pa naming mga kaibigan sa isang gilid.

"Napaaga ata tayo ah." Sabi ko. Ang tagal naman nila.

"Hindi ah, sakto lang ang pagpunta natin. Late lang talaga sila." Sabi naman n'ya saka tumingin sa kan'yang cellphone para tignan ang oras. "Tignan mo oh." Pinakita n'ya sa akin ang kan'yang phone. Meron pang 5 minutes bago magsimula ang ceremony.

"Lauren!" Napalingon ako nang marinig ang pangalan ko, nang marinig ang boses ni Wilson. Ang gwapo n'ya.

"Oh?" tanong ko pagkalapit n'ya sa akin.

"Ang ganda mo ngayon ah." kusang ngumiti ang mga labi ko nang sabihin n'ya 'yon.

"Thank you." Sasabihin ko rin sanang gwapo s'ya pero

"Ate, ibig sabihin no'n hindi ka maganda dati." Sabi ni Karren habang niyakap ang braso ko.

"Ha?" saka ko tinignan si Wilson na parang gulat. "Totoo ba sinasabi ng kapatid ko?"

"Uy hindi 'yon totoo, 'wag kang maniwala d'yan sa kapatid mo. Dati pa man, maganda ka na." Sagot n'ya, hindi ko maiwasang ngumiti.

"Weh?" parang batang sabi ni Karren. "Matagal ko nang kilala 'yan ate. Maniwala ka sa 'kin."

"Oy Kar, ikaw. Tumigil ka nga. Suntukan nalang gusto mo?" Panghahamon ng boyfriend ko. Pakiramdam ko tuloy pinag-aagawan ako ng dalawang lalaki.

"Subukan mo." Matapang na sagot ni kapatid.

"Tama na nga 'yan. Parang kayong bata." Pag-awat ko sa kanila. Gan'yan talaga ang dalawang 'yan. Best friends 'yan eh. Close na sila bago pa ako dumating dito. Bago pa man nila ako nakilala.

"Bata pa naman ako ah. 'Di ba ate?" Tanong sa 'kin ni Karren.

Napatawa ako ng bahagya. "Oo no, bata ka pa sakin." Sagot ko saka ko s'ya niyakap.

"Isip bata." Parang akong nabulunan sa binulong ni Wilson. Tumatawa ako sa aking isip, baka kasi isipin ni Karren tinatawanan ko s'ya.

"Ano?" Galit na tanong ni kapatid. Ayan na naman sila.

"Wala. Ang sabi ko ang ganda mo."
Ngumiti nalang ako kay Wilson, gano'n din naman s'ya sa akin. Buti nalang at naisipan n'yang 'wag nang awayin si Karren.

"Karren!" Narinig naming tinawag ang pangalan ng aking kapatid. Si Miguel pala.

"Uy, Miguel, wala ka ata kahapon ah?" Tanong ni Karren nang makalapit na s'ya sa amin.

"Oo nga eh, 'di na ako nakapunta, may lakad kasi kami ng parents ko eh." sagot n'ya. General practice pa naman kahapon.

"Oh alam mo na ba kung anong gagawin?" Tanong ko.

Tumingin s'ya sa kan'yang kaliwa. "S'yempre. Hehe." Alanganing sagot n'ya.

"Sure ka? Baka mamaya kung anong gawin mo't magkalat ka pa." Napansin din siguro ni Wilson ang pag-aalangan nito.

GOOD BYE (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon