Now she's here1

23 0 0
                                    

Prologue:
Naiinis ako kapag may mga taong nangangako pero hindi nila tinutupad
Sa ganitong klase ng mundo i think its better to just trust yourself
Trust no one if you dont want to get hurt
At pag sinabi kong no one. Talagang wala!

She promised me that she'll never leave. But one day nag simula nalang akong magising na wala na siya sa tabi ko. Iniwan niya ako ng walang paalam
Pero what if she's back
What if now she's here?

CHAPTER ONE
Nakahiga pa rin ako sa kama ko at naghihintay ng himala biro lang. Kanina pa ako nakapag ayos. Pero masyado akong maaga kaya tumambay muna ako sa kwarto at nirerelax yung sarili ko habang nakikinig ng kanta. Ito yung palagi kong gustong gawin. Buti nalang nga hindi nasisira yung tenga ko kasi naka full yung volume ko palagi. Ayoko kasing marinig yung mundo. Punong puno ng kanta yung phone ko kadalasan hindi ko na nga alam yung title ang importante masarap siya sa tenga. Tinignan ko yung orasan ko sakto lang yung oras para bumangon na ako at simulan ng pumunta ng school. Lumabas na ako ng kwarto ko at dire diretso na sana hanggang sa labasan ng bahay namin pero nasita nanaman ako ni mama "kiel nicko hindi ka nanaman kakain?"- si mama tinignan ko naman siya nun. Nakalimutan ko nga palang sabihin na nakatanggal yung isa kong earphone sa tenga kasi nga baka may pahabol si mama gaya nito
"Di na ma aalis na ako"- sabi ko tapos tuluyan na ngang binuksan yung pinto at nung tuluyan na akong makalabas napairap ako sa ere. Kahit naman lalaki ako marunong ako umirap tapos bumalik ako. Hindi ko pala nakiss si mama. Nilapitan ko siya nun nasa kitchen siya. Suot niya pa yung paborito niyang apron. Nakatingin lang siya sakin habang palapit ako sakanya. Hinalikan ko na siya sa cheeks "bye ma"- ako sabay takbo na palabas. Sinimulan ko ng mag antay ng dadaang taxi. May sasakyan kami pero hindi ako pinapayagang mag drive. Tyaka si papa yung nag dadrive non hindi ako nakikisabay sakanya kasi mas late yung oras ng pag alis niya. Nilagay ko na yung earphone na nakatanggal sa tenga ko kanina. Ramdam ko yung hangin na nagmumula sa kung san. Napapapikit pa ako sa ganda ng pakiramdam nung tugtog sa tenga ko habang ramdam ko yung hangin.
Saglit lang ako nag antay maya maya may taxi na rin.
Grade 11 na ako sa beurasmith university. Last week lang nag start yung klase namin.
"Beurasmith university ho kuya"- sabi ko sa driver ng taxi.

15 mins lang naman yung byahe papunta sa school ko. Kaya maya maya pa e nasa tapat na nga ako ng gate ng napakalawak na university na to. Buti na nga lang hindi ako nawawala dito siguro dahil dalawang lugar lang naman ang pinupuntahan ko dito. Sa court ng school tyaka yung classroom ko pag pasok ko ng gate diretso lang yung lakad ko. Nakikita ko yung ibang mga student na masayang nakikipag kwentuhan sa mga kaibigan nila at napapailing nalang ako. Hindi ko naririnig kung anong pinag uusapan nila kasi nakasalpak pa rin yung earphone sa tenga ko. At ang lakas nga kasi.
Kaunting lakad lang naman tapos nakarating na ako sa classroom ko. Ibinaba ko yung bag ko. Tas dinala ko dun yung cap ko na sinabit ko dun kanina tas isinuot ko yun ng pabaliktad tapos nag lakad na ako papunta ng court hindi ako nakikipag laro ng umaga nanonood lang ako. Pero pag hapon madalas pag wala ng tao o kakaunti nalang dun ako nag lalaro.
Hindi naman ganun kalayo yung court kaya nakarating na ako agad.
Kung itatanong niyo ako kung may kaibigan ba ako dito? Wala .kahit lalaki wala siguro sila turing sakin kaibigan pero ako wala. Kilala ko sila sa mukha sa pangalan pero hanggang dun lang.
Naupo ako sandali doon sa gilid ng court habang pinapanood sila  maya maya may lalaking lumapit sakin habang pinapatalbog talbog pa yung bola may sinasabi siya pero d ko agad narinig kaya tinanggal ko yung isang earphone ko at binigyan siya ng tingin na nag sasabing hindi ko nagets yung una niyang sinabi inulit naman niya
"Sali ka?"-  si Eric . humindi naman ako tas ibabalik ko na sana yung earphone sa tenga ko nung marinig kong mag salita yung babaeng palagay ko nasa likod ko lang

"Yun yung nag shoot siya yung bestfriend ko nung nasa 4th yr pa ako."- sabi nung babae
Tss napailing nalang ako tas sinalpak yung earphone .
Bestfriend? Sometimes i found myself asking kung bakit kailangan nila ng bestfriend na alam naman nilang hindi mag stay ng habang buhay sakanila. Imposible yun!
Nag focus nalang ako sa kantang pinapakinggan ko. Hirap ng may maalala pa.

Now She's HereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon