CHAPTER THREE
Nagising nalang ako ng sobrang liwanag sa labas. Aninag yung araw kasi glass yung pinto ng kwarto ko palabas ng terrace. Chineck ko yung phone ko kasi nataranta ako sa liwanag nakita ko yung date sabado nga pala ngayon. Buti nalang. Nung dalawin kasi ako ng antok kagabi nakatulog nga ako pero masaklap kasi nanaginip naman ako ng hindi maganda. Hindi siya nkakatakot pero para sakin hindi yun maganda. Hindi ko maintindihan yung sitwasyon. Ang naiintindihan ko lang yung nararamdaman ko sa panaginip na yun na pakiramdam ko dala dala ko na hanggang sa magising ako
Napanaginipan ko si shantall. Sakit na sakit siya dahil sa mga nangyayare sa kanya tas dun sa panaginip nakikihati ako sa sakit na nararamdaman niya sa panaginip ako uli yung lalaking may paki sakanya. Ako yung lalaking parang kilalang kilala na siya. Tss napailing ako. Ayoko naa bakit ba iniisip ko yung bagay na yun! Pumasok naman na ako sa cr ko nun para mag toothbrush at mag hilamos tapos bumaba na ako para mag goodmorning kila mama wala silang pasok ngayon. Kaya kadalasan bonding time naming tatlo pag sabado pag linggo naman pumupunta kami ng church tapos pag dating ng hapon madalas pumupunta kami sa bahay ampunan para mag pa kain ng mga bata dun. Nakasanayan ko na yung ganun.
Pag baba ko pumunta na ako ng kitchen nakita ko naman si mama at papa dun
"GoodMorning baby boy.- bati ni papa nginitihan ko nalang siya ng mapait dahil sa pag tawag niya sakin ng baby boy
Napansin kong nakabihis sila
"Ma bat kayo bihis"- tanong ko naman.
"Pupunta tayo sa bahay nila tita birthday ng bunsong kapatid ni clark"-si mama tumango naman
"Magready ka na aalis na tayo maya"- sabi ni mama
Tumango naman ako. Tapos naglakad na ulit pabalik ng kwarto ko. Tapos diretso banyo tapos syempre naligo na ako.
Pag tapos namili nalang ako ng kahit anong pwedeng suotin. Madalas ang kulay lang ng damit ko blue o kaya black o kaya white minsan tuloy mukha akong hndi nag bibihis. Napili kong mag suot nalang ng maong na blue polo tas sa loob white shirt tapos black pants. Tapos kahit anong sapatos nalang na madampot ko tas kumuha ako ng cap tas sinuot ko na yun tas kinuha ko na yung earphones ko pati yung phone.
Tapos nag lakad na ako pababa papuntang sala. Naisip kong baka andun na sila mama at inaantay ako hindi naman ako nag kamali. Nakaupo si papa dun nag babasa ng news paper. Tapos si mama nakaupo lang dun
"Im ready"- sabi ko. Tinignan naman nila akong pareho tas tumayo na sila tas nag lakad na si papa palabas
"Big boy can i drive?"- sabi ko kay papa
Tinignan naman ni papa si mama nag nod naman si mama
"Love you ma"- ako sabay salo sa tinapong susi ni papa sakin tapos inunahan ko na sila lumabas
Syempre nauna na nga akong sumakay nakasunod lang naman sila. Nung nakasakay na silang pareho sinimulan ko na mag maneho.
"Anong pwedeng regalo?"- tanong ni mama.
Hindi naman ako sumagot kasi wala akong idea kung ano nga bang pwede. Hindi ko naman close yung mas batang kapatid ni clark kaya hindi ko alam kung anong pwede.
"Bilhan nalang natin siya ng cake"- sabi naman ni papa
"Okaay"- sabi ni mama kaya naman dumaan na kami sa bakeshop tapos ako nag antay nalang kila mama sa labas habang nakapark yung sasakyan. Hindi naman sila masyadong nag tagal.Tahimik nalang kami sa byahe hanggang sa makarating kami sa bahay nila clark.
"Buti nakapunta kayoo"- excited na salubong samin ni tita tas lumapit siya kay mama at humalik dito ganun din kay papa at sakin maya maya pa e lumabas na rin si clark nasa may pinto palang kasi kami ng bahay nila lumapit siya sakin tapos nakipag brofist
Tapos inaya na niya ako pumasok nakita ko naman si smith dun. 15 years old na siya sa ngayon so bale dalawang taon lang tanda ko sakanya. Nilapitan ko naman siya nun tas ginulo ko yung buhok niya
"Happy birthday smith"- bati ko ngumiti naman siya
"Thankyou kuya"- sagot niya. Ngumiti nalang naman ako pabalik tapos makipag kamustahan na ako sa mga ibang kamag anak namin. Na nandoon nung wala na akong magawa e umakyat nalang ako sa kwarto ni clark. Sanay na sila sakin rito parang pangalawang bahay ko na rin to kasi open na open sila saakin.Narinig kong may nagbukas ng pinto ng kwarto ni clark nung nakaupo ako sa kama niya. Si clark pala
"Boring na sa baba nag eenjoy na yung mga matatanda.- sabi ni clark natawa nalang ako. Ganito kasi sila tita e madalas pag party ng anak nila hindi halatang party ng anak nila kasi puro kamag anak at matatanda yung karamihan sa pinapapunta. Ewan ko ba.
BINABASA MO ANG
Now She's Here
Teen FictionSecond story ko palang. Naisip ko to isulat paulit ulit na kasing nasa utak ko sana mag enjoy kayo