Now she's here4

6 0 0
                                    

CHAPTER FOUR
Nagaabang na ako ng taxi ngayon sa tapat ng bahay namin.
Ngayon hindi ko ulit kasabay si papa. Bagong araw ulit hindi ko pa alam kung ano nanamang mangyayari sa araw na to. Nakatulog naman ako kagabi ng ayos.
May dumaan ng taxi kaya naman pinara ko na to para makasakay na ako. Tumigil din naman syempre sinabi ko na sa driver kung san ako dapat ibaba . sa daan papunta sa school nadaanan namin yung tinatambayan ko naagaw nun yung atensyon ko. Ang ganda talaga ng lugar na yun kahit tignan ko lang ng malayo. Parang gumagaan yung pakiramdam ko hindi ko alam kung bakit ako ganitong klase ng tao. Napatanong tuloy ako sa isip ko kaya ba magaan yung loob ko pag nakikita ko yung lugar na yun dahil sa magandang view na binibigay nito? O dahil nandun yung mga alaalang minsang bumuo ng pagkatao ko. Minsang nag pasaya sakin. Umiling nalang ako nagiging madrama nanaman ako minsan nag tataka na rin ako kung lalaki ba talaga ako, di biro lang ang drama ko kasi e .
Maya maya pa nasa tapat na nga kami ng school inabot ko yung saktong bayad ko tapos nag pasalamat na sa kuya  tapos lumabas na ako ng taxi tas sinara na yun. Tas pumasok na ako ng campus. At ayoko na imention pero  imimention ko lang uli na nakasalpak na sakin ung earohones ko
. mula pa nung nasa gate ako ng bahay namin kaya naman hindi ko naririnig yung mga tao ngayon sa paligid ko.
Dumiretso ako ng room ko pag pasok ko nakita ko agad si shantall nakayuko siya. Nag susulat nanaman sa papel ng mga bagay bagay na siguro nararamdaman niya nag lakad ako papunta sa tabi niya kasi dun nga yung upuan ko tas ibinaba ko yung bag ko tinignan naman niya ako tas nginitihan. Yung mga ngiti na yun namimiss ko na. "G..gusto mong lumabas muna ng room?.- natanong ko nalang bigla hindi ko ba alam mula nung nakita ko siya kahapon mag isa walang kausap at hindi mukhang masaya parang ayoko na ulit makita siyang ganun. Kahit ako nawiweirduhan na sa nararamdaman ko. Binigyan naman niya ako ng nagtatakang tingin nailang naman ako kaya binawi ko "aysh a.. Si.sige wag na"- tumalikod na ako at maglalakad na sana pero nag salita siya
"Ang weird mo no? Eh ano kung gusto ko lumabas ng room? Papalabasin mko mag isa?"- sabi niya hinarap ko naman siya
"H.hindi yun! . ano sasamahan kita"- sabi ko ngumiti naman uli siya pero yung ngiti niya ngayon natural. Hindi yung peke lang o pilit. Ang sarap niya makitang ganun ulit. Ha? Anong ganun ulit? Anong iniisip mo kiel? Ngayon mo palang siya nakitang ngumiti. Napairap ako sa ere  siguro dahil hindi ko talaga mapigilang isipin si shayden
"At ngayon mas weird ka. Sabi mo sakin masaya mag isa. O bakit sinasabi mong sasamahan mko"-sabi niya
"U..aysh. Wag na nga"- sabi ko tas tuluyan ng tumalikod at humakbang pero hinabol naman niya ako at hinatak ako sa my right wrist ko
"Sasama na. Hindi ko na rin kasi kaya"- bigla niyang sabi sabay yuko. Halata sa boses niya yung lungkot. Tinanggal ko naman yung pagkakahatak niya sakin tapos ako naman humatak sakanya palabas. Nadala ko nalang siya sa garden. Tahimik lang siya mula nung lumabas kami ng room nakaupo kami ngayon sa isang bakal na upuan na kasya kaming dalawa. Tatlo pa nga ata yung kasya kasi hindi kami mag kalapit. Bigla kong naalala na dito ko nga pala siya unang nakita nung umiiyak siya dahil dun sa isang lalaki
napatayo  ako ng wala sa oras sabay sabing "s..sorry"- ako
Sa maling lugar ko naman kasi siya dinala. Baka kasi ayaw niya rito dahil dun
"Hindi pala dapat tayo dito nagpunta sorry"- ako
Tumayo naman siya sa harap ko medjo mas maliit lang siya ng kaunti sakin. Kaya medjo kaya niya pang tapatan yung mukha ko "okay lang"- sabi niya tapos ngumiti
"Sorry talaga.. Ano gusto mo ba sa--"- napatigil naman ako sa sasabihin ko nung kinuha niya yung cap ko na suot ko nga pala at nilagay niya sa ulo niya. Hindi yun nakabaliktad gaya nung nasa akin kanina kaya naman  natatakpan yung mukha niya tapos napansin kong gumagalaw paitaas baba yung shoulder niya at rinig na rinig ko yung mahinang pag hikbi niya umiiyak siya
"

S..sabi mo..sabi mo masaya mag i..isa m..mukhang mali ka. Oo minsan lang ..maging masaya ang mag isa..p..pero pag katapos nun nakakalungkot na uli"- sabi niya sa gitna ng mga hikbi niya alam ko namang hindi talaga yun yung dahilan ng pag iyak niya
"Naiinis ako .. Naiinis ako sa sarili ko kasi hindi ko talaga kaya.. Hindi ko kayang tulungan yung sarili ko. Ikaw .. Ikaw kaya mo ba? Aminin mo nalulungkot ka din diba? Aminin mo hindi mo naman talaga gusto mag isa diba"- sabi niya pero habang sinasabi niya yun nakayuko pa rin siya.
Binaliktad ko yung suot niyang cap ngayon kahit nakayuko siya halata na yung pag tulo ng luha niya hindi ko natiis at hinila ko siya palapit sakin. At niyakap ko siya
"Ssh. Wag na kung hindi mo kaya. Andito na ako"- bigla nalang lumabas sa mga bibig ko yung salitang yun.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 05, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Now She's HereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon