Now shes here2

6 0 0
                                    

CHAPTER TWO
Pagkatapos umiyak nung babaeng yun kanina sa dib dib ko bigla nalang siyang tumakbo paalis. Salamat naman sa iniwan niyang luha o sipon sa t shirt ko no? Nawalan na ako ng gana na pumunta ng court sinalpak ko na uli yung earphone sa tenga ko. Tapos nag lakad na pabalik ng classroom. Tapos pilit kong kinakalimutan yung babaeng iniisip ko kanina. Pag dating ko ng room na upo na ako. Tapos pinikit ko ng sandali yung mga mata ko. Para enjoyin yung tunog ng kanta. Tapos maya maya may mga scene nalang sa utak ko na biglang automatic na nagplay

"Kiel! Kiel! Kiekooo! Ano ba yan wag ka ng magtampo babayaran ko na lang yang ruler mong naputol ko"- siya habang inuuga uga ako para pansinin ko siya.

Tapos may isang scene ulit
Umiiyak siya
"Kieko sabi ko naman kasi sayo umuwi na tayo ayun tuloy inaway ka pa nila may sugat ka sa mukha"- siya.

Tapos isa pa uli
"Kieko happy birthday! "- siya
"Salamaat."- ako
"Sorry wala akong gift"- siya
"Okay na yung palagi kang andito kapag birthday ko ano ka ba"- ako
Tapos tumawa siya. Yung tawa niya

Sinira ko yung isa pa sanang scene na magplaplay sa utak ko nung minulat ko yung mata ko tas tinanggal ko yung suot kong cap ko nagulo ko nalang yung buhok ko tas pag tingin ko sa harap may babaeng papasok sa room namamaga yung mata niya. Dirediretso siyang naupo sa tabi ko so siya pala dapat yung katabi ko na matagal ng absent. Nakakainis bakit sa dinami dami ng room na nandto sa school dito pa siya napunta. Ayoko na sana ng bagay na makakapag paalala pa sakanya!

Maya maya pa dumating na din si maam at gaya nga ng dati mag checheck muna siya ng attendance.
"Illona,shantall....illona,shantal"- ulit ni maam taranta namang nag taas ng kamay yung katabi ko
"Ang tagal mong absent Ms.illona anywaays we'll talk about it later"- sabi ni maam
"Y..yes maam"- sagot naman niya tapos napansin ko na nakayuko siya tapos may sinusulat siya sa kapirasong papel na
It hurts and i think its killing me sabi sa sulat tas pinatungan niya ulit ng ibang sulat yung lugar kung san may sulat na para siguro hindi maintindihan
Tss napailing nalang ako. Ang weird niya. Naiinis ako bakit ba kasi sila mag kahawig dahil sa babaeng to. Eto nanaman ako.

Buong oras sa loob ng room wala na akong ibang ginawa kundi piliting ifocus yung sarili ko sa lesson at pilit tintakasan yung mga scene sa isip ko. Ayokong maalala ayoko ng maalala. Pag katapos na pagkatapos ng klase dumiretso agad ako sa court nag antay pa ako ng sandali bago mawalan na ng tao tapos naglaro ako dala ko nga pala yung cp at nakaearphone ako habang panay yung shoot ko sa ring sa kanta at sa ring lang ako nakafocus minsan kahit sablay yung mga shoot ko tuloy lang ako sa pag shoot tapos nung nakaramdam ako ng pagod hinayaan ko na uli yung bola dun tapos nag lakad na ako pabalik sa  kinalalagyan ng bag ko dinala ko na yun tas sinuot ko na yung cap ko tas naglakad na pero nagulat ako nung makasalubong ko siya yung babaeng umiiyak kanina ngumiti siya sakin pero umiwas ako ng tingin tapos dinaanan nalang siya pero sumunod siya  kinalabit naman niya ako nung una hindi ko pinansin pero ang kulit niya kaya hinarap ko sabay sabing "ano!"- tas tinanggal ko yung isang nakasalpak sa tenga ko  halata nmang gulat siya kasi napasigaw rin ako. "S..sorry mag tathankyou lang sana ako"-sabi niya ng hindi nakatingin sakin "okay. Okay na?"-sabi ko tas naglakad na ako pero humabol siya "pwede ba kitang maging kaibigan"- siya

"Tss kaibigan? Hindi!"- sabi ko tas mag lalakad na sana ako uli pero humarang siya sa daan naiinis na ako
"Bakit naman?"- siya

"Alam mo miss malungkot ka lang kaya ka ganyan. Wag mo iasa yang kasiyahan mo sa iba. Hindi ko mapapaokay yang nararamdaman mo naiintindihan mo? Matuto kang mag isa. Wag kang umasa sa iba na mapapasaya ka nila" - ako tas tuluyan na siyang tinalikuran pero bago pa ako makalayo
"Eh di sana hinayaan mo akong tumayo kanina mag isa"-

pag kasabi niya nun nag tuloy na nga ako sa pag lalakad. Tas sinalpak ko na yung earphone naka full volume na pero ang naririnig ko sa utak ko yung sinabi niya paulit ulit
Eh di sana hinayaan mo akong tumayo kanina mag isa

Now She's HereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon