Picture of Shawn Yu in the media.
------------------------------------------------------
Nandito kami ngayon sa Sonier's High. Magpapractice kami para sa performance namin sa Filipino. Ang mga kagrupo ko ay sina Axe, Jane, Kenneth, at si Shawn. 10 am ang usapan namin .Pero kami palang nila Axe at Jane ang nandito. Kung sino pa mga babae sila pa nauna, hays. Buhay nga naman.Lakad. Cellphone. Lakad. Yan lang ginagawa namin habang naghihintay dun sa dalawa naming kagrupong lalaki. Mga paimportante. Psh.
"Tara Axe punta tayo Sm." Pag aaya ko.
"Ah so si axe lang? Di ako kasama?" Sabi naman ni jane at nag pout pa siya.
"Gaga. Alangan namang iwanan ka namin dito? Edi sinugod ako ng angkan mo. Pft. Tara na nga." Natawa naman sila sa sinabi ko pero may kasamang hampas yung kay Jane. Pagkatapos ay pumunta na kami sa Sm.
Tinext ko na rin si kenneth na dun nalang sa Sm pumunta para dun nalang kami mag practice. Pero si shawn..hay nako. Hayaan nyo na yun. Inis ako dun eh. Magkaaway kami.
"Antagal naman nila kenneth" sabi ni Axe.
"Oo nga eh. Pag nakita ko yun pag uuntugin ko sila ni shawn!" Sabi ko naman.
"Tara billiards tayo." Pag aaya naman ni Jane.
"Eh? Marunong ka?" Takang tanong ko sa kanya. Eh kasi naman masyadong girly to para mag billiards.
"Hindi."
"Yung totoo? Tanga ka o tanga ka talaga? Magyayaya ka tapos di ka naman marunong maglaro. Kutusan kita dyan eh."
"Kaya nga andyan kayo eh. Para turuan ako." Ah so gagawin nya kong tutor ganern? Hampas ko sa kanya tong billiard stick eh.
"Geh kayo nalang." Walang gana kong sabi.
"Kj mo! Manang mana ka sa kuya mo."
Tss. Narinig ko nanaman yung word na yun. Nag iinit nanaman tuloy yung dugo ko."Gago. Wala akong kuya. Only child ako."
"Aysus. Kinalimutan mo na kuya kuyahan mo? Nako magtatampo sayo nyan si sh--"
"Mananahimik ka o ipapalunok ko sayo yang billiard stick na hawak mo?! High blood ako ngayon dahil kingina ang tagal tagal nila kenneth 10 am usapan. 12:30 na wala pa kaya wag na kayong sumabay." Inis na sabi ko sa kanila ni Axe. Buti naman at nanahimik sila at naglaro nalang ng billiards.
Maya maya ay may nakita akong lalakeng naka black. Matangkad, maputi, at payat..Si kenneth. Anong oras sya dumating? 1:35. Ang aga no? Ang aga para sa uwian. Punyeta tong lalaking to. Babae pa talaga pinaghintay.
"Anong ginagawa mo dito?" Mataray na tanong ko sa kanya. Kapal talaga ng mukha, he's already 3 hours late. psh.
"Nakatayo." Punyeta. Namimikon ba to?
"E tangina mo pala eh. Alam mo ba kung ilang oras kami naghintay sayo?!"
"Hindi eh."
"Pakyu!" Bwisit talaga siya.
"Asan si shawn?" Tanong naman ni Axe. Isa pa yun si Shawn eh. Paimportante din amputa.
"May basketball game sila ngayon eh. Baka ma-late yun." Ano?! Nakuha pa nilang mag basketball?!
"Tangina nyong mga lalaki. Kami pa talaga pinaghihintay nyo ah?! Alam na ngang mag papractice nakuha pang magbasketball? Eh kung ipakain ko kaya sa kanya yung bola ng basketball at sya yung i-shoot ko sa ring?! Tangina naman oh." Galit na sabi ko. Tae nanggigigil na ko ah. Hindi pa ko naglulunch punyemas.
YOU ARE READING
Moonlight Shadow
Teen FictionMS is a story of a girl named Ryeanne Dela Fuentes. A good girl--before. But now, she smokes, drinks liquor, she's a bully. She's a bad girl that likes to play this little game called "LOVE". Yes, she's a player. But one day, a boy came into her lif...