Picture of Ryeanne Dela Fuentes in the media.
------------------------------------------------------Ryeanne's Pov
"Rye! Jusko okay ka lang ba? Pinag alala mo kaming lahat! Naku kang bata ka. Ano bang nangyari sayo ha? Anong pumasok dyan sa isip mo at uminom ka ng alak?" Dire-diretsong sabi ni mama sakin. Kaya lang wala eh. Wala akong maalala. Nang gagalaw sana ako, naramdaman kong masakit yung buong katawan ko. Ano bang nangyari?
"P-po? A-asan po ako mama?" -takang tanong ko.. kakagising ko lang kasi kaya hindi ko pa masyadong mamukhaan yung lugar.
"Sa bahay." Sagot ni mama.
"Weh? Wala naman po tayong aircon sa bahay ah? Ambisyosa ka ma." Sabi ko sa kanya habang nakatawa. Hinampas naman nya ko sa kanang balikat ko. Ouch.
"Gaga ka kasi. Wag ka ngang feeling artista dyan na bumabanat ng "nasaan ako" line. Nasa hospital ka." Sabi ni mama. Sus. Mukha kaya akong artista 😂.
"Eh? Bakit po ako nandito? Anong meron?"
"Magpapasalon tayo nak" matipid na sagot ni mama.
"Mama naman eh! Ano nga?"
"Bruha ka talaga eh! Ano bang ginagawa sa hospital? Malamang nagpapagamot." Sabi ni mama at sinamaan nya ko ng tingin. Eh malay ko ba naman kasi. Wala nga akong maalala eh.
"Eh ano po bang nagyari sakin? Bakit po ako naospital?"
"Aba. Hoy Ryeanne naospital ka lang, hindi ka nagkaamnesia. Baka gusto mong iuntog kita nang maalala mo pinaggagawa mo kagabi?" Aish. Si mama talaga, ang tino kausap.
"Mama kamo! Ano nga po? Parang sasabihin lang eh.." kumunot naman ang noo ni mama at tinignan nya ako ng masama saka nagsalita.
"Kasi naman kung di ka tatanga-tanga na basang basa ka sa ulan tapos bigla kang papasok sa bar at naglasing edi sana wala ka dito. Sabihin mo nga sakin..kelan ka pa natutong maglasing ha?" Ako? Pumasok sa bar ng basang basa? Ayy ang tanga nung bar. Haha char.
Ano nga ba kasi yung nangyari kagabi? Aish..isip.. isip..
Basang basa na ko dahil sa ulan pero wala akong magawa. May payong akong dala pero di ko ginagamit. Tanga na kung tanga. Pero yun naman yung totoo eh, diba? Tanga naman talaga ako. Kasi nagpagamit ako. Kasi nagtiwala ako at naniwala na kaya niyang tuparin ang mga pangako niya sakin. Ang tanga ko. Ang tanga tanga ko..
San ba ko pupunta? Ayoko pang umuwi.. ah alam ko na.
‘‘Jem's Bar’’
"Uhm, miss..ano pong age nyo?"
Tanong nung guard. Ano nga bang age ko? 16. Pero bakit ko sasabihin yun? Edi nalaman nilang minor palang ako. Psh."18" mukha namang nagtaka yung guard.
"Mukha bang may kataka-taka sa sinabi ko?" Pagtataray ko sa kanya. Hindi ba kasi pwedeng papasukin nalang nila ako? Aish. Baka sa kanya ko pa mabuhos galit ko eh.
"Uhm, kasi po--pwede po bang patingin ng i.d nyo?" Tsk. Kulit rin ng lahi neto eh.
"Tanga ka ba? Sa tingin mo magdadala pa ko ng i.d kung sa bar lang din ang punta ko? Tss."
"A-ah eh pasensya na po kayo ma'am. Masyado po kasi kayong mukhang bata eh. P-pero sige po, pasok na po kayo."
Hay nako. Papapasukin rin naman pala ako, andami pang arte kanina. Kung sabagay, mahirap na kasi magtiwala. Lalo na kung di mo pa gaano kilala.
YOU ARE READING
Moonlight Shadow
Roman pour AdolescentsMS is a story of a girl named Ryeanne Dela Fuentes. A good girl--before. But now, she smokes, drinks liquor, she's a bully. She's a bad girl that likes to play this little game called "LOVE". Yes, she's a player. But one day, a boy came into her lif...