3- His Return

26 0 2
                                    

Picture of Ryeanne's brother in the media.
------------------------------------------------------

"Good morning, hime."  (hime-princess) He smirked. Ang kapal ng mukha niyang pumunta dito. I know he's really enjoying this. He really enjoys seeing me in this kind of situation. Urgh.

"Ah nak, lalabas lang muna ako ah? Bibili lang ako ng makakain." Paalam ni mama sakin. "Uhm, iho..ikaw na muna bahala kay Ryeanne ha?" Dagdag pa niya. Iiwan nya talaga ako dito sa lalakeng to? Aish!

"Sure tita. Ingat po kayo." Sabi niya at nagbigay ng matamis na ngiti kay mama. Ang galing. Ang galing niyang magpanggap.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya. Nginitian niya lang ako. Plastic.

"Dinadalaw ka, hime. Kamusta ka naman?" 

"Heto, nagtataka. Ang alam ko kasi nasa ospital ako eh, pero nung pumasok ka pakiramdam ko nasa impyerno na ko." Sabi ko na nagpabago ng mukha niya. Hahaha. Now im enjoying this. Humanda kayong lahat sakin..

Just wait and see.

"Ganun ba ako ka-hot hime? Haha di bale, gusto mo bang lakasan ko yung aircon mo para di ka na mainitan?" Psh. Inirapan ko nalang siya. Ayokong makipagtalo sa kanya na parang bata. Baka nakakalimutan niya na may kasalanan pa siya sakin?

"Bakit ka pa bumalik? Ang saya ko na sana eh. Kaso bumalik ka pa."

"Ganyan ka ba mag welcome ng napakagwapo mong--" pinutol ko ang sinabi niya at nagsalita.

"Just go straight to the point." Huminga siya ng malalim at saka nagsalita.

"Binabalikan ka."

"Binabalikan?" Tumigil ako sandali dahil hindi ko maiwasang matawa sa sinabi niya. What a jerk. Sa tingin niya ganun lang yun kadali? Iiwan niya ko bigla bigla tapos babalikan niya ko kung kailan niya gusto? Fvck. "Hindi lahat ng naiwan, pwedeng balik-balikan. Lalo na kung yung taong iniwan mo eh unti-unti ka ng kinakalimutan."

"Alam mo namang hindi ko ginusto na basta bastang iwan ka diba? Alam mo yung rason hime.. hindi lang ako nakapagpaalam kas--"

"Stop." Pigil ko sa kanya. Ano nanaman to? Masasaktan nanaman ako? Ayoko na. Tangina pagod na ko.

"Just let me explain. Matuto ka namang makinig kahit minsan hime."

"Makinig? That's bullshit! Bakit kay shawn? Pinakinggan ko siya pero anong ginawa niya? Sinaktan niya ako!" Di ko na napigilan at tuluyan ng tumulo ang mga luha ko.. he hugged me. Nagpumiglas ako pero hindi niya talaga ako binitawan. How i wish na sana ganito lang kadali ang lahat..

"Onii-chan.." (brother..)

"Shh. It's okay to cry, hime. Sa ngayon, hindi na muna kita pipiliting makinig. But.. i just want to say sorry. Sorry kasi iniwan kita. Hindi ako lumaban pero Ryeanne hindi ibig sabihin nun na bumitaw ako. Kasi hanggang ngayon, kapatid parin ang turing ko sayo.." Mas lalo akong naiyak dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako o hindi. Natatakot na ako.. natatakot na akong masaktan ulit. "Sorry for leaving you, hime. Kung hindi kita iniwan, hindi mo sana nakilala si shawn.. hindi ka sana naghanap ng masasandalan at magiging kuya kuyahan mo. Im really sorry hime. I know it's all my fault." Tinignan ko siya. And all that i can see, is the sincerity in his face. Nabigla ako nung nakita ko na may mga luhang bumagsak galing sa mga mata niya. Heto nanaman ako, lumalambot nanaman yung puso ko.. nakakainis.

I admit it. I hate seeing onii-chan crying. I hate seeing my brother crying..

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Halaaaa. Akala ko ba only child siya? O to the m to the g! Eh sino tong lalaki na tinatawag niyang brother? Hahaha keep supporting guyseu. Thankiees.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 09, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Moonlight ShadowWhere stories live. Discover now