Sa mga taong nakaranas ng masaktan
naranasan niyo na ba na habang nasa bus kayo,
hindi niyo maiwasang mag muni muni??
yung tipong para kayong gumagawa ng music video??
hahahaha
ako kasi OO !!
just like the other day,
ang lakas kasi maka senti ng mga tugtog sa bus,
plus dagdag mo pa yung caller na madrama,
haaaaaaist!!!
kaya hindi ko maiwasang maalala yung mga panahon na magkasama kami sa bus.
hinahatid niya kasi ako sa school ko sa commonwealth,
minsan naman sinusundo kapag maagang natapos yung klase niya.
pero may hinding-hindi ako makakalimutan na paghatid niya sakin..
alam niyo kung ano yun??
PINAKASAMASAKIT NA PAGHATID NIYA SAKIN!
.
.
.
.
.
We're both freshmen that time,
nagkaroon kami ng maliit na pagtatalo at nahantong sa hiwalayan ..
and there he is telling me na magfocus muna kame sa pag aaral,
wala akong tigil sa pag iyak that night , and i also cried on my sister because of his SHIT reason!!
Nang medyo kumalma na ko, i texted him ..
sabi ko sa kanya
"pwede mo ba akong ihatid for the last time? , promise last na talagang favor toh" ..
at nag agree naman siya dun .
hihintayin niya nalang ako sa kanto namin para mahatid niya ko sa huling pagkakataon.
Kinaumagahan papasok na ko, pero wala akong nakitang anino niya dun sa lugar na pinag usapan namin ..
Gusto ko ng maiyak that time dahil akala ko wala na talaga siya,
hindi niya na ko ihahatid .. yan ang mga naisip ko nun..
patulo na nga luha ko habang nasa jeep na ko eh! ,
pero paglingon ko sa labas ng jeep may lalaking tumatakbo at humahabol sa jeep na sinasakyan ko ..
at alam niyo ba kung sino yun??
" SIYA" yun , ang lalaking mahal na mahal ko at iiwan na ako ..
sobra akong natuwa dahil sa ginawa niya dahil akala ko hindi niya tutuparin yung huling hiling ko sa kanya..
gusto ko na rin umiyak nun sa totoo lang dahil hindi ko akalain na tatakbuhin nya yung jeep na sinasakyan ko, ang laking eksena lang sa mga pasahero!!
Nung magkatabi na kami sa jeep, medyo awkward na ang atmosphere ..
Pawis na pawis siya nung makapasok na siya kaya naman binigay ko yung panyo ko sa kanya..
madalas niya kasing gamitin yung panyo ko kahit na may panyo naman siya..
hindi ko alam kung bakit ..
nandun pa rin yung magkahawak kami ng kamay habang bumabyahe..
parang okay pa rin kame ..
hanggang sa byahe namin sa bus,
tinatanong ko siya kung yun na ba talaga ang gusto niya
"ANG MAGHIWALAY KAME" , pero hindi siya makasagot sakin..
ang hirap manghula ng iniisip niya..
ang hirap din kausapin dahil hindi naman siya nagsasalita.
gustong gusto ko malaman kung anong tumatakbo sa utak niya,
kung bakit namin kailangan humantong sa hiwalayan kung studies lang naman ang issue..
hindi ko ma gets ang point na yun,pero dahil mahal ko siya ..
.
.
.
.
.
.
.
pinagbigyan ko ang gusto niya,
PINALAYA KO SIYA!
the moment na naihatid niya na ko sa destinasyon ko,
alam ko huli na yun..
kaya naman ng sumakay na siya sa Bus tinignan ko nalang paalis ang bus
hanggang sa hindi na siya matanaw ng paningin ko..
BINABASA MO ANG
The agony of an EX Girlfriend
Historia CortaMOVE ON TWO WORDS THAT'S EASY TO SAY BUT HARD TO DO!