That feeling after 4 years magkikita kayo ng EX mo.
Ang ganda pa ng venue ng muli naming pagkikita,
sa wake pa ng tatay ng isa naming barkada.
Pagdating namin sa venue kala ko ready na kong makita siya with his girlfriend,
pero nung nakita kong kasama niya yung girlfriend niya bigla kong dinaga at nag ayang kumain,
buti nalang hindi pa nila kami nakikita.
Hindi ko alam pero sobrang awkward talaga na makita yung EX mo na kasama na yung girlfriend niya ngayon,
yung babaeng naging dahilan ng paghihiwalay namin,
yung babaeng sinabi niyang pinsan niya pero hindi pala.
Pero sabi nga nila Past is Past, kaya naman after naming kumain wala na kaimng choice kundi pumunta na sa venue kung nasan ang mga barkada namin,
at pagdating namin dun sabay naman ang tayo nila para umalis dahil ihahatid niya pa yung girlfriend niya pauwi.
I didn't expect na babalik pa siya pero sabi ng mga kaibigan namin babalik pa siya at ihahatid lang talaga yung babae.
Nang umalis na sila natawa naman ako sa kaibigan ko,
dahil sabi niya sakin
"Parang may iba sayo ngayon aah, infairness blooming ka.. pinaghandaan mo siya noh?"
hahaha.. syempre sabi ko "hindi noh!.. simple lang nga tong itsura ko e.. hahaha"
Kung iisipin naman kasi talaga ibang-iba na yung itsura ko from the last time na nakita ako ng EX ko..
After 4years tsaka nya lang nakita ang mga changes sakin. :)
nung nakabalik na sila kasama yung isa naming kaibigan,
syempre wala siyang choice kundi pumwesto kasama namin..
At pagkaupong pagkaupo niya biglang nagsalita yung isa naming barkada na kung bakit hindi kami nagpapansinan since matagal na rin naman kaming hiwalay,
sabi ko ang awkward kaya.. haha.. I bet narinig niya yun..
I just realize na wala na nga akong feelings sa kanya,
siguro yung closure na hinihingi ko nabigay naman na sakin kahit hindi kame nag-usap that night.
Hindi man kami nag usap ng mga time na yun, siguro naman kaya ko na siyang harapin at tignan sa mata ng diretso at kausapin siya na parang wala lang.. na parang barkda lang kame.
Hopefully wala ng awkward moment saming dalawa.
BINABASA MO ANG
The agony of an EX Girlfriend
Cerita PendekMOVE ON TWO WORDS THAT'S EASY TO SAY BUT HARD TO DO!