If This Was A Movie (A 30 Day Relationship)

57 0 0
                                    

            Magkasamang nakaupo sa ilalim ng puno sina Derick at Lily. Parehas silang nagbabasa ng libro nang biglang umusap si Lily. “Sa tingin ko tayo na lamang ang walang silbi sa mundong ito.” wika ni Lily. “Bakit naman?” pagtataka ni Derick.

            “Kasi isipin mo, tayo na lang ata ang walang karelasyon sa school na ito.”

            “Naisip ko din yan. Kasi kahit yung mga kaibigan ko may mga girlfriend na. Tayo na lamang ang walang mga espesyal na tao sa mga buhay natin.”

            “Oo nga, hindi ko nga alam kung ano ang gagawin ko. Maiinis ba ako o mananahimik na lang.”

            “Alam ko na, maglaro tayo!”

            “Anong laro?”

          “Magiging boyfriend mo ako sa loob ng tatlumpung araw at ikaw naman ay magiging girlfriend ko!”

            “Magandang ideya iyan! Tutal wala din naman akong gagawin sa mga susunod na Linggo.”

            “Pero ok lang ba kung malaman nang mga kaibigan natin na naglalaro tayo?”

            “Siguro ok lang na malaman nila. Hindi naman natin ito seseryosohin. Haha.”

            Hindi na sila nakaimik pang dalawa. Kahit si Lily na siyang nagsabi na hindi naman nila seseryosohin ang laro nila, napatungo na lamang at hindi na nakaimik pa. “Halika, bumalik na tayo sa classroom.” pagyayaya ni Lily.

If This Was A Movie (A 30 Day Relationship) FILIPINOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon