The Last Time ('till the end)

29 0 0
                                    

Day 17

            Nasa isang park si Lily at Derick. Hindi sinasadyang biglang umulan at wala silang dalang dalawa na kahit anong panukob. Imbis na pumunta sila sa isang masisilungan, nagkasundo na lamang silang magsaya sa bawat patak ng ulan.

Day 19

 Yinaya ni Lily si Derick na pumunta sa isang burol upang tingnan ang mga bituin. Habang nakatingin sila sa langit, may isang bulalakaw na bumagsak. Agad na pumikit si Lily at humiling. Pinilit ni Derick na sabihin ni Lily kung ano ang hiniling nito ngunit ayaw sabihin ni Lily.

Day 21

Isang schoolmate nila Lily at Derick ang tumabi sa kanilang dalawa sa canteen habang lunch. Binastos nang lalaking ito si Lily at nakita ito ni Derick, agad niya itong  sinuntok. Nagkagulo sa buong canteen at maging ang mga teacher na nanduon ay nagulat. Sa huli, napag-alaman nila ang nangyari at nasuspinde ang lalaking nangbastos kay Lily, samantala, humanga naman sila kay Derick.

Day 23

             Nakita ni Derick si Lily na may kasamang ibang lalake. Sa inis, sinugod ito ni Derick at sinuntok. Inawat naman ito ni Lily. “Ano ba ang nangyayari sa iyo Derick? Kaibigan ko lang siya! Nagpapaturo lang ako ng isa sa mga subjects natin na hindi ko maintindihan!” sigaw ni Lily. Natahimik si Derick. Agad na umalis si Lily at nang uwian nila, hindi siya sumabay kay Derick.

            Kinagabihan, nakadungaw si Lily sa labas habang umuulan. Naaninag niya si Derick dito na may hawak na illustration board at may nakasulat na “sorry”. Agad siyang kumuha nang payong at pinuntahan si Derick sa labas na basang-basa sa ulan. “Ano ba itong pakulo mo?!” wika ni Lily. “Hindi ito pakulo, seryoso akong humihingi ng sorry sa iyo.” sagot ni Derick, “Halika na, pumasok na tayong dalawa sa loob, magpalit ka na muna nang kahit anong damit duon.” ani ni Lily. Napangiti naman si Derick at halatang natutuwa sa nangyayari.

Day 25

            Naglalaro ng patintero ang barkada nila Lily at Derick sa kanilang school nang biglang madapa si Derick. Agad na lumapit si Lily at tinulungan ito. Nang makita ni Lily na malala ang sugat ni Derick, agad siyang tumakbo sa kanilang classroom upang kunin ang alcohol niyang dala. Habang wala si Lily, lumapit ang isa nilang kabarkada kay Derick at nagtanong. “Sure ka ba na laro lang ang nangyayari sa inyo? Parang kakaiba na ata iyan ah.” Napahiyaw silang lahat at si Derick naman, natawa lamang.

Day 27

            Nasa isang bus sina Lily at Derick upang gumala. Hindi sinasadyang sa lubak dumaan ang bus at hindi din sinasadyang mahalikan ni Lily si Derick sapagkat magkaharap sila at pinag-uusapan ang isang bagay. First time nila itong dalawa. Agad silang humingi ng pasensiya sa isa’t-isa ngunit may halong hiya.

Day 29 (11:37 p.m.)

            Nakaupo sina Derick at Lily sa isang park kung saan sila unang naligo nang sabay sa ulan. “Pagod na ako Lily, madami na tayong napuntahan ngayong araw na ito. May gusto ka ba? Pupunta lang ako sa tindahan, ano gusto mong bilhin ko?” tanong ni Derick. “Parang gusto ko nang apple juice. Pwede ba?” wika ni Lily. “Haha, sige, hintayin mo lang ako dito, babalik din ako kaagad.” Agad na umalis si Derick at si Lily naman, masayang naghihintay sa park.

(11:45 p.m.)

            Medyo nabobored na si Lily sa paghihintay kay Derick. Hanggang isang lalake ang lumapit sa kaniya. “Excuse me. Kaibigan ka ba nung nagngangalang Derick, ang pangalan mo ba ay Lily?” wika nang lalake. “Opo, bakit po?” Kinabahan na si Lily.

“Mabuti naman ikaw yun, nabangga kasi yung kaibigan mo dun sa may kalsada ng lasing na driver ng van malapit dun sa may tindahan, eh habang inaakyat ng ambulansya yung Derick, pilit na sumisigaw ng Lily. Naiisip nang mga tao baka may kasama siya dito na nangngangalang Lily…” hindi pa tapos magsalita ang lalake, agad na umalis si Lily at pumunta sa pinakamalapit na ospital.

Pagdating niya sa ospital, hindi naman siya nagkamali, nandun nga si Derick. Agad siyang nagtanong sa isang nurse kung ano na ang kalagayan ni Derick. Ngunit hindi nito alam. Wala na siyang nagawa, kundi maghintay.

(11:57 p.m.)

May lumabas na doctor sa loob ng emergency room. Linapitan ito ni Lily at tinanong nito kung ano na ang kalagayan ni Derick. Ang tanging nasabi ng doktor ay kritikal ang lagay ni Derick. Binigay nito ang isang apple juice at isang sulat. “Nakita namin yan sa loob ng wallet ni Derick, hinahanapan din kasi namin siya ng iba pang impormasyon. Mahigpit din ang hawak niya diyan sa apple juice.” ani ng doktor. Binasa ni Lily ang sulat.

“Alam mo Lily, nitong mga nakaraang araw, napansin kong maganda ka talaga at tuluyan na akong nahuhulog sa maganda mong ngiti at sa lahat-lahat ng nangyayari sa atin sa loob ng larong ito. Kaya bago matapos ang laro natin, nais ko sanang maging girlfriend ka sa habambuhay. Mahal kita Lily.”

Yinukot ni Lily ang sulat at nagpumilit na pumasok sa loob ng emergency room. Yinakap niya si Derick at sinabi ang mga nararamdaman niya. “Derick, ayaw kitang mamatay! Mahal din kita! Naaalala mo ba nung may nakita tayong bulalakaw at may hiniling ako, ang hiniling ko nun tumagal tayong dalawa at huwag nang matapos pa ang larong ito! Mahal kita Derick! Huwag mo akong iwanan!”

Pumatak sa alasdose ang orasan.. Tumigil na sa pagtibok ang puso ni Derick.

At iyon ang pang 30 araw..

___

Pauwi na si Lily galing sa school nila. Napadaan siya sa bahay nila Derick. Iniwasan niyang maging emosyonal. Biglang kumulog ng malakas. Napatingin siya sa langit at nakita niyang madilim ito. Binilisan na niya ang paglakad upang hindi siya abutin ng ulan.

Pagdating ni Lily sa kanilang bahay, agad siyang umupo sa upuang kalapit ng bintanang pinagdungawan niya kay Derrick nang humngi ito ng sorry sa kaniya.

“Derick, bumalik ka, bumalik ka. Kung isa man itong palabas, uulitin ko ito at hintayin mo ako sa labas, tumayo ka diyan sa ulan, hanggang sa lumabas ako dala ang isang payong. Bumalik ka....”

____END_____

🎉 Tapos mo nang basahin ang If This Was A Movie (A 30 Day Relationship) FILIPINO 🎉
If This Was A Movie (A 30 Day Relationship) FILIPINOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon