(Please play the music while reading.)
One Heart Divided By Three
Prologue
Sabi nila... "Sharing is good."
Lahat naman daw ng bagay pwedeng paghatian eh.
Pero merong isa na hindi mo pwedeng ibahagi sa ibang tao.
Yun ay ang PUSO ng taong minamahal mo.
Sabihin mo, kaya mo bang makihati sa pagmamahal ng ibang tao?
Di ba hindi? Di ba ang hirap? Di ba ang gusto mo ikaw lang ang tanging laman ng puso nya?
Ganun naman talaga eh. Kapag pag-ibig na ang pinag-uusapan, ang mga tao nagiging selfish.
Pero, I'm just wondering, bakit kaya isa lang ang puso ng tao? Meron naman tayong dalawang mata, tenga, kamay, paa... pero bakit ang puso iisa lang?
Ah! Siguro kasi para sa isang tao mo lang ito dapat ibigay. Dun sa tao na tunay mong minamahal. Sa kanya mo lang dapat ibigay ang puso mo.
Pero pano kung may dalawa kang mahal?
Haha! Naalala ko tuloy bigla yung kanta na may lyrics na "Sana dalawa ang puso ko..."
Tsk. Kinakanta lang naman yun ng mga playboy at playgirl eh. Yung mga taong hindi makuntento sa isa lang.
Pero bakit nga ba hindi sila marunong makuntento? Siguro kasi... ahm... bakit nga ba?
Maybe it's NOT because hindi sila marunong makuntento. Baka nagkataon lang na mahirap talaga pumili between those two persons. Hindi mo tuloy malaman kung sino sa kanila ang MAS mahal mo.
Haaay... Ang sakit sa ulo! Pero ang mas nakakaloka pa diyan ay kung hindi lang basta dalawa, kundi TATLO ang pagpipilian mo.
Yung tipong The PRINCE, The PAUPER and The DARK KNIGHT ang drama.
Haha! Pano nga kaya pag ganun ang nangyari? Paano kung may tatlong gwapong lalaking nanligaw sa'yo? Tapos parang lahat sila natutunan mo ng mahalin.
Sino sa kanila ang pipiliin mo?
Yung taong kahit pinagtatabuyan mo na, lagi pa rin syang nandyan para sa'yo at handa kang protektahan anuman ang mangyari?
Yung taong kahit wala namang ginagawa pero makita mo lang sya, napapangiti ka na?
O... yung taong kahit sobrang nasaktan ka na nga dahil sa kanya, but still, hindi mo pa rin sya kayang i-let go at hindi mo kayang mawala sya sa buhay mo?
Kanino mo ibibigay ang puso mo?
Ang hirap pumili nuh?
Pwede kayang hatiin mo na lang ang puso mo sa kanilang tatlo?
Hmmm...
One Heart Divided By Three
Will it be possible?
Posted: 12/05/11 , 10:03 PM
===========================================================================
Author's Note:
Annyeong haseyo! This is my third story here in Wattpad. It's a fan fiction featuring Super Junior KRY (Kyuhyun + Ryeowook + Yesung). Hope you guys will like it. Vote. Comment. Like. Tweet. Become a fan. Kamsa hamnida! ^_____^
Love,
Ella E. a.k.a. ilovedaydreaming
BINABASA MO ANG
One Heart Divided By Three (ON-HOLD)
FanfictionWhat if three handsome guys fall in love with you? Who will you choose? The PRINCE? The PAUPER? Or the DARK KNIGHT? (a fan fiction about SUPER JUNIOR KRY)