Chapter 3: New Friends :)

373 8 16
                                    

Dedicated to all ELFs out there! Enjoy reading! ^_____^

Chapter 3: New Friends :)

~Heart’s POV~

“Baby girl, wake up na.”

Isang malambing na boses ang aking narinig na gumising mula sa aking mahimbing na pagtulog.

“Heart, baby, gising na.”

“Mmm...”

Ayaw ko pang bumangon kaya isang ungol na lang ang isinagot ko sa malambing na boses na aking narinig.

“Heart, anak, bangon ka na dian. Di ba Freshmen Orientation Day mo ngayon? Gising na. Male-late ka na oh.”

Hay naku! Si Mama ang ingay-ingay. Ayoko pa ngang gumising eh. Sarap-sarap kayang matul—

T-teka...

Bigla akong napabalikwas mula sa aking pagkakahiga. Shocks!

“MA! Ano ulit sinabi mo? Anong meron ngayong araw na to??”

“Huh? Freshmen Orientation Day?”

“What?! Shoot! I completely forgot! Ngayon nga pala yun! Ma, anong oras na?”

“Seven.”

Wooh! Buti na lang. 8:00 pa ung orientation. May 1 hour pa ako para magprepare.

“Anak, kumain ka muna sa baba bago ka maligo ah. Hindi magandang nababasa ang mata pag bagong gising. Baka lumabo ang mata mo.”

“Okay po, Ma.”

“At saka nga pala, nag-day-off ngayon si Manong Roger so sa amin ka na lang ng Papa mo sumabay papuntang school. Idadaan ka na lang namin dun. Basta bilisan mo lang kumilos ha. Dapat kasi by 7:30 nasa company na kami. May important client kasi kami na imi-meet ngayong araw na to.”

“Naku Ma! Eh ang bagal kong kumilos ee. Baka ma-late lang kayo dahil sa kin. Wag niu na lang po akong hintayin. Umuna na po kayong umalis sa akin.”

“Eh paano ka? Sino maghahatid sayo sa school?”

“Mama, hindi na po ako bata. College na po ako. Kaya ko na ang sarili ko. Big girl na ko di ba po?”

“Aww! Ang baby girl ko... she’s a big girl now.” She pouted.

Haha! Ang cute ng Mama ko. Ang sweet pa niya. Lagi niya kasi akong bine-baby.

“Basta Heart Baby ah, kahit big girl ka na, dapat wag kang magki-keep ng secrets sa akin. Gusto ko whatever happens to you, ako pa rin ang unang makakaalam nun. At...” she paused for a while.

“Ano yun, Ma? May sasabihin ka pa?”

“Gusto ko pag nagkaboyfriend ka na, you’ll say it first to me before anyone else. Okay?”

“Ma naman! Hindi ko pa po iniisip ang mga bagay na ganyan sa ngayon.”

“Hindi pa sa ngayon. Pero who knows? Malay mo ngayong araw na to mo na pala mami-meet si Mr. Right mo. Alam mo naman ang love... it always comes unexpectedly.”

“Hay naku Ma! Ikaw talaga, hindi mo sinasabi, may bago ka na palang line of expertise. Love expert ka na rin pala ngayon. Hahaha.”

“Ikaw talagang bata ka... lagi mo na lang akong pinagtatawanan pag tungkol na sa love ang ipinapayo ko sayo. Basta ha, magpromise ka sakin. Promise me that I’ll be the first one to know pag may boyfriend ka na. At gusto ko ipakilala mo agad samin ng papa mo ang boyfriend mo. Para makilatis namin agad sya para sayo.”

One Heart Divided By Three (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon