5. UNEXPECTED DAY

1 0 0
                                    

Alarm Clock tune.....

May tatlong bibe akong nakita mapayat mataba, ang mga bibe. Ngunit ang may pakpak sa likod nag-iisa, siyang leader na nagsabi nang kwak kwak kwak.........

Melco's povs

Aish.... Ano ba yan. Inaantok pa ako. 5 minutes pa... Hmmmp....

Repeat alarm clock tune...

Halla, kaaga pa... 5 minutes pa.

Teka? anung oras na ba??

〣( ºΔº )〣 pusang gala!!! Mag seseven am na!!!

*****

Melco's povs

At dahil sa sobrang late na ng gising ko at nagmamadali narin, nakalimutan ko nang kumain. Naligo nalang ako at nag tooth brush. Nagbihis, at ang pinakaepic pa kamo? Nakalimutan kong magsuot nang sapatos at pantulog parin na tsinelas ang gamit ko... At habang tumatakbo, with matching patalon talon at iwas-iwas sa mga nakakasalubong ehh nagsusuklay pa.

Aish.... Kaasar!! Habang tumatakbo ako sa may gilid nang kalsada sinisisi ko parin ang sarili ko dahil may alarm clock na nga, di pa ako nagising nang maaga. Napagod yata ako nang masyado kagabi.. Nakakastress kasi ang mga nangyari... At sana wag kong makita ang lalaking yun!!! Ang tinutukoy ko ay yung Lucas na yun. Nakakapang init siya nang ulo.

*****

Sa school

*****

Hayan, malapit na ako sa gate... At nang makapasok ako, diretsyo agad ako sa jaica building. Takte!! Pang 4th floor pa room ko. So bilis-bilis akong tumakbo pataas, grabe... Sobrang nakakahingal at nakakapagod at yung mga paa ko, nangangatog na siya. Promise!! Naiiyak na ako. Hayan 3rd floor na, malapit na sana makalapag ang paa ko sa fourth floor, malapit na... Hayan na!!!! Nang biglang....

BOOOOOGHS!!!!!

Hayun nga, may nakabunggo akong isang lalaki, well naka uniform so malamang estudyante dito, muntik na sana akong mahulog sa may hagdan, pero..pero..pero.. Nahawakan niya ang bewang at likod ko, at nung pagkahila niya saakin sa may sahig ng fourth floor, napa higa siya, and unfortunately napadapa ako sa kanya. Napapikit ako nang mga oras na yon, pero nung imulat ko yung mga mata ko.

〣( ºΔº )〣〣( ºΔº )〣〣( ºΔº )〣

Yan.. Yan ang itsura ko nang makita ko na si Sir, si Sir Adrian pala yon!!!! Magash!? Anong gagawin ko? Tsaka pa..panong..?? Panong nandito siya?

Hoy!! Wala ka bang balak tumayo at tutulala nalang sa'kin? Sabi niya nang walang kemo-emosyon habang nakatitig saakin.

Ahhhh....Ahahaha... Eto na nga po, tatayo na nga po. At parehas na kaming tumayo mula sa pagkakahiga namin.

Si....sir....panung?? Panung?? Tanong ko habang nakapoint ang pinky finger ko sa kanya.. Nang maalala ko na late na ako.

3 In 1Where stories live. Discover now